Kabanata 1

229 9 0
                                    

Kabanata 1

Their lovestory is indeed magical, beautiful and inspirational. Nakangiti akong isinara ang libro na katatapos ko lamang basahin. Love in war, iyon ang pamagat ng libro. Totoong naganap noong unang panahon ang kanilang pagmamahalan. Si Elizabeth na nagmula sa kaaway na pamilya ni Leandro.

Noong una ay hindi sila magkasundo ngunit nang mahulog ang loob nila sa isa't isa ay pinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan. Kainggit sana ay may isang Leandro rin ako na handa akong ipaglaban.

"Aray!" daing ko ng tumama sa ulo ko ang kamay si Zarina ang aking bestfriend.

"Nangangarap ka na naman! Pwede ba Chelsea tigil tigilan mo nga ang pagbibili ng mga lumang libro, dami-daming bago."

"Ano ka ba, nakakakilig kaya! Ang effort nila no, unlike sa mga bagong story ngayon, mafia mafia!"

Inikot niya ang mata sa akin at binato ako ng unan. Palibhasa ay iyon ang paborito niyang mga kwento. Madalas tuwing walang pasok sa eskwela ay tumatambay kami sa kwarto ko at nagbabasa ng mga libro, minsan ay online.

Bumaba kami ni Zarina para magmeryenda, ayaw ng mommy ko na kumakain ako sa kwarto, baka mamaya ay magkaroon daw ng daga at kagatin ako sa gabi. Dahil sa takot ko ma makagat ay hindi ako nagdadala ng kahit anong pagkain sa kwarto.

"Ano namang nakakatuwa sa mga binabasa mo Chelsea? Ang baduy!"
Sinamaan ko ng tingin si Zarina habang nilulunok ko ang saging na nginuya ko.

"Zarina, isipin mo magkaaway ang pamilya nila, tapos nahulog sila sa isa't isa. Sila nga dahilan ng pagkakaayos ng pamilya nila, ganda kaya."

"Luh, boring!" panlalait pa niya.
Madalas ay iyan ang asaran namin, nilalait niya ang taste ko sa mga kwento, akala mo nama'y napakaganda ng mga binabasa niya.

Matapos naming magmeryenda ay umakyat na muli kami sa kwarto ko at nagbasa. Kami lang dalawa ni Zarina ang magkaibigan, walang gusto makipagkaibigan sa amin dahil boring daw kami. Well mas gusto pa naming magbasa at mainlove sa mga fictional characters kumpara makipagplastikan sa kanila.
Seven o'clock ay umalis na si Zarina dahil dapat ay sabay-sabay silang magdinner ng family niya, ganoon din naman sa akin kaya binitiwan ko na ang librong binabasa ko at bumaba na.

Sakto lamang na kararating lang ng magulang ko galing sa trabaho.
"Let's eat anak." si daddy.

Tumango ako at lumapit sa kanya, agad akong inakbayan ni daddy at sabay kaming naglakad patungo sa kusina.

"Nanggaling ba dito si Zarina anak?" Tanong ni mommy na inabutan naming nasa kusina na.

"Yes, mommy."

"Hindi mo inayang sumabay sa atin kumain?"

Umiling ako habang umuupo sa hapag.

"Alam mo naman mommy dapat sabay-sabay sila magdinner sa kanila."

Tumango-tango lang si mommy at nagsimula na kaming magpray. Tahimik lang kaming kumakain, madalas ay ganito. Ayos lamang naman sa akin dahil alam kong pagod sila sa trabaho, naiintindihan ko.

"Anak may gusto ka bang bagong libro?" Tanong ni daddy.

Kahit naman busy sila ay alam nila ang hilig ko. Kahit medyo kulang ang oras nila sa'kin ay pinupunan na lamang nila sa mga bagay na gusto ko.

"Wala pa naman dad, hindi pa ako makaget-over sa binasa kong libro."

"Why anak? Tell us about it," si mommy.

That's what I love about them, they care on every little things about me.
"It's about how they fought for their love, ang sweet!" I exclaimed.

"Someday baby, you'll find someone who will fight for you." Nakangiting sambit ni mommy bago tinapunan ng tingin si dad.

After dinner ay nagtungo na ako sa kwarto ko para matulog. Papikit na ang mata ko ng mapansin ko ang munting liwanag na nagmumula sa libro ko. Half asleep, I stood up and walk towards it.

