Chapter 2

7.3K 82 4
                                    

1 year later

Glasgow, Scotland

"Architect Robertson," napalingon si Hazel nang may tumawag sakaniya.

Bigla itong tumayo mula sa pagkaupo nang makilala niya ang tumawag sakaniya. Isa ito sa mga kliyente niya na gustong magpadisenyo ng bahay.

"Mr. Scott," bati niya at nakipagkamayan sa kliyente niyang si Clinton Scott na isang businessman.

"So what do you want to have?" tanong sakanya ni Mr. Scott nang makaupo sila.

"Just one cappuccino," sagot ni Hazel habang inihahanda ang mga disenyong ipapakita niya sa kliyente niya.

Masyado ng late ang kliyente nya sa oras na pinagkasunduan nila ngunit kailangan niya itong hintayin dahil ayaw niyang masayang ang pagpunta niya rito sa Carnegie Hall Coffee.

Pagbalik ni Mr. Scott ay may dala na itong cappuccino at americano saka isang plate ng scone with MacKays jam and cream. "I apologize for being late, I was running some errands." hinging paumanhin nito.

Tumango na lamang si Hazel at ngumiti. Inumpisan niya nang idiscuss ang mga disenyo at yung mga kakailanganing para masagawa ito. Ipinaliwanag niya rin ang mga sukat at presyo na magagasto ngunit tango lamang ang isinagot ni Mr. Scott.

Napansin ni Hazel na hindi naman nakikinig ang kanyang kliyente at naramdaman niyang hindi naman ito mukhang interesado sa mga sinasabi niya dahil imbes na sa laptop at papel ito tumingin ay sa mukha niya ito tumitig.

"So what design do you want to pursue?" tanong ni Hazel nang matapos ito sa kaniyang sasabihin.

"Are you free later? Let's have a dinner," imbes na masagot ang tanong ay iba ang isinagot nito.

damnadh!

"That's not the answer that I want to hear," nababakas na irita sa boses ni Hazel ngunit pinigilan naman nito magburst out. "I think you're not in a mood today, Mr. Scott. Let's just continue the meeting some other time."

Hazel wants to show that she is annoyed because it seems like she was just wasting her time talking but she tries to hide the real emotion. Hanggat maaari ay maging propesyonal siya sa kaharap.

"Hmm feisty, I like it." nakangiting turan nito. "Okay... let's meet some other time, Architect Robertson." makahulugang sabi nito.

"Okay, I'll just contact you when and where we can continue this meeting." dali-daling inayos ni Hazel ang nga gamit niya saka lumabas ng coffee shop at pumasok sa loob ng kotse niya.

Takot ang kaniyang naramdaman sa mga oras na iyon. Hindi siya komportable pagdating sa mga lalake. Ngunit sa trabahong meron siya ngayon ay hindi maiwasan ang makaroon siya ng lalakeng kliyente.

Napabuga na lamang ito ng hangin nang kumalma siya. Pinaandar niya na ang kanyang kotse at itinahak ang daang pauwi. Naisipan niyang sa bahay niya nalang ito tapusin ang trabaho.

Ipinarada niya na ang kanyang sasakyan nang makarating siya sa tapat ng kaniyang bahay na siya mismo ang nag disensyo. Dito niya napiling manirahan sa isang exclusive village.

Inilapag niya lahat ang kaniyang mga gamit at nagbihis para tapusin ang naiwan niyang trabaho. Hindi pa siya nag-uumpisang gumuhit ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya ito nang hindi tinitignan ang caller.

"Thank god you answered my call!" natigilan si Hazel nang marinig ang boses sa kabilang linya ngunit hindi ito nagsalita.

"Please come home, anak. I'm sick at tumatanda na ako. Kailangan may magmamanage ng kompanya natin," dagdag nito nang hindi siya nagsalita. Napabuntong hininga na lamang si Hazel. Pinatay nito ang tawag saka nioff ang cellphone.

Totoong nag-alala siya sa kaniyang ina dahil sa sinabing may sakit ito. Ngunit ayaw niya itong makita dahil may hinanakit ito sa kaniyang ina. Mula pagkabata tuwing kailangan niya ito ay parating busy ito sa business.

Madalas ay muntik siyang ma harass ng kahit na sinong lalake ngunit kahit na sino ay walang nakakaalam kahit na mismong ina pa nito. Ang ama niya ay may ibang pamilya na kaya mas lalo itong namuhi sa mga lalake.

Inilapag nalang ni Hazel ang kanyang charcoal pencil dahil nawalan ito ng gana matapos ang tawag ng kaniyang ina. Nagdadalawang isip ito kung pupuntahan niya ba ito o hindi. Nasisiguro niyang ipagpilitan nanaman sakanya imanage ang mga business nila gayung wala naman itong interest sa negosyo.

In the end, she decided to visit her mother at her home today. Even if she turns the world upside down, she is still her mother. Isinantabi niya na muna ang kaniyang naramdaman gaya ng madalas niyang ginagawa.

Muling nagbihis ito ng isang plaid jumper dress at long sleeve turtle neck saka pinaresan ito ng white rubber shoes. Kinuha niya ang duffel bag niya at nilagay ang mga damit niya para susuotin mamayang gabi at bukas ng umaga.

Dinala niya rin ang kaniyang laptop para tapusin ang mga disenyo habang nagpapalipas ng gabi sa dating tinitirahan niya. Sumakay na siya sa kanyang kotse matapos niya masigurong nakalocked na ang lahat ng pintuan ng bahay nya pati ang gate.

Halos umabot ng trenta minuto bago siya makarating sa subdivision ng bahay ng kaniyang ina. Ipinarada niya ang kaniyang kotse sa gilid ng gate at tinanaw ang labas ng bahay. May dalawang palapag ito ngunit ang ina at ang mga katulong lang nito ang kasa-kasama nito.

Huminga muna ito ng malalim bago kinuha ang mga gamit at pumasok na ng gate. Pagdating niya ng living room ay natanaw niya ang kaniyang ina pababa ng hagdan.

"Anak, you came!" bakas ang pagkagulat nito nang makita siya at mabilis na bumaba ng hagdan bago siya niyakap ng mahigpit.

"Hey..." bati ni Hazel. Kahit papaano ay natutuwa siyang makitang masaya ang kaniyang ina na makita siya.

"Have you already eaten? Are you okay? I thought you will ignore me like you used to do," nagtatampong sabi nito saka siya hinila sa dinning area.

"Yes mama, I'm good. What about you? Are you really sick?" may himig na pagdududa sa boses.

"Ano ba yan Hazel! yes I'm sick. Mukhang hindi ka naniniwala."

Mahilig magtagalog ang kaniyang ina dahil purong Filipino ito samantala ang kaniyang ama ay purong Scottish.

Nagkibit-balikat na lamang ito at naupo sa hapag nang makita niyang ipinaghahanda sila ng pagkain. Sabay silang kumain ng kaniyang ina at panay naman ito ng kwento ng kung ano-ano.

"So Hazel, tomorrow you need to attend the meeting with the stakeholders--" hindi na natapos ang sasabihin nito nang pigilan niya ito.

"Please ma, I came here for you hindi para sa business na yan." mahinahong turan nito saka tinapos ang pagkain at pumanhik na sa dating kwarto nito.

Humiga agad ito sa dating kama at tinakpan buong mukha. Alam niyang kabastusan ang ginawa niya sa kaniyang ina at nagsisi siya roon. Hihingi na lang siya ng paumanhin rito bukas kapag hindi na mainit ang ulo niya.

As she closed her eyes, she did not realize that she was slowly being swallowed up by drowsiness. Marahil ay dala ng pagod at stress.

A Night With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon