Chapter 9

5.4K 89 23
                                        

Nababakas ang pagkagulat sa mukha ni Hazel nang makita niya si Levin pero mas lamang ang pagtataka niya rito dahil hindi niya inaasahan na makikita niya rito sa resort nila ang lalake.

Napangisi naman ang mga apat na lalake sa naging reaksyon ng dalaga.

Kani-kanina lang ay nagpupuyos sila sa galit dahil nakikita nanaman nilang magkasama sina Pierce at Hazel. Pero mabilis naman ito napawi dahil mabilis silang napansin ng dalaga.

"Hi Miss Hazel, it's nice to see you here." Nakangiting turan ni Levin at nagkunwari pa itong nagulat na makita siya. Inalis pa nito ang suot nitong shades at isinabit sa hawaiian shirt nito.

"I tried to visit your resort to relax, kung dito rin mapapatayo ang Squisito Ristorante ay paniguradong araw-araw akong bibisita rito," dagdag nito at pinasadahan ang buong paligid.

"Kailan kapa dito?" Nakangiti man pero hindi maitatago ang pagtataka sa boses ng dalaga.

"Kahapon lang," sagot nito na hindi inaalis ang ngiti sa dalaga pero mabilis naman itong napalitan ng pagngiwi nang maramdaman niyang may sumiko sa taligiran niya.

Binalingan niya ang mga kaibigan at binigyan ng nagbabantang tingin pero sinesyahan siya nito na ipakilala sila kaya inismiran niya muna ang mga ito bago muling humarap kay Hazel.

"By the way, this are my friends-"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Levin nang itulak siya Travis sa balikat at pumunta sa harapan ni Hazel at inilahad ang kamay sa dalaga.

Hazel was also shocked by his sudden move pero tinanggap naman nito ang pakikipagkamay ng lalake.

"I'm Travis Lawrence Alaoui, Miss..." Anito at hinalikan pa ang likod ng palad ni Hazel na ikinailang ng dalaga.

Habang nakatingin sa mukha ni Travis ay siyang pakunot ng noo nito nang namumukhaan niya ang lalake. Ito yung lalake na nakasayawan niya sa bar isang taon na ang nakakalilipas pero hindi parin ito sigurado kung ito nga iyon.

"Have we-" hindi na naituloy ang sasabihin ng dalaga nang may bumunggo sa balikat ni Travis dahilan mabitawan nito ang kamay ng lalake.

"I'm Race Rigors," anang pumalit sa pwesto ni Travis at yumuko pa ito sa harapan ng dalaga.

Bago pa makapagsalita si Hazel ay may sumingit nanaman sa harapan niya. Napangiwi ito sa mga inasta ng mga lalake sa harapan niya.

What's wrong with these people?

"I'm Zenvil Woodruff," anang huling lalake.

Nakilala niya ito dahil nakita niya ito noong huling punta niya sa hospital nang balak sana niyang bisitahin si Dr. Perez. Nababakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan kung tatanggapin niya ba ang kamay nito o hindi.

Nang mapansin niyang wala itong balak magbaba ng kamay ay tinanggap niya na ito. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya na para bang wala itong balak bitawan.

"Uh.... Mr. Zenvil?"

Saka lang niluwagan ang pagkahawak kaya mabilis nitong inalis ang kamay niya at tumayo ng maayos.

"Uhm.. I'm Hazel Robertson," pakilala niya.

Napatingin ito sa gilid nang makarinig ito ng pagtikhim. Saka niya lang naalala na magkasama pala sila ni Pierce kaya muli siyang humarap sa mga lalake.

"Well... This is Engineer Pierce Romero," pakilala niya rito kina Levin at mabilis naman inilahad nito ang kamay sa mga lalake.

Nagkatinginan muna sina si Zenvil pati ang mga kaibigan nito bago tinanggap ang pakikipag kamay ni Pierce.

Isa-isa silang nakikipagksmsy at hindi maitago sa itsura ni Pierce ang pagngiwi nito dahil sa higpit na pagkikipagkamay ng mga lalake sa kaniya.

