Zenvil slammed the door shut as he got inside of his office. He immediately took off his white coat and sat on the couch. He had just finished a major operation, and luckily, the operation was successful.
Minasahe niya ang kaniyang sintido dahil sa sobrang pagod. Sinong hindi mapapagod kung halos buong araw siyang nasa loob ng operation room. Dagsaan rin ang mga pasyente sa hospital nila dahil sa nangyaring aksidente sa pagitan ng bus at truck.
Kinuha niya ang wine na nakalapag sa mini table saka ito sinalinan sa kaniyang wine glass. The wine was a birthday gift from his friend, Travis. It contains a melatonin to keeps him awake. He takes a sip of it and tries to relax himself.
Hinugot niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa saka nag dialled ng numero.
"Mr. Woodruff"
"Any update about her?" tanong niya rito nang habang sumimsim ng wine.
"There's no trace of her, Sir--"
Pinatay nya na kaagad ang tawag bago pa ito matapos sa kaniyang sasabihin. Lalong uminit ang ulo niya dahil sa ibinalita nito.
"That's fucking bulshit!" He clenched his jaw to suppress his anger.
Halos isang taon niya nang pinapahanap ang babaeng nagngangalang Hazel Sanchez sa kaniyang private investigator ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nito mahanap-hanap. Minsan hindi niya mapigilan pagdudahan ang kakayahan nito. Masyado nang matagal ang isang taon.
Nabaling ang kanyang tingin sa pintuan nang may kumatok rito kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo at binuksan ang pintuan para silipin ito.
"Doctor Woodruff, your patient is already awake," Anang isang nurse patungkol sa isa niyang pasyenteng inoperahan niya kahapon ng madaling araw.
Tinanguan niya ito. "Okay, I'll be there in a minute." sinarado niya ang pinto saka pumunta ng sink para mag toothbrush para hindi siya mangamoy wine sa harap ng mga pasyente niya.
Kahit siya ang nagmamanage ng hospital, hindi niya maatim na pabayaan ang mga medical workers niya na mag asikaso sa mga pasyente lalong lalo na dagsaan ang na confine sa hospital nila.
Kinuha niya ang white coat niya saka sinuot ito. Kinuha niya rin ang stethoscope na nakalapag sa lamesa saka isinabit ito sa leeg niya. Inayos niya muna ang kaniyang sarili bago lumabas ng opisina at pinuntahan ang mga pasyente niya para tignan ang lagay ng mga nito.
He spent hours checking his patients as well as doing the rounds before he decided to go back to his office.
Naisipinan niyang umuwi muna para magpahinga kaya kinuha niya na ang mga gamit niya bago sinadura ang pintuan ng kaniyang opisina. Nagbilin ito sa mga doctors na sila muna ang bahala sa mga pasyente dahil magpapahinga muna ito sa bahay niya.
Habang naglalakad sa hospital hallway napahinto sya dahil may nahagip siyang pamilyar na pigura na matagal niya na gustong makita. Ngunit may grupong dumaan kaya nagtakpan nito ang babae, pagtingin niya ulit dito ay bigla nalang itong nawala.
Where is she?!
Napalinga-linga pa ito at pinuntahan ang pwesto kung saan niya ito huling nakita ngunit walang bakas na dalaga. Pumikit siya ng mariin saka iniling ang kanyang ulo. Huminga muna ito ng malalim para ikalma ang sarili bago tinahak ang daan papuntang parking lot.
Tumunog ang kaniyang cellphone nang makapasok siya sa kotse niya kaya sinagot niya ito habang nagsusuot ng seatbelt.
"What?" paasik na tanong nito.
"Where are you?"
He clicked his tongue before he answered. "Hospital"
"What?! What happen? Are you okay?" Umasim ang kaniyang mukha at napahawak ng mahigpit sa kaniyang manibela dahil sa inis.
"Moron! I'm a doctor!"
"Oh my bad, doctor ka pala?" narinig niya itong tumawa ng malakas kaya lalo itong nainis.
"Tsk! What do you want Alaoui?"
"I know you're stressed, come here to Zone's Club."
Hindi na ito sumagot at pinatay na ang tawag. Imbes na umuwi para magpahinga ay tinahak niya nalang ang daan papunta sa bar ng kaibigan niyang si Travis. Gusto niyang maglibang dahil sa sobrang stress at dahil na rin sa nakita niya kanina sa hallway ng hospital.
I'm not hallucinating, am I?
Ipinarada niya na kaagad ang kanyang kotse sa labas ng bar ng kaibigan bago pumasok sa loob. Hindi na rin siya nahirapan hanapin ang mga kaibigan kahit na sobrang laki at lawak nitong bar dahil may sarili silang pwesto.
Ibinagsak niya ang kaniyang katawan sa sofa nang makalapit siya rito saka lumagok agad sa bote ng gin na nakalapag sa mesa. Hindi niya pinansin ang mga kasama at tuloy-tuloy lang ito sa paglagok habang iniisip ang nakita niya kanina.
Hindi maalis sa isip niya ang imahe ng dalaga kanina. Pakiramdam niya totoo ito. Ngunit hindi possible na baka namamalikmata lang siya dala nang sobrang pagod, kulang sa tulog at pagkamiss niya sa dalaga.
May mga nangyayari kasing ganon, dahil sa kakulangan ng tulog akala niya ay may nakita siya pero ang totoo ay namamalik-mata lang talaga ito.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo saka tinignan ang mga kasama na nakatingin na pala sakaniya. Wala si Levi dahil naikwento nito na magiging busy ito sa bagong merge ng restaurant nito at hotel ng magiging kasosyo nito sa negosyo.
"May balita na ba sa paghahanap sa kaniya?" tinignan niya ang mga kasama na naghihintay ng sagot sakanya.
"Still none," iniwas niya ang kaniyang tingin saka lumagok ulit.
"Bro! It's been a year, that's impossible."
"That's what my private investigator said," he sighed.
"What if Hazel Sanchez is not her real name?" Tanong ni Travis habang nakahawak ang palad nito sa panga na animoy parang nag-iisip.
"Pero yan ang nakasulat sa ID niya diba? at yan rin ang record na nakasulat sa receptionist ng condominium na tinitirahan niya noon." mahabang turan ni Race habang tinitignan sila isa-isa.
Yes, what he said is true. Binalikan nila ang unit ng dalaga at napag-alaman nilang ibinenta na pala ito. Wala silang alam tungkol sa dalaga maliban sa pangalan at unit na tinitirahan nito.
Napatitig nalang siya sa kawalan. He was contemplating what he saw awhile ago. Kung totoong nakita niya talaga ito, isa lang ang ibig sabihin nito.
When we find you, missus, there is no way in hell we'll let you go.
____________________________________
____________________________________Hi, thank you for voting ANWT!
Thank you also to those who follow me here on WP; you don't know how much you made my heart happy!
Again, Muchas Gracias!
BINABASA MO ANG
A Night With Them
General FictionHazel Robertson is a Filipino-Scottish vacationer in Boracay, Philippines. ____ CONTENT WARNING: This story has mature scenes which are not suitable for young readers. 🔞 Language: Filipino 12/30/2021