A strong magnetic force pulled me, parang pinipira-piraso ang pakiramdam ko habang nahuhulog sa napakalalim na lugar. Nanaginip na ba ako?
Tumama ang balakang ko sa matigas na bagay, ano ba 'yon?

"Ahh..." daing ko habang hinahawakan ang aking balakang.
Tatayo sana ako ng may mga naglapitan sa aking mga tao. What the?

"Sino ka?" tanong ng isang babae na may edad na.

Napakunot ang noo ng maaninag ang itsura nila. Ang mga babae ay nakasuot ng mahabang palda, ano bang tawag don saya? Mga lumang kasuotan. Wait nasa isang play ba ako? Historical play gan'on?

"Jusmiyo! Anong klasing pananamit iyan hija?" eksaheradang sambit ng matandang babae.

What's wrong with my dress? Malamang tutulog na ako at komportable ako sa dolphin short at sleeveless shir, wait... Agad kong tinakpan ang bandang dibdib ko ng maalalang wala nga pala akong suot na bra. Nakakahiya!

Agad na tumalikod at naglakad palayo ang mga lalaking nakikitingin. Ang weird nila, ang suot ba naman ay iyong parang sa magsasaka na mahabang damit. Nasa city kami I think hindi bagay na isuot iyon.
Natigil lang ang panunuri nila sa akin ng dumating ang isang lalaki.

"Paumanhin, siya ay aking panauhin na nagpapahinga sa itaas nahulog lamang sa bintana. Kung maaari ay bumalik na kayo sa kasiyahan."

Woah... I was puzzled. The way he talk, sobrang lalim nang tagalog niya! Naguguluhan na talaga ako, bakit ba ako narito ang alam ko lang matutulog na ako.

Nang makaalis na ang mga tao ay kunot noo niya akong tinignan ngunit agad ding nag-iwas ng tingin.

"Sino ka at papaano ka napadpad dito?"

Papano ko siya sasagutin e hindi ko rin naman alam ang sagot. Sinubukan kong tumayo at mabuti na lang at nakatayo ako pero nandoon pa rin ang kirot ng balakang ko.

"Nasaan ba ako?"

"Nandito ka sa tahanan namin."

I rolled my eyes malamang! Takte pilosopo.

"What I mean is anong barangay gan'on?"

Agad siyang bumaling sa akin ngunit ng makita ang ayos ko ay agad muling tumalikod. Nakayuko ako habang nakahawak sa bewang.

"Anong sinabi mo? Hindi ko maunawaan ang iba mong winika ngunit kung barangay ang tinatanong mo ay nasa barangay otso ang tahanan naming ito."

What the F. Barangay otso saang lupalop ng mundo iyon?

"Bakit ka ganyan magsalita?"

"Anong ibig mong sabihin, binibini?"

Binibini? Para akong nasa panahon ng mga librong binabasa ko. Natawa ako sa iniisip ko that's impossible right? I mean time traveling is not true. I'm just dreaming, nasobrahan kababasa ng mga historical books. Paggising ko susubukan nga 'yong mga binabasa ni Zarina.

"Bakit ka tumatawa mag-isa? May sira ba ang iyong ulo?" Takang tanong niya.

What? Anong akala niya sa akin baliw?

"Leandro, may panauhin ka raw?"

Nanlaki ang mata ko ng may lalaking nagsalita at papalapit sa amin. Mas nagulat ako kung gaano kabilis nakalapit sa akin ang lalaking kausap ko na tingin ko ay Leandro ang pangalan. He hid me on his back. Parang ayaw niyang makita ako ng bagong dating na lalaki. May kung anong init akong naramdaman.

"Kuya Pedro kung maaari ay wag kang lumapit sa amin. Bukas ng umaga ay ipapakilala ko sila sa inyo, paumanhin sa ngayon."

Sumilip ako mula sa likod ni Leandro at kitang kita ko ang kaguluhan sa mukha noong Pedro, pero tumango ito at natawa.

"Ikaw ang bahala, kailangan mo ring magpaliwanag kay Elizabeth, nagtataka iyon."

Wait Leandro? Elizabeth? Kung hindi ako nagkakamali iyon ang pangalan ng main characters sa Love in war na binasa ko. Imposible... Wag mong sabihing nasa panahon nila ako?

Our Historical LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon