TST - Chapter 12: Dating 101

15.1K 159 0
                                    

 SELENA’S POV

        As usual, maaga akong pumasok. Binati ko si Manong Guard at nagpatuloy ako sa office ko. Nagulat ako ng nakasalubong ko si Max. Napatingin siya sa akin at nagulat rin.

        "Good morning, Selena!" Nakangising bati niya.

        "Bakit ang aga mo?" Nagtataka kong tanong. Hindi ko na pinansin ang pangaasar niya. 

        Si Max kasi ang tipong last minute kung mag time-in. As in pinapanindigan niya ang pagiging ON TIME. Dahil kasi sa pagbabar-hopping gabi-gabi.

         "Masama bang maging maaga kahit minsan?" Nakangiting tanong niya sakin.

        Naningkit ang mata ko. This is not like him. At all. At base sa itsura niya mukhang sobrang saya niya.

        "Anong meron at ang saya mo ata?" balik kong tanong.

        "Hmm... Let's just say.... I'm inspired?" Lalong lumawak ang ngiti niya at kasabay nun ang pamumula ng pisngi niya.

        "Wow! May bago kang boylet?" nakangiti kong sabi. (A/N: boylet= fafa, boyfriend)

        "Later ko na ichichika," nagbeso siya sa akin. "May client akong dapat asikasuhin. Bye, baby girl!" Lalong namula hindi lang ang pisngi niya kundi ang buo niyang mukha bago siya tumalikod at umalis.

        Naiiling akong pumasok sa office.

         Kahit kailan talaga ay di nawawalan ng lovelife yang si Max. Ang problema nga lang papalit-palit siya. Madalas ngang napapagpalit ko ang mga pangalan ng mga naging boyfriend niya. Ewan ko ba dun, hindi ata kuntento sa lalaki.

        I opened my computer to check on my schedule. Ang secetary ko kasi ang nag-aayos ng lahat ng appointment ko. Ayoko kasing nag-aayos nun dahil likas sakin ang pagiging makakalimutin.

        Nang makita ko ang schedule ko this week nagulat ako. Bakit ganun? Hindi ito tama.

        MALI.

        I double-checked pero ganun pa rin. I also looked at my schedule for the month. It’s still the same.

        I immediately dialed my secretary's number.

        “Hello. Leah, why is my schedule like this?”

        “Bakit po ma’am? May problema po ba?” nagtataka niyang tanong.

        “Meron. Bakit sa buong buwan si Mr. Villareal ang client ko?” halos pasigaw kong tanong.

        “Uhm, ma’am kasi last month, sabi niyo po hindi muna kayo tatanggap ng client dahil magbabakasyon po muna kayo. Nagulat nga po ako nung tinanggap niyo si Mr. Villareal eh.” Paliwanag niya.

        “H-huh?” naguluhan ako sa kanya. Anong bakasyon? Teka lang. Don’t tell me…

        “Yung annual leave niyo po. Nakalimutan niyo po ba?”

        Oh my gosh!

        Yung… Yung leave ko!

        Yung Paris trip ko!

        My most awaited Paris trip!

The Sex TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon