EXTRA CHAPTER: The Lost Boy and the Other Girl

10.5K 105 4
                                    


 

Max’ POV

 Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko. Siguro nabawasan lang pero di pa rin nawawala yung lungkot. Hindi na siguro mawawala ‘yun sa sistema ko. It’s been years, and yet the pain still remains. Kalian ba ito matatapos?

 “Max, are you listening?” tanong ng lalaking nasa harapan ko. Right, ka-date ko pala siya. Eto na naman ako. Nginitian ko siya. Grateful ako na siya ang kasama ko ngayon. I feel at ease kapag siya ang kasama ko. Kaya rin siguro sinagot ko siya.

 “Sorry, what were you saying?” hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa at pinaglaruan ang mga daliri niya.

 “I was saying na sana mapakilala mo na ako sa family mo. I mean, we’ve been dating for months now. You know?” Nakakatuwa siya dahil bihira ang isang tao na seryoso lalo na sa ganitong klaseng relasyon.

 “Gusto mo ba pumunta tayo sa Batangas ngayon? I know Mama is still there.” Hapon pa lang naman at nagmemerienda lang kami sa isang fast food.

 “Really? Pero wala akong dalang damit. Tignan mo ‘tong ayos ko oh!” Wala namang mali sa suot niya. Ang cool nga eh. Very stylish. Or according to Selena, rockstar.

 “Okay naman ‘yang suot mo ah? Isa pa, Mama won’t mind. Tara na!” pero biglang nagring ang phone niya. Tumango ako na sagutin niya dahil tatay niya yung tumatawag.

 “Pops? Yes, I’m just around. What? No way!” nakinig muna siya at tumingin sa akin. Mukhang may emergency ah?

 “Okay Pops, bye.” Binaba niya ang tawag at nagbuntong-hininga.

 “Why? May problema ba?”Nakita kong naiiyak na siya. In that, alam ko na. “Sige na, puntahan mo na siya.”

 “Ayoko! Itinanggi niya ako noon diba? Ano pa bang gusto niya?” humikbi na siya.

 “Kahit pa. Nanay mo pa rin siya. Do it for me, please?” Alam ko namang konting push pa at papayag na rin siya.Nagbuntong-hininga   na  naman siya.

 “Fine, pero paano yung balak natin?”

 “It can wait. Sige na, inaantay ka na nun.” I patted his shoulder.

 “Okay, babawi ako, huh? I’ll go ahead. I love you.” Hinalikan niya ako sa noo at umalis na siya.

 Maaga pa. Kaya pupuntahan muna ako dun.

 Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. Malawak at matatayog ang mga puno. Maraming naglalarong mga bata kasama ang mga nagbabantay sa kanila. Masigla ang paligid at puno ng saya. Marami ring magjowa rito na kung maglampungan ay wagas. Umupo ako sa swing na pang apatan na walang laman at pinagmasdan ang palubog nang araw.

 Isang araw na naman ang lumipas. Isang araw na isa lang ang nasa isip ko. Ilang araw pa ba na ganito ako?

 Sa totoo lang hindi ko na kilala an g sarili ko. Well, bukod sa pagiging bading, which I am proud of, hindi ko na makita yung dating ako simula noon.

 Alam nila Mama at Selena ang nararamdaman ko. Pero sinabi ko sa kanila na okay na ako kahit sa totoo lang ay hindi pa. Mahirap kasing burahin siya sa ala-ala ko. Mahirap kung nagtatalo ang isip at puso ko.

 Sabi ng utak ko, "move on na, girl, sayang ang beauty mo na nakatengga."

 Pero yung puso ko, "sobrang mahal mo siya na hindi mo siya dapat kalimutan."

The Sex TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon