Tingin ko naman harmless siya at matino, "Uh, let's go to my office para makapag-usap tayo." Nagpapanic attack na ko na baka ipilit netong maging kliyente ko siya. Pero siyempre dapat di ko ipahalata.
"Okay, Ms. Selena." Nakayuko niyang sabi. Ramdam ata niyang ayoko ng nangyayari ngayon. I smiled to him para naman maging at ease siya kahit paano.
"Wag ka nga maging masyadong pormal. Selena is enough, okay?" Tumango naman siya in response. Pumasok na kami sa elevator. Pinindot ko ung number 4 button dahil nasa 4th floor ung opisina ko. Tahimik lang siyang nakatayo sa tabi ko. Halata mong kabadong kabado siya. Ano kayang ihihingi netong tulong? Magpapaselos ng girlfriend? Maghihiganti? o kailangan lang niya ng makikinig sa kanya? Haay, bakit ko ba iniisip eh mamaya malalaman ko din.
TING.
Bumukas na ung elevator. Nauna na kong maglakad sa kanya at ramdam kong nakasunod siya sa likod ko. Ramdam ko din ang mga curious na tingin ng mga tao sa paligid. Kasi nga alam nilang lahat na di ako natanggap ng lalaking client and, here I am with him papunta sa office ko. Pagdating sa office ko pinaupo ko siya sa visitor's couch at inalok ng maiinom.
"Water would be fine." Tumango ako at kinuha siya ng isang basong tubig. Pagtapos nun nagtimpla naman ako ng kape ko. All the while ramdam ko na inoobserbahan niya ung office ko. Pagkatapos kong itimpla ung kape ko, umupo ako katapat niya.
Tinitigan ko siyang maigi. Gwapo din naman siya eh, konting ayos at siguradong madaming babae ang hahabol sa kanya. Maganda din ang built ng katawan niya. Parang nagwowork-out nga siya eh. Mukhang nakain niya ata ang dila niya at ayaw niyang magsalita. Kaya ako na ang nagsimula ng conversation.
"So, uhm, Jason, Anong klase bang tulong ang kailangan mo?" Napalunok siya sa sinabi ko. Ano ba to? Lalaki ba talaga to?
"Uh, ano kasi eh... Ahm~" sabay kamot ng ulo. Ang cute niya para siyang batang may nagawang kasalanan. Nakatingin pa sa sahig habang nagsasalita. Pasalamat siya na wala na kong meeting kundi kanina ko pa to pinalayas.
"Go ahead, sabihin mo na. Don't be shy. Paano kita matutulungan if di mo sasabihin sakin ung problema diba?" I sipped my coffee. He shifted in his seat. Tumingin siya sakin pero agad ding bumaling ng tingin. Mukhang naghehesitate pa na magsabi ng problema. Kung ganito ng ganito malamang na aabutin kami ng 48 years.
"Okay, ganito na lang. Since mukhang wala kang balak magsalita, magtatanong na lang ako tapos sumagot ka na lang. Ayos lang ba yun?" Tumingin ulit siya sakin tapos tumango. Ayos tong lalaking to ah? Libre consultation? Mahal na kaya bayad sakin pag ganito.Kinuha ko ung clipboard na ginagamit ko sa mga bagong clients ko at naglagay ng isang malinis na papel para isulat lahat ng detalye.
![](https://img.wattpad.com/cover/3647639-288-k211715.jpg)
BINABASA MO ANG
The Sex Teacher
HumorSELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakakaganti sa ginawa ng hayup na lalaking un! Sinira niya lang naman ang teenage life ko noh! Oh well, mali siya ng binangga! Kung dati di ako gu...