Chapter two: Broken

29 6 0
                                    

Nagising ako na nasa kama na ako at nasa tabi ko si Kuya Theo.

Habang nakayakap ng mahigpit sa akin nilibot ko ang paningin ko sa buong silid marahil ay nasa isang hotel kami dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar hindi na niya ako naihatid sa condo ko na lagi naman niyang ginagawa.

Hindi ko na namalayan ang mga nangyari ng nagdaang gabi dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ako ng nasa kotse palang ako.

Bahagya akong gumalaw para makawala sa yakap ni Theo pero mahigpit siyang nakayakap sa akin at bahagya pa siyang umungol pero hindi naman nagising.

Liningon ko siya at pinagmasdan ang gwapo niyang mukha kung tutuusin ay dapat kinamumuhian ko ang lalaking ito pero kahit ako sa sarili ko ay wala akong makapang galit sa kanya, noong una ay mayroon dahil nasasaktan ako kung bakit kailangan kong maging mahina sa mga bisig niya sa mga halik niya pero sa paglipas ng araw ay unti-unti ko ng natatangap ang kapalaran ko, pero ayoko ng ganito ang manatiling bihag niya sa mga halik niya at ang makamundong pagnanasa na binuhay niya sa buo kong pagkatao.

Sinubukan ko ulit na kumawala sa kanya at sa apat na beses ay sa wakas nakawala rin ako kaya bumangon ako pero agad ko rin na naihiga ang katawan ko ng sumigid ang kirot sa pagkababae ko halos impit akong napahiyaw dahil masakit talaga hindi lang sa baba ko kundi pati ang dibdib ko at buong katawan ko, parang binugbog ako sa nangyari sa akin ngayon ko lang naramdaman ang sakit napaiyak ako dahil sa inis sa sarili ko bakit hindi na ako nasanay, ang mahina kong pag-hikbi ay nauwi sa may tunog na iyak.

"Hey! Baby anong problema?"
Namalayan ko na lang na yakap na ako ni Theo, kaya lalo akong napaiyak ng malakas at napasubsob sa hubad niyang dibdib hinaplos niya lang ang likod ko at panay ang halik sa ulo ko hinayaan niya lang ako na umiyak hanggang sa muli akong makatulog.

Nang muli akong magising ay mag-isa na lang ako sa kama, maayos ng nakatupi ang uniform ko sa gilid ng kama at labado na ito. Gaya ng lagi niyang ginagawa ay malinis na at na plantsa na ang damit ko.

Tumayo ako at naglakad na paika-ika dahil medyo mahapdi pa rin ang pagkababae ko, pinainom niya ako kagabi ng gamot iyon ang natatandaan ko ng magising ako.

Pumasok ako sa banyo at hinubad ko ang oversize t shirt ni Theo na isinuot niya marahil sa akin kagabi.

Napapikit ako sa maligamgam na tubig na nagmumula sa shower, iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi muli na naman akong natupok sa apoy at nagpadala ulit sa bugso ng damdamin ko.

Ilang minuto rin akong nagbabad sa bathtub dahil masarap ito sa pakiramdam.

Matapos kong maligo at magbihis ay agad kong sinamsam ang gamit ko at lumabas ng kwarto, naabutan ko si Theo na nasa harap ng kalan at nagluluto tanging boxer short lang ang suot niya at apron.

"Hi! Gising kana pala." Nakangiti siyang humarap sa akin. "Halika na kumain ka muna." Napatingin ako sa lamesa may mga pagkain sa hapag pero wala akong maramdamang gutom kaya nakatayo lang ako.

"Wala akong gana saka uuwi na ako may pasok ako ng maaga ngayon kailangan kong makauwi agad at kunin ang ilang libro ko." Mahaba kong sabi kaya napatigil siya sa pagsalin ng juice sa baso at dahan-dahan itong binitiwan at napabuntong hininga.

"Ganon ba si-sige iha-" Pinutol ko agad ang sinabi niya.

"Kukuha na lang ako ng taxi sa baba hindi mo na ako kailangang ihatid." Malamig kong turan saka nagmamadaling umalis sa harap niya lumabas agad ako kahit hindi ko pa masyadong naisuot ang sandals ko.

Nagmadali agad akong sumakay ng elevator at ng makapasok ako dito ay saka ko pinakawalan ang hininga ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Ako itong nanakit ng kalooban pero ako ang mas nakakaramdam ng sakit.

Madeline Iris ( The Secret Lover ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon