Chapter 7

5.1K 68 12
                                    

Hazel was busy reading the company's files on her laptop. Kailangan niyang pag-aralan ang mga problema sa hotel nila at papaano ito masolusyunan. Maraming suggestions ang mga customers nila pero tinitimbang niya kung alin ang mas worth it na unahin.

Inalis niya ang suot nitong reading glass at inilapag sa desktop desk. Minasahe niya ang kaniyang sentido na bahagyang sumasakit dahil sa matagal na pagkatitig sa screen ng laptop.

Marami siyang inaasikaso at ang mga kliyente niya ay panay tawag sakaniya dahil hinahanap na nito ang mga disenyo na pinapagawa sakaniya para makapag-umpisa na sa pag-gawa ng bahay. Sa kabutihang palad ay natapos rin.

Wala rin siyang maayos na tulog simula pa 'nung isang araw. Binabangungot nanaman ito pero magkaiba ngayon. Nakikita niya sa kaniyang panaginip si Levin. Halos kinilabutan siya do'n. Nakaramdam siya ng guilt dahil napanaginipan niya ng masama ang lalake.

Tumayo nalang ito at naisipang bumaba para magtimpla ng coffee. Wala ang tita Divine nito dahil busy ito kaniyang trabaho bilang nurse. Siya, si Dominick, si Patrick, at ang mga katulong lang ang nandito sa bahay kaya naman tahimik lang ang buong kabahayan.

Bahagya siyang natigilan nang maalala niya si Patrick. Ang bata-bata pa nito pero kung landiin siya ay para bang magka-edad lang sila. Mas lalo siya naging desididong iwasan ito. She hates his guts.

Typical playboy.

Napatigil ang paghakbang niya sa huling baitang ng hagdaan nang marinig niyang may kumakatok sa gate. sumililp siya sa bintana at nakita niyang may tao ro'n na mukhang kanina pa naghihintay.

Hindi niya mahagilap ang mga katulong kaya wala siyang choice kundi puntahan ito sa gate.

Pagkabukas niya ng gate ay pinasadahan niya ang kabuuan ng lalake. Mukhang pamilyar para sakaniya ang mukha ng lalake dahil sa tingin niya ay may kamukha ito.

Masasabi niyang may itsura ang lalake, bagay ito sa kutis nitong moreno. Nakasuot ito ng dark gray na slacks at baby blue long sleeve button down polo.

"Who are you?" she asked. Sinisiguro niyang may isang metrong distansya sila ng lalake.

Matagal bago makasagot ang lalake. "I-i'm Pierce. I was looking for my brother, Patrick, Is he here?"

Do'n nagliwanag ang mukha ng dalaga. Kaya pala pamilyar ito dahil magkamukha sila ni Patrick.

Mabilis naman itong tumango bago sumagot, "Yes, he's with Dominick. You can call him inside."

Niluwagan niya ang pagbukas ng gate para makapasok ang lalake. Sinarado niya muna ng maayos ang gate bago naunang maglakad at nasa likod niya naman ang lalake na nakasunod sakanya.

Hindi pa man sila nakapasok sa loob ng bahay ay nagulat sila sa malakas na tunog ng pagpapatakbo ng sasakyan. Sabay silang napalingon sa labas ng gate nang may bigla sunod-sunod na dumaan na mamahaling kotse na animoy nakikipag-karera.

Nagkatinginan silang dalawa ni Pierce at sabay na nagkibit-balikat. Hinayaan niya na ang lalake na tumawag sa kapatid. Dumeretso nalang si Hazel sa kusina para magtimpla ng coffee bago pumanhik sa kwarto.

Balak niyang tapusin ang pagbabasa ng files at para masimulan niya na ang pagguhit ng disensyo ng bagong hotel ng kaniyang ina sa isang beach resort.

SAMANTALA nagtitipon ang apat na bachelor's men sa bahay ni Race. Pare-parehong mainit ang ulo nila ngayon sa nasaksihan nila kani-kanina lang.

Galing sila sa bahay ni Hazel upang bisitahin ito. Nag absent pa ang mga ito sa kani-kanilang trabaho para sa dalaga pero gano'n nalang ang gulat nilang apat nang makita nilang may kausap itong lalake sa labas ng bahay na tinitirahan nito, and worst pinapasok pa sa loob.

Dahil sa inis ay mabilis nilang pinaharurot ang kani-kanilang sasakyan paalis. Gusto nilang kaladkarin ang lalake palayo sa babae. Hindi nila nagustuhan na may kausap itong ibang lalake.

"Fucking shit!" naiinis na sigaw ni Zenvil. Ang pinakamainitin ang ulo sa magkakaibigan.

"I want to slit his fucking throat," gigili na saad ni Travis na maloko pero seryoso pagdating kay Hazel.

"Let's go back to her house," saad ni Race at akmang tatayo na ay pinigilan ito ni Levin.

"Stop." kalmadong saad ni Levin pero palihim na nakakuyom ang kamao nito sa galit. Tiningnan naman nila ito nang may pagtataka. "We can't go to her."

"Remember? Hindi niya tayo maalala. Ano nalang iisipin niya kung bigla-bigla tayong magpapakita sakaniya? Based on my observation ay naging mas mailap ito sa mga lalake kumpara sa huli natin itong nakita," dagdag nito.

Napaisip naman ang tatlong lalake at narealize na may punto ang sinabi ng kanilang kaibigan. Sabay silang napabuntong hininga at ibinigsak ang kani-kanilang sarili sa upuan. Hindi parin naaalis ang galit na lumukob sa kanilang dibdib dahilan na mas umiigting ang kanilang mga panga.

Naalala nila ang mukha ng dalaga kanina. Mas gumanda at sumexy ito kumpara sa huling pagkikita nila rito. She's looks more ravishing sa suot nitong fitted dress kanina.

"So what we can do now?" tanong ni Travis at tinignan si Levin.

"Simple lang," napangisi si Levin at inilahad ang plano kung papaano sila mapalapit sa dalaga.

Nang matapos ito sa paglalahad at pagpapaliwanag ng plano ay agad namang sinang-ayunan ng magkakaibigan. Sabay-sabay silang napangisi ng demonyo.

Hmm our Hazel. . .

Now that we have already found you, we will make sure one of these days we will ravish you again. . .

___________________________________
___________________________________

How are you? It's been awhile. I hope you guys are doing fine. Sorry for the short update. =)

A Night With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon