SELENA'S POV
Natapos ang one-week leave ko ng sobrang saya. After namin malaman ni Max na tunay kaming magkapatid, nagkayayaan na magroadtrip going South. Halos magkandaligaw-ligaw kami pero masaya pa rin kahit papaano.Sa isa ngang stop over napagkamalan kaming magkakapatid ng isang nagbebenta ng souvenirs. Dahil dun halos pakyawin naming lahat ng tinda niya. Napadpad rin kami sa isang beach resort pero dahil wala kaming dalang swimsuit ay pinanuod nalang naming ang sunset. Halos four days din nagtagal 'yung roadtrip namin.
Grabe nag-uumapaw pa rin yung sayang nararamdaman ko. Ang gaan pala sa pakiramdam ng alam mo sa sarili mong buo na ang pagkatao mo.
I looked at my schedule. From 8 am up to lunch wala akong gagawin. After lunch, meeting with Jason and that's it. Ayoko naming tumunganga sa office buong araw kaya tinawagan ko si Jason.
Nag-ring ng ilang beses at medyo natagalan siyang sagutin.
"Hello?" Narinig ko ang sleepy voice niya. Ang cute!
"Mr. Villareal, go to my office now. We'll start the next lesson today." Pormal kong sabi.
"Huh? But we're supposed to meet after lunch right?" reklamo niya.
"Jason, what's the rule number 2?" napangisi ako.
"Do what you say." Walang buhay niyang sagot."Fine. Give me 30 minutes and I'll be there." Then I ended the call.
Thirty minutes sharp ay dumating si Jason na halatang antok na antok pa. Napailing ako. Hindi nga pala siya sanay gumising ng maaga. Dere-deretso siyang umupo sa couch sa gitna ng office ko.
"Good Morning, Jason. Did you sleep well?" Pang-aasar ko sa kanya habang nainom ng kape.
"Well good... Until you woke me up."Naiinis niyang sabi.
"Oh! Teka lang. Namumula na naman 'yang tenga mo. Chill ka lang kasi." Sabay tawa ko ng malakas.
Bigla naman siyang naconscious at hinawakan ang kaliwang tenga niya. Nag-iwas din siya ng tingin sa akin at bigla namang namula ang pisngi niya. "Tigilan mo nga ako." Lalo ata siyang nainis kasi tawa pa rin ako ng tawa.
"Sorry. Nakakatuwa lang kasi yung reaksyon mo. Pati na rin yang pamumula mo." Tumigil na ako sa pagtawa at kinuha ang tasa kong binitawan kanina. I sat on the couch across him and put my mug on the table. "Have you eaten breakfast?" Ginulo niya muna ang buhok niya, para siguro matanggal ang antok at saka umiling.
"Tara, let's eat outside. Nakakabato dito eh." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Pagtingin ko nakita kong nakaupo pa rin siya. "Ano?Di ka ba gutom?" tinignan niya ako ng masama.
"Kaya mo ba ako pinapunta dito dahil bored ka lang?" kumunot pa yung noo niya. Halos matawa naman ako. Para nanaman kasi siyang inagawan ng laruan sa itsura niya. Pero pinigil ko dahil baka magalit lalo.
"Partly, yes. Pero magsisimula talaga tayo today. Isa pa, kulang ka sa oras diba? So we'll rush things. Tara na." at last, tumayo na rin siya.
-----
Nasa isang coffee shop kami malapit sa LSA. Bago pa man kami makapasok eh puro tanong na siya kung ano bang pag-aaralan namin, hanggang sa makaupo at makaorder nangungulit pa rin siya. Ako naman iniiba ko ang topic. Bakit kasi pati iyon di niya alam? Lahat ata ng lalaki alam 'yun. Oh well, ano pang aasahan mo sa Jason na to?
"Ano na? Di pa ba tayo magsisimula? I'm bored." Sabay nguso pa niya.
"Tigilan mo yang pag-nguso mo. Walang lalaking ngumunguso." Bigla niyang kinagat ang labi niya. Okay, bakit bigla siyang nagmukhang hot? Ugh! Erase!
BINABASA MO ANG
The Sex Teacher
HumorSELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakakaganti sa ginawa ng hayup na lalaking un! Sinira niya lang naman ang teenage life ko noh! Oh well, mali siya ng binangga! Kung dati di ako gu...