Tinitigan lang ni Hazel ang lalaking nagpakilala bilang Mr. Levin Gray. Napag-alaman niyang nakipag merge pala ng kaniyang ina sa restaurant nito dahil isa ito sa pinakasikat na restaurant sa buong Pilipinas at sa Espanya.
Ang Squisito Ristorante ay nagse-serve ng Filipino and Spanish dishes. Dahil highest rank ito sa restaurant industry ay naisip ng kaniyang ina na mas aangat ang negosyo nila lalong-lalo na't balak pala nito magpatayo ng hotel sa beach resort na pag-aari mismo ng kaniyang ina.
Pinasadahan niya ang kabuuan ng lalake. Nakasuot ito ng corporate attire, halos lahat nang umattend ng meeting dito sa loob ay pawang naka formal attire maliban sakanya. Gusto niyang mahiya sa sarili, ang suot niya ay para lang ito may bibilhin sa grocery store.
Sa hospital lang naman ang balak niyang puntahan ngunit nagkaroon daw ng emergency kahit hindi naman talaga mukhang emergency ang sasabihin nang kaharap ay napa-attend nalang ito na wala sa oras.
Napabalik siya sa huwisyo nang may tumapik ng mahina sa balikat niya, si Manager Reyes. Nakatingin ito sakaniya na may bakas na pag-alala sa mukha. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa mga taong nakaupo sa kaliwa't kanan ng long table.
Tumikhim ito dahil biglang nanuyo ang lalamunan nito kasabay ng paghumaharentado ng kaniyang puso. Nakatingin ito lahat sakan'ya na para bang hinihintay nila ang kaniyang sasabihin.
"Ah..." namamawis ang kaniyang kamay. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil hindi naman ito nakikinig. "Well... That's good idea," sagot nito at ngumiti ng pilit.
Nahagip n'yang napatakip ng bibig si Mr. Gray ngunit iniwas niya agad ang paningin rito.
Lumapit sakaniya si Mrs. Reyes, ang manager nila at bumulong sakaniya, "Miss Robertson, tinatanong nila kung kailan mag umpisa ang pagpapatayo ng hotel sa beach resort."
Para siyang binuhusan nang yelo sa kaniyang narinig. Hiling niya sana ay bumuka ang lupa at lamunin siya.
Tumawa siya ng pagak bago humarap at nagsalita, "As soon as possible, I'll talk to Engineer Romero about the construction of the hotel." iyon lang ang nasagot niya bago tumayo. "Meeting adjourned."
Nang sabihin niya iyon ay nauna na magpaalam ang mga investors at stockholders ng kompanya nila. Papalabas na rin sana siya sa pintuan nang may nagsalita sa likuran nito.
"So your name is Hazel Robertson."
Nakilala niya ang boses nito dahil kanina lang ay narinig n'ya ito nagsasalita sa harapan.
Nilingon niya ito bago sumagot, "Yes, I already introduced myself earlier. You didn't hear it?"
Nangunot ang noon ni Hazel nang biglang tumalikod si Levin habang may ibinubulong ito ngunit hindi malinaw sa kaniyang pandinig. Nilapitan niya ito at narinig niya na malutong ito nagmumura sa kawalan.
Nangasim ang kaniyang mukha. She really hates cussing. She hates hearing someone cussing.
Pareho silang nagulat at napahawak pa sa dibdib nang biglang humarap si Levin kaya malapit na silang magkabungguan kung hindi lang ito agad nakalayo.
"Why are you near?"
"I think you have a problem. You keep cussing and talking to yourself," She retorted, hindi sinagot ang tanong ng lalake.
Lumikot ang mata ni Levin. Tumikhim muna ito bago sumagot, "I-i was practicing some speech," nauutal na sagot nito.
"Hmm... okay... Sabi mo, eh." She mumbled the last words pero narinig naman nito ng kaharap.
"You can speak Tagalog?" namamanghang sabi nito. "Your accent is so cute."
Hindi niya ito pinansin. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil sinabihan nitong cute ang accent niya o maiinis dahil pakiramdam niyang inaasar lang siya nito.
She knew to herself that she wasn't comfortable with men around her. Pero pagdating sa lalakeng kaharap nito ay hindi niya alam kung bakit hindi siya naiilang, ngunit mayroon paring takot na lumulukob sa dibdib n'ya.
LEVIN was watching her sexy back as she walked away. Hindi niya inalis ang kaniyang paningin sa babae hangga't makasakay ito ng maayos sa sasakyan. He wants to offer her a ride but she instantly refused.
Nang makaalis na ang sasakyan ay sumakay na rin ito sa kotse niya na nakaparada sa di kalayuan. Isinubsob niya ang kaniyang ulo sa manibela at minumura ang sarili.
Kinabahan siya kanina dahil akala niya ay narinig ng babae ang ibinubulong niya. Gusto niyang suntukin ang sarili dahil na fake news sila. Kaya pala hindi nila mahagilap ang babae dahil Hazel Robertson ang tunay nitong pangalan, hindi ang Hazel Sanchez.
He tsked and started the engine.
Balak niyang puntahan ang mga kaibigan niya. Alam niyang nasa bar ni Travis ang mga ito dahil tuwing Linggo ang gimmick nilang magkakaibigan at madalas sa bar ginaganap.
Nais niyang ipaalam sa mga kaibigan na nahanap niya na si Hazel. Alam niyang nasasabik na ang mga kaibigan na makita muli ang dalaga.
Hindi niya akalain na siya ang unang makahanap sa babae. At hindi niya rin akalain na magiging kasosyo niya pa ito sa negosyo. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangiti.
What a small world, huh.
Ngunit kaagad nabura ang kaniyang ngiti at napamura muli nang maalala ang sinabi niya kanina sa conference room. Balak niya talaga aalis ng bansa sa makalawa dahil may aasikasuhin ito sa ibang bansa.
Mawawala sana ito ng dalawang buwan sa Pilipinas ngunit nagbago ang isip niya nang makita ang dalaga na matagal niya nang hinahanap na nasa loob ng conference room.
He almost lost his balance if he hadn't stepped back. Who wouldn't be shocked when you saw her out of the blue? Muntik nang mabawasan ang kaniyang angas sa harap ng dalaga kung hindi lang ito umayos agad kanina.
I'm pussy whipped.
He parked the car in the parking lot once he arrived at Zone's Club. Niluwagan niya ang suot nitong necktie at Inilibot ang kaniyang paningin at dumapo ito sa madalas nilang pwesto.
Habang papalapit ay nakikita niyang maraming bote ng alak ang nakalapag sa lamesa. Mukhang kanina pa silang nag-iinuman. They looked wasted, but he knew they'd sober up.
"Hey Chef Gray!" bati sakaniya ni Travis habang may itinaas na baso ng alak na hudyat na inaaya siyang uminom. "I thought you are busy," dagdag nito.
"Yes, I was." Uminom muna ito ng whiskey bago nagsalita muli, "I saw her."
Rumehistro ang pagtataka sa mukha ng mga lalake sa sinabi nito. Ngunit unti-unting napalitan ang reaksyon nila. Nababakas ang gulat at pagkasabik sa mukha ng magkakaibigan. Isang babae lang ang posibleng tinutukoy nito.
Pinaulanan siya nito ng mga tanong at ikiniwento naman nito ang lahat na nangyari kanina mula sa pagpasok nito sa conference room hanggang sa huling pag-uusap nila ng babae.
"Fuck!" mura ni Zenvil at mariing napasabunot sa buhok. "I'm a complete moron! Previously, I hesitated to believe my private investigator's claim that there was no Hazel Sanchez because only the named Hazel Robertson matched the information."
Pinaulanan naman si Zenvil ng mga malulutong na mura ng mga kasama ngunit hindi niya ito pinansin. Nasa isip niya parin ang kuwento ni Levin.
So I wasn't hallucinating, huh.
Napangiti siya dahil mukhang totoo ang kaniyang nakita. Ngunit ang malaking katanungan nito ay kung bakit ito nasa hospital? Anong ginagawa niya ro'n? May sakit ba ito?
Nakaramdam ito ng pag-alala para sa dalaga dahil kaniyang naisip.
--
Please pardon me! Last night, I accidentally published this chapter without me noticing. 😭

BINABASA MO ANG
A Night With Them
General FictionHazel Robertson is a Filipino-Scottish vacationer in Boracay, Philippines. ____ CONTENT WARNING: This story has mature scenes which are not suitable for young readers. 🔞 Language: Filipino 12/30/2021