Hello FIVE
'Puwede ba Clark umupo ka nga. Kanina ka pa lakad dito, lakad doon. Paulit-ulit na lang hindi ka ba nahihilo? Kasi kung hindi, pwes! Ako hilong hilo na kakatingin sa'yo kanina pa. Kaya kung puwede umupo ka na kasi ako yung napapagod sa'yo.' umupo naman siya sa tabi ko habang nag-iisip pa rin. 'Hoy Clark. Ano ba yang iniisip mo diyan?'
'Iniisip ko lang paano nangyari 'to? I mean, bigla-bigla na lang may susulpot na dalawang bata sa bahay mo tapos tatawagin kang daddy? Baka naman anak sila ng mga magnanakaw o kaya mga akyat bahay gang tapos yung dalawang batang yun ang spy nila na magtuturo sa kanila kung paano makakapasok at ano ang puwede nilang manakaw sa pamamahay mo. Naku Exe kailangan na nating i-report sa mga pulis ang mga batang yan. Malay natin may mga baril yun, tapos. tapos. bigla na lang nila tayong pagbabarilin, oh kaya naman ay may kutsilyo. tapos. tapos. cha-chop-choppin nila tayo. EXEQUIEL BAKA KALAHI NILA SI----'
Binatukan ko nga. Kung ano-anong pinagsasabi.
'Tumigil ka nga Clark. Kung ano-ano na yang ini-imagine mo. Mga bata pa yun tapos may baril na? Mukhang mababait naman sila kaya okay lang naman siguro na alagaan natin sila.'
'Tayo? Aalagaan SILA? Kayo na lang ni Jeur. Huwag niyo na akong isali tutal kaya niyo silang dalawa.'
'Clark.'
'Ayoko talaga. Kayo na nga lang kasi ang mag-alaga sa dalawang yan.'
'Clark.'
'Exe, ayoko nga.'
'Bestfriends tayo.'
'Ayaw.'
'Sasabihin ko lahat ng sekreto mo.'
'OO NA. OO NA. Aalagaan na NATIN sila.'
'Good.'
Kung tinatanong niyo kung nasaan si Jeur? Ayun nasa CR kasama ang dalawang bata. Nagvolunteer siyang paliguan yung dalawa. Mahilig kasi si Jeur sa mga bata may kapatid din kasi siyang babae, one year younger sa kanya at sobrang close sila nun.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na din yung tatlo galing sa CR.
'Bango bango niyo na. Yakapin niyo daddy niyo, bilis.'
Tumakbo naman yung dalawang bata papunta sa akin tapos bigla na lang akong niyakap. Sinamaan ko naman ng tingin si Jeur, sabi ng ayaw kong matawag na daddy.
'Daddy, uncle Jeur ish soo kind.'
'Haha, of course.' pagmamalaki ni Jeur. 'Baby Gorby and Baby Fern, yakapin niyo rin si uncle Clark niyo.'
'Hi uncle Clark.'
'Ha-ha. H-Hello. A-Ang sweet n-niyo naman.' PLASTIK KA CLARK!
'Gorby and Fern?' tanong ko naman kay Jeur.
'Yep. Pangalan nilang dalawa. Sabi kasi nila wala daw silang names kaya ayun ginawan ko.'
'At san naman galing yung mga pangalang yun?' tanong naman ni Clark na medyo naiirita na sa pangungulit nung dalawang bata.
'Yung Gorby galing yun sa cellphone ko which is samsung corby pinalitan ko lang yung 'C' ng 'G', oh diba unique?'
'Hindi naman yun unique. Ang dami na kayang may pangalang Gorby. Eh yung Fern, san naman galing?' tanong ko
'Galing naman yun sa crush ko. Yung ka love-team ni Mario Maurer? Si Baifern?'
'Jeur, pang-bakla lang yan. Sabihin mo nga, bakla ka ba?' -Clark
'Hoy. Hindi ah. Atsaka hindi ko naman talaga napanood yung movie nila. Natanong ko lang yun sa kapatid ko.'
'Asus. Palusot ka pa' -ako
'Hey! Ano ba. Yung mata ko.'
Nasigawan bigla ni Clark yung dalawang bata.
'Daaaaaaaddy. Shi uncle Clark, galit naaaa' -Fern
Tatawa na sana ako ng bigla akong nagulat dahil sa sinabi ni Fern.
WTF!
_________________________________Edited: 070616

BINABASA MO ANG
HELLO DADDY
Ficção AdolescenteAN: Will be updated soon. Thank you so much for reading and voting. You guys are the best!