Maureen Lucas
----------------------------------------
HELLO SIXTEEN
MAUREEN'S POV
Yes, sa wakas may trabaho na ako. Makakatulong na ako sa magulang ko. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Fern kasi kung hindi ko siya nakita at tinulungan malamang hindi ko makikilala si tita Mands, edi sana hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng trabaho.
Sanay na rin naman ako sa mga gawaing bahay kasi bata pa lang ako itinuro na sa amin iyon ng aking magulang para daw maging responsable kami paglaki namin. Sa pagbabantay naman ng bata, wala ring problema kasi halos ako na rin lagi nagbabantay sa mga kapatid ko pati na rin sa mga pinsan ko.
Ang hindi ko lang alam gawin ay kung paano paaamuhin yung amo kong lalaki. Paano ba naman simula nung makita ako parang kaaway na agad tingin sa akin. Hindi lang ako sanay kasi sa lugar at sa school ko wala akong kaaway, lahat kaibigan ko. Ngayon lang ata may taong galit sa akin.
Oo nga pala, magpapakilala ako ulit sa inyo mga mambabasa ko. Ako nga pala si Maureen Lucas. 4th year high school student sa Avenue High School. Hindi kami mayaman, obvious naman siguro hindi ba? Pero kahit ganun masaya at nagmamahalan pa rin naman kaming magkapamilya.
'Yaya puwede mo ba kaming gawan ng juth?'
'Juice ba? Oo naman Gorby. Anong flavor ba ang gusto niyo?'
'We want mango juth yaya?'
'Okay. Ipagtitimpla ko muna kayo ah.'
'Yaya.'
'Oh? Bakit? May iba pa ba kayong gusto?'
'Wala po. May itatanong lang.'
'Ano yun, Gorby?'
'What can you chay about Daddy Exe?'
'Huh? Ahh-- Isa lang masasabi ko, nakakatakot siya.' totoo naman diba? Yung mga titig niya sa akin parang tingin ng isang tigre. Nakakatakot at baka bigla ka nalang kakagatin.
'For real yaya?' tumawa naman siya. 'Hindi naman nakakatakot chi daddy.'
'Siguro para sa inyo hindi kasi mabait siya sa inyo, pero sa akin nakakatakot kasi ayaw niya sa akin.'
'Don't worry yaya, cha chuchunod maguguthuhan ka na niya.'
'Sana nga. Para hindi na siya magsungit sa akin at para hindi narin ako matakot. Eto na yung juice niyo. Inumin niyo na.'
Natapos ko na lahat ng gawaing bahay. Pagtingin ko sa orasan maga-alas kwatro na pala. 5:30 mag-uumpisa yung klase ko mamaya. Actually, hindi naman talaga evening schedule ko noon pero kasi may trabaho na ako kaya kailangan kong mag-adjust. Buti na lang yung mga kaibigan ko lumipat din sa pang-gabi at least hindi kami magkakahiwalay.
Kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit ko para sa school pagtingin ko ulit sa orasan maga-alas singko na.
'Daddy.' narinig kong sigaw ni Fern sa sala.
Andyan na pala si Exequiel. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas sa kwarto.
'Hi.' bati ko kay Exe.
As usual tinitigan niya lang ako ng masama at tinalikuran. Sanay na akong ganyan siya.
'May panghapunan na pala kayo dyan. Sige aalis na ako kasi baka ma-late pa ako sa klase ko.' pagpapa-alam ko sa kanya.
'Wala akong pake.' okay, siya na masungit
May bigla naman siyang inihagis sa akin buti na lang at nasalo ko. Susi pala.
'Para saan to?' tanong ko sa kanya
'Malamang pangbukas mo ng pinto pag-uwi mo.'
'Sabi ko nga. Sige alis na ako. Bye' katulad parin ng dati tinalikuran ulit ako at pumunta sa kusina. 'Bye Fern, bye Gorby.'
'Bye yaya.' buti pa yung dalawang bata.
Bakit kaya galit siya sa akin? Dahil ba taga-AHS ako?
O hindi naman kaya---
INLOVE SIYA SA AKIN.
Diba nga may kasabihan, 'the more you hate the more you love'?
Okay, ako na assuming.
BINABASA MO ANG
HELLO DADDY
Teen FictionAN: Will be updated soon. Thank you so much for reading and voting. You guys are the best!