In the following days, Hazel decided to go to the beach resort owned by her mother to visit and take a look at it.
Plinano niya rin na mag stay ng isang gabi sa resort para makapagpahinga mula sa pagod at stress dahil sa tambak niyang trabaho nitong nakaraan.
Kagabi ay tinawagan niya si Mrs. Reyes na kontakin si Engineer Romero na ngayon ang plano niyang pakikipagkita rito upang mapag-usapan ang pinaplanong pagpapatayo ng hotel para masimulan na yung constructions.
Sa kabutihang palad ay agad naman itong pumayag kahit kinailangan pa nitong lumuwas dahil nasa labas ng ciudad ang resort. Nais nila itong sunduin ngunit tumanggi ito at sinabing susunod lang ito sakanila.
Halos isang oras ang naging biyahe nila at kasama niya ngayon sa loob ng sasakyan si Mrs. Reyes, sinabi nito noong nakaraan na Mrs. Reyes nalang ang itawag dito dahil masyadong pormal kung Manager Reyes. Ang driver naman ng Tita niya na si Kuya Roel ang nagmamaneho.
Nais sana sumama ang Tita Divine niya ngunit naging busy ito sa trabaho dahil maraming pasyente sa hospital na pinagtatrahuhan nito.
Tahimik lang nila binabaybay ang daan patungong resort. Upang hindi siya mabagot sa byahe ay nagbasa nalang siya ng librong dala niya habang nagpapalipas ng oras.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay bumagal ang pagpapatakbo ng sasakyan nila. Sumilip siya mula sa bintana at nakikita niya ang malaking pangalan na nakaukit sa itaas ng entrada.
Hastoria's Beach.
Hastoria. Hastoria Sanchez ang buong pangalan ng kaniyang ina. Isang negosyante na nagmamay-ari ng mga hotels and conventions sa Scotland at dito sa Pilipinas. Samantala ang kaniyang ama naman ay si Dauzel Robertson. Isang pintor at nagmamay-ari ng painting shop sa Glasgow.
Dumeretsong pumasok ang van sa loob ng gate nang makita ng guard na sila ang lulan ng sinasakyang van. Nang huminto ang sasakyan ay mabilis siyang bumaba para pasadahan ang buong lugar.
Nakikita niya ang sobrang lawak ng Hastoria's beach. May mga nipa hut o kamalig at cottages na maayos na nakalinya. Napapaligiran rin ito ng mga niyog at iba't ibang mga puno at halaman.
May mga tao na rito pero hindi naman gano'n karami dahil kakabukas palang ng resort nitong buwan lang.
Nais niyang baguhin ang disenyo ng resort para mas gawin pa itong moderno. Balak niya rin ipalagyan ng mga beach activities, disco bar, food stalls at iba pa na mas natitiyak niyang maraming dadayo rito.
Lumapit siya sa dalampasigan at inalis ang suot niyang wayfarer. Doon siya natigilan at tuluyang mamangha dahil may kulay ang buhangin na tinatapakan niya na ngayon lang niya napansin.
Pink Sand.
She turned to the side when a woman approached her. She said that her manager called her to get to know those who work at her mother's beach resort.
They once went to a bamboo-style bungalow situated in the middle of the beach. She found the reception area here and also where the workers were staying.
They introduce themselves one by one. Isa pala sa mga nagtatrabaho dito ang babaeng tumawag sakaniya kanina.
Inaasahan naman na mga nagtatrabaho sa Hastoria's na darating sila kaya nakapaghanda sila ng matutuluyan nila at kasalukuyan silang inihatid sa magiging kwarto nila.
Dahil mahilig siya sa mga istrakura at mag disenyo ng mga bahay, building, at iba ay hindi niya mapigilan pasadahan ang kabuuan ng kwarto na inilaan para sakaniya.
Maayos naman at maganda ang pagkadisensyo. Ramdam na ramdam mo ang pagiging beach vibes, kaso nga lang ay hindi ito satisfied.
Nang matapos siya magpalit ng damit na kulay puting sundress ay saktong may kumatok sa pintuan ng kwarto kaya. Binuksan niya ito at bumungad sa kaniya ang mukha ni Mrs. Reyes.
"Miss Robertson, Engineer Romero, is already here." pagbibigay alam nito.
"Sige po, susunod ako." Aniya.
"Okay, he'll be waiting at one of the cottages nearby."
"Alright, thank you."
Sinarado niya muna ang pintuan. Bumalik siya sa vanity mirror at kinuha ang wallet at cellphone niya bago lumabas para puntahan ang bisita niya.
Pagkarating niya doon ay nakita niyang nakatalikod ang lalake. Nilapitan niya ito dahil mukhang kanina pa ito naghihintay.
"Good morning, Engineer Romero. I'm sorry-"
Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin nang maayos niyang makita ang mukha ng lalake. Pareho pa silang nagulat at napatayo pa ang ito mula sa pagkaupo.
"Pierce?"
"Hazel?"
Sabay nilang tanong. Mabilis napalitan ng pagtataka ang mukha ni Hazel nang banggitin nito ang pangalan niya. Hindi niya maalala na nagpakilala siya rito.
"How did you know my name?"
"Um... I asked your cousin." He said while scratching his brows. "Wait- so you are Miss Robertson?"
Tumango naman si Hazel bilang sagot.
"And you are Engineer Romero?" She asked, even though she already knew that he was. She just wanted to confirm it.
"Yes, I'm Engr. Pierce Romero," anito at inilahad ang palad.
Kaya naman pala naka formal attire ang lalake noong huli nilang pagkikita. Kahit ngayon ay naka formal attire parin ito kahit nasa beach sila.
"I'm Hazel Robertson," she replied, tinanggap nito ang palad ng lalake at pakikipagkamay pero mabilis naman nito binitawan.
Naupo naman silang pareho sa upuan na yari sa kawayan. Sinimulan na nila ang diskusyon. May ipinapakita pa si Hazel mga litrato mula sa cellphone niya na maaring maging disensyo ng hotel.
Nagpapaiwas nalang ng tingin si Pierce sa tuwing nagtatama ang mata nila ng dalaga. Hindi niya kayang matignan ng matagal ito dahil pakiramdam niya ay nasisilaw ito.
God she's looks like an angel.
"No, I'm planning to stay here." He said nang tanungin ni Hazel kung uuwi na ba ito ulit sa ciudad.
"Oh really?" Gulat na tanong ng dalaga.
Kasalukuyan silang papunta sa seafood house para mananghalian dahil hindi nila namalayan na pasadong alas dos na ng tanghali dahil napahaba ang usapan nila ng lalake.
"Yeah, nagcheck in ako sa isa sa mga nipa hut dito." Sagot nito at tumango naman ang dalaga.
Sabay silang mapahinto sa paglalakad nang may nakasalubong silang apat na nag gwagwapuhang lalake na nakatingin ng mariin sa kanila.
Sumingkit ang mga mata n'ya nang makilala niya ang isa sa mga ito.
"Mr. Levin Grey?" She whispered.
What is he doing here?
____________________________________
____________________________________Happy 2k reads and 100 votes! 💙

BINABASA MO ANG
A Night With Them
Fiksi UmumHazel Robertson is a Filipino-Scottish vacationer in Boracay, Philippines. ____ CONTENT WARNING: This story has mature scenes which are not suitable for young readers. 🔞 Language: Filipino 12/30/2021