"Saan pala ang punta ninyo? Do you mind if we join you?" Zenvil asked while looking at her.

Tinignan muna ni Hazel si Pierce bago sumagot. "Of course, we don't mind. We're planning to have our lunch together."

Niyaya na ni Hazel sina Zenvil para kumain sa isang seafood restaurant na mabilis naman sinang-ayunan nila kaya nauna na itong maglakad.

Lihim na sinamaan nina Zenvil si Pierce na busy nakikipag-usap sa dalaga.

"SO you are a doctor?" Tanong ni Hazel at muntik pa mabulunan si Zenvil sa tanong nito.

Napatingin naman ang mga kasama nila sa lamesa dahil sa biglaang pag-imik nito.

Kakatapos lang nila ngayon mananghalian. Iba't ibang pagkaing galing dagat ang inihain sa lamesa kaya naging tahimik silang kumain kanina.

"Yes, how did you know?"

"I went to the hospital last time," she said.

"What are you doing to the hospital?" He asked curiously.

"Just passing by," She replied.

Mabilis umapela si Levin sa usapan nila. "Wait- nagkita na kayo? Kailan?"

"Remember when we went to the bar?" He answered as his brows rose.

"I thought-" hindi nalang itinuloy ni Levin ang sasabihin at uminom nalang ng wine sa baso.

Akala ni Levin ay ito ang naunang nakakita kay Hazel. Hindi niya maiwasan magtampo sa kaibigan dahil hindi man lang nito sinabi ang tungkol doon.

Ngunit ganoon pa man ay hintayin niya nalang magpaliwanag ang kaibigan dahil naniniwala itong may rason ito kung bakit hindi nito sinabi sakanila.

Hanggang sa matapos ang pananghalian nila ay nagpaalam na sina Hazel na magpahinga dahil napagod raw ito sa byahe kanina. Pumayag naman agad ang mga lalake at naisipan nalang bumalik sa kani-kanilang kwarto para makapagpahinga na rin.

KINAGABIHAN ay naalimpungatan si Hazel mula sa mahimbing na pagtulog. Napatingin ito sa orasan at hindi na ito nagulat na maggagabi na pala. Marahil dala ito ng pagpupuyat noong nakaraan at isabay pa ang pagod sa byahe kaya ngayon nalang nakabawi sa tulog.

Bumangon ito mula sa kama na gawa sa ratan at pumasok sa banyo para maghilamos. Nagbihis na rin ito ng panibagong dress na floral ang disensyo na umabot sa talampakan niya.

Nagdesisyon ito lumabas para maghapunan dahil nakaramdam siya gutom. Tinawagan niya muna ang receptionist para ipaghanda siya ng pagkain.

Habang naglalakad papunta sa restaurant ay may nahagip siyang tao mula sa dalampasigan kaya napatigil ito sa paglalakad at pilit inaaninag ito.

Ganoon nalang ang pagkunot ng kaniyang noo nang makilala niya ito.

"Race?" Nagtatakang tanong ni Hazel nang makita niya si Race na pasuray-suray na naglalakad sa dalampasigan.

Kahit alanganin ay nilapitan niya ito at napasigaw nang makita itong bumagsak sa buhangin. Inalayan niya itong makaupo at marahang iniyugyog ang balikat.

Nakita niya may hawak itong bote ng beer sa kaliwang kamay kaya ibinalik nito ang paningin sa lalake.

"Hey, are you okay?" She asked worriedly. She set aside her feelings about having a hatred of men.

Sinapo niya ang mukha ng lalake at marahang tinapik-tapik para nagising ito pero marahang tinabig ni Race ang kamay niya na nakahawak sa mukha nito.

Umungol ang lalake at unti-unting iminulat ang mga mata kaya nagtama ang paningin nila ng dalaga. Pumungay ang mga mata ni Race habang nakatingin sa maganda nitong mukha bago napangisi.

"Akala ko sa alak lang ako tatamaan, sayo rin pala." Ang huling sinabi ni Race bago ito tuluyang nakatulog sa buhangin.

____________________________________
____________________________________

#unedited.

A Night With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon