Hello FOUR
Lunch time na namin. So ibig sabihin, oras na upang ipakita ko sa kanila yung mga bata. Para maniwala na silang dalawa. Kanina pa nila ako pinagtatawanan ayaw kasing maniwala.
Dahil wala pa naman kami sa bahay ko. Ikukuwento ko muna yung nangyari sa araling panlipunan class. Diba nga ako yung maguulat ng replika namin? Hindi sana ako yung mag-uulat kasi sabi ni Jeur siya na raw dahil baka raw mali-mali yung sasabihin ko sa harapan.
Siyempre para mapatunayan kong hindi ako magkakamali hindi ko binigay kay Jeur yung ulat. If I know siya lang yung magbibigay ng mali sa ulat namin. Wala rin naman siyang alam about dun sa tower namin at isa pa magaling lang yun sa Math at Filipino.
Nagtagumpay naman ako sa pagulat ko. Kami lang naman ang may pinakamalaking puntos. Maganda na yung pagkagawa, mas maganda pa yung paguulat at isa pa,
malakas din ako sa aral pan teacher namin. Hahaha
Nakarating na kami sa bahay ko.
'Oh, ano? Ready na ba kayong makita sila?'
'Oo, Oo. Ready na kami.'
Tingnan 'tong si Jeur na. Ayaw raw maniwala pero siya pa itong excited.
'Sige ah, bubuksan ko na ang pinto. Isa.
dalawa.
tatlo.
Cheneng!'
*kru kru kru*
'HAHAHAHA. Pareng Exe naman. Asan na yung sinasabi mong mga bata?' pinagtatawanan na naman ako ni Jeur.
Asan na nga ba yung dalawang bata?
Don't tell me umalis sila?
Pero naka-lock yung gate nung pagdating namin.
'Exequiel, ikaw talaga. Binibiro mo naman kami eh. Nagsayang lang tayo ng pamasahe papunta rito.' hinampas niya ako sa balikat at umupo sa sofa.
'Clark, totoo nga kasi. Teka lang. Diyan lang kayo. Hahanapin ko lang yung mga bata.'
'Exe pagamit ng CR. Najijingle tuloy ako sa kakatawa.'
Tumango na lang ako kay Jeur tapos pumunta na sa kusina.
Asan na ba kasi yung dalawang batang yun? Wala naman sila dito sa kus-----
'AAAAAAAAAAAAAH EXEQUIEEEEEL'
Napatakbo ako bigla papunta kay Jeur pati na rin si Clark.
'Bakit? Anong problema?' sabay naming tanong ni Clark kay Jeur.
'A-Ang cute nila.'
Huh?
Napatingin kami sa itinuro ni Jeur.
'HELLO DADDY!'
------------------------------------------------------------
Edited: 070616
![](https://img.wattpad.com/cover/2473623-288-k347115.jpg)
BINABASA MO ANG
HELLO DADDY
Подростковая литератураAN: Will be updated soon. Thank you so much for reading and voting. You guys are the best!