TST - Chapter 18: Panic mode
SELENA'S POV
Dali-dali kong tinawag ang IT Specialist ng LSA para ipaayos ang computer ko. At hanggang ngayon, hindi pa rin nalabas si Jason sa Lecture Room. Baka ginagawa niya na yung...
*tok tok*
"Pasok." At pumasok na ang IT namin.
"Pinatawag niyo daw po ako, ma'am?" tanong nito.
"Yes, Casey. Papacheck ko sana kung nasira ba yung computer ko." Lumapit naman ito sa akin at tinignan ang computer ko.
"Ano po bang nangyari?" tanong nito sa akin.
"A-ah... E-eh. Nagkamali kasi ako ng pagpatay. Imbis na mashut down ko eh naswitch off ko yung AVR mismo. Heehee." Tumango tango ito at kinalikot ang computer. Nagtimpla naman ako ng kape ko.
Maya-maya lumabas na rin si Jason. Balik na sa ayos ang damit at buhok niya. Tumingin ito sa akin at bahagyang namula ang mukha. Umiwas siya sa akin ng tingin. Anong problema ng lalaking 'to?
"Ahh. Hi Sir Jason." Masiglang bati ni Casey.
Napatingin naman ako kay Jason at kay Casey. Magkakilala sila?
"Oh! Bakit may batang naligaw dito?" ngumiti si Jason kay Casey. Nagmake-face naman si Casey. "Aww. Tampo agad ang bata?" nang-aasar pa ito.
"'Wag mo na kong tawaging bata! Ang laki ko na kaya!" tapos dumila si Casey kay Jason. Habang ang loko tawa ng tawa.
"Wala pa ring nagbago sa'yo ah? Halika nga rito." At nagyakap pa sila. Hello? People? May ibang tao, di lang kayo!
"Magkakilala kayo?" sabat ko. Ayoko kasi ma-OP sa closeness nila.
"Opo. Dun po kasi ako nagsummer job at OJT sa company nila Sir Jason." Si Casey ang sumagot. "Ano po palang ginagawa niyo rito Sir? Ahh. Parang alam ko na ah? Si Ma'am Kate pa rin? Huwag ka na dun Sir!" madaldal pala itong si Casey.
"Makulit ka pa rin kahit kalian." Napailing na lang si Jason. Napanguso naman si Casey.
"Eh di naman kasi kayo bagay nu'n." sagot pa nito. "Nga pala ma'am, okay naman yung computer niyo. Naayos ko na po." Baling nito sa akin.
"Thank you, Casey." Nginitian ko siya.
"Sige ma'am, sir. Punta na po ako sa IT department. Bye~" At tuluyan na itong umalis.
Si Jason naman ay umupo sa upuang nasa tapat ng desk ko. Kinuha ko sa filing cabinet ang makapal na form ni Jason.
"So, kamusta ang experience sa Lecture room? Masaya ba?" nakangiti kong sabi.
"Okay lang naman." Okay lang? Yun na yun? Ayaw ikwento? Fine!
"Lagay mo dyan lahat ng natutunan mo. Gumawa ka rin ng essay about kissing. Tapos niyan, pwede ka nang umuwi." Seryoso kong sabi. At least malalaman ko kung ano ang nasa utak niya sa pamamagitan non.
Ginawa niya nga. Ako naman inayos ang mga files ko sa computer. Ramdam kong parang napipipkit na ako pero di ko pinansin at dere-derecho lang ako sa ginagawa ko.
Napamulat ako. Nakasandal na pala ako sa swivel chair ko. Napatingin ako sa glass wall. Sa gulat ko bigla akong napatayo. Gabi na! I checked the clock.
8:52 PM
Great! Ako na lang ata ang natitira sa office. May nalaglag ng pagtayo ko kanina kaya pinulot ko iyon.
BINABASA MO ANG
The Sex Teacher
HumorSELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakakaganti sa ginawa ng hayup na lalaking un! Sinira niya lang naman ang teenage life ko noh! Oh well, mali siya ng binangga! Kung dati di ako gu...