Hello SEVENTEEN

1K 31 9
                                    

Exequiel Lineses

Exequiel Lineses

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Clark Orevillo

Clark Orevillo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jeur Santos

Jeur Santos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


----------------------------

Hello SEVENTEEN

EXEQUIEL'S POV


Nandito kami ngayon nina Jeur at Clark sa mall, boys bonding kunbaga. Wala kasi kaming klase sa huling dalawang subject namin kasi raw nagkaroon ng meeting lahat ng mga teachers. O diba ang saya? Yung ibang classmates at schoolmates din namin ay nandito.

'Anong magandang gawin ngayon?' tanong ko sa dalawa na busyng-busy sa pagkwe-kwentuhan.

'KUMAIN.' sabay ngisi ng malaki.

'Kakatapos nga lang nating kumain kanina, kakain na naman ulit? Ang takaw mo talaga Jeur. Kaya hindi ka nagkaka-ABS eh.' sabi ko.

'Puro FATS.' tumawa at nag-apiran naman kami ni Clark.

'Tse. Kung makapagsalita, bakit kayo ba meron? RIBS nga sa inyo e.'

'Oy hindi a. May ABS ako.' pagmamalaki ko.

'ABS-ent.' si Clark naman at Jeur ngayon ang nagtawanan at nag-apiran.

Binatukan ko tuloy si Clark.

'Akala ko kakampi kita. Upakan kita dyan e.' 

'Sorry naman. Peace tayo.' nag V-sign siya sabay ngisi.

'Sa timezone tayo.' pag-aya ni Jeur sa amin.

'Oo nga. May dance central dun diba?' tanong naman ni Clark.

'Yep. And it's time to groove again.' excited na sumayaw-sayaw si Jeur.

Kung hindi niyo alam, matagal na kaming mga dancer. Hindi lang halata kasi hindi rin kami nagpapahalata.

'Exe, tingnan mo may mga Kpop songs na dito.' tiningnan ko rin yung songlist na tinitingnan nila Jeur at Clark.

Wow naman. Asensado na yung Dance Central dito. Maka-Kpop na din. Halos nandito lahat ang mga bagong songs a. Mai-try nga.

Bumili na kami ng ticket sa counter at dahil halos ang tagal na naming hindi nakakasayaw ulit dito, 20 tickets lang naman yung binili namin. Plus may apat na free tickets kaya ibig sabihin 24 songs ang sasayawin namin ngayon. Ang sipag namin.

'Anong kanta po?' tanong nung babae sa amin.

'What's Happening by B1A4 po ate.' sagot naman ni Clark.

Siyempre sumang-ayon kami. Favorite group namin sila.  Ang galing kaya nila lalo na si Jinyoung. Idol ko yun. Magkamukha rin daw kami. Iba na talaga ang may kamukhang artista, kaya lapitin ako ng mga chiks.

Nagsimula na yung kanta. Todo naman kami sa paggalaw at pagkopya sa mga dance steps.

Hindi ko pa pala nasabi sa inyo na mga Kpop Fanboy kami. Wag niyo kaming husgahan, hindi naman lahat ng fanboy ay alam niyo na. Straight po kami. Astig lang kasi talaga ang mga steps ng mga Kpop groups kaya dahil dun ina-idolized namin sila. Balak nga naming gumawa ng cover group pero hindi na namin tinuloy kasi baka sa sobrang galing at dahil sa kagwapuhan namin malalalamangan namin yung mga idolo namin.

(AN: Pasensya na po dahil sobrang mahangin yung nagawa kong character. Haha)

-----------------------------------------

JEUR'S POV


 After a long long long time nakapagsayaw na din kami ulit. Nakakamiss talaga 'to, naging sobrang busy na kasi sa school dahil malapit na kaming ga-graduate kaya ang daming pinapagawa. Buti na lang may meetings lahat ng mga teachers ngayon kaya its time para magsaya.

Pang-twenty na naming kanta ngayon. Grabe na yung pawis namin kung iipunin lahat halos isang drum na siguro pero okay lang kasi masaya naman. Ang dami ngang nanonood sa amin, may fans na ata kami.

'Growl na naman.' sigaw ni Exe sa amin.

'Huwag yan. Mahirap yan e.' pagmamakaawa ko sa kanila. Sa talaga namang ang hirap nung steps. 

'Hindi naman. Nakukuha nga namin ni Clark yung steps.'

'Edi kayo na magaling. Mahirap nga kasi yan lalo na dun sa part na luluhod sila.' 

'Ang dali lang nun. Bahala ka nga dyan.'

No choice ako kaya sumali pa rin ako sa sayaw nila. Yung part lang naman talaga na luluhod sila ang pinaka ayaw ko.


'Nakakapagod na. Kanina pa tayo dito. Hindi na nga bumili ng tickets yung ibang tao kasi alam nila matatagalan pa tayo.' sabi ni Clark na medyo hinihingal.

'Oo nga. Kawawa naman sila. Next time bumalik tayo dito tapos isasama na natin sina Fern at Gorby para mas masaya.' sabi ko habang nagpupunas ng pawis.

Napatingin naman kami kay Exe. Umiba kasi yung expression ng mukha niya.

'Jeur, anong oras na ba?' tanong ni Exe na parang natataranta.

'Oras na para kumain. Sa ibang araw na lang natin gagamitin yang mga natirang tickets.'

'Jeur, seryoso yung tanong ko.'

'Seryoso din naman yung sagot ko. Gutom na nga ako.'  hinihimas himas ko pa yung kumukulo kong tiyan.

Uh-oh. Mukhang galit si Exe. Ang sama ng tingin niya sa akin. Tita Mands, kakainin po ata ako ng anak niyo.

'It's already 6:30 Exe.' si Clark na lamang yung sumagot sa tanong ni Exe.

'Oh shoot.' biglang kinuha ni Exe yung bag niya at nagmadaling umalis.

'Clark, anyare dun kay Exe?'

'Kailangan na niyang umuwi. Dapat nga kanina pa.'

'Huh? Eh bakit naman?' 

'Jeur, hindi ka ba nag-iisip? Hindi makakapasok si Mau sa klase niya kung hindi pa uuwi si Exe kasi walang magbabantay sa mga bata."

Oo nga pala. Nag-aaral nga pala si Mau. Lagot si Exequiel ngayon almost 1 hour ng late si Mau.

'Oh shoot.' -Ako

'Oh? Bakit? Huwag mong sabihing may nakalimutan ka rin?'

'Wala pero kailangan ko ng umuwi.'

'Huh? Bakit?' nagtatakang tanong ni Clark.

Lumapit ako sa may tenga ni Clark.



'Lalabas na yung yellow submarine.'

-------------------------------------------------

(AN: Sorry po sa kumakain. Medyo may topak yung isang character dito. haha) 

(edited: Dec 21, 2016)

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon