Chapter twenty: Mysterious Man

8 1 0
                                    

Nag-aayos ako ng mga damit ko na dadalhin sa bago kong mission ng pumasok si mama.

"Anong oras ang flight mo anak?" Tanong niya saka naupo sa gilid ng kama ko.

"Mamayang after lunch po mama." Sagot ko sa kanya at tinulungan ako na maglagay ng mga damit ko sa maleta na nakapatong sa kama ko.

"Anak magpahinga ka naman kahit ilang linggo lang kauuwi mo pa lang pero ito na naman trabaho ulit." Napatingin ako kay mama at naupo sa tabi niya.

Naiintindihan ko naman siya dahil kahit hindi pa ako lubusan na guro ay sumasama na ako sa mga mission bilang isang volunteer teacher sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas.

Ito kasi ang pinagkakaabalahan ko dahil ayokong manatili dito sa bahay at magiisip na naman ako.

"Gusto kong may gawin mama. Kapag pinilit ko ang sarili ko na manatili dito ay lalo ko lang siyang maaalala." Humawak siya sa kamay ko at napabuntong hininga.

I was suffer with postpartrum depression noong maipanganak ko ang anak ko. At akala ko ay tuluyan na akong mababaliw noon dahil may mga araw na hindi ako tumitigil sa pagiyak. Sobrang lungkot ang nararamdaman ko noon at halos napapabayaan ko na ang sarili ko at ang anak ko.

Nagkasakit din ako dahilan para pansamantala na kunin sa akin ni Aunt Liela ang anak ko. Halos hindi ko na nga siya naalala noon.

Nagpasesyon na ako sa psyciatrist at sa tulong nito ay unti-unti akong gumaling.

Pero kasabay nun ay ang gusto kong magturo na lang at maging isang guro kaya hinayaan nila ako na muling mag-aral.

At ito nga malapit na akong maka-graduate pakiramdam ko kasi ay ito lang ang paraan para ma distract ako sa kalungkutan kaya sinuportahan ako ng pamilya ko.

Hindi nila ako iniwan lalo na si Kuya Tarick at Tyron na hindi ako pinabayaan.

Kahit alam ko na pagod na rin sila ay wala akong narinig na reklamo mula sa kanila. Naiwan kasi sa kanila ang responsibilidad na naiwan ni uncle at Theo.

Ang kumpanya na naiwan nina Theo ay napalago pa nina Kuya Tarick sa tulong pa rin ng mga kaibigan nila.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil hanggang ngayon ay tinupad pa rin nila ang pangako nila sa akin na hahanapin pa rin nila si Theo hangga't sa kaya nila.

"Gusto kong sabihin na lang na kalimutan na natin ang nakaraan pero nakikita ko kung paano ka nasasaktan sa tuwing mababangit siya." Malungkot na turan ni mama.

"Anak alam ko na hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babalik siya at isa iyon sa mga nagpapatatag sa iyo." Dagdag pa niya kaya tuluyan na ako napaiyak at yumakap sa kanya.

"Umaasa pa rin ako mama. Na babalik siya sa amin ng anak ko at magkakasama kaming muli." Umiiyak kong turan sa kanya yinakap lang niya ako ng mahigpit.

Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Tyron na buhat ang anak ko at pareho silang napatingin sa akin.

"Aalis ka ulit?" Maikling tanong ni Tyron kaya napatango ako.

Napatingin ako sa anak ko na nakayukyok ang ulo sa balikat ni Tyron.

"Mama your going somewhere again?" Mahina niyang tanong sa akin kaya kinuha ko siya Tyron at agad siyang yumakap sa akin.

Paulit-ulit ko siyang hinalikan sa pisngi at yinakap siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita baby ko. Promise pagbalik ko ay mamasyal ulit tayo." Malambing ko na turan sa kanya kaya napatango lang siya.

My son is intelegent even he is five years old alam na niya ang nangyayari sa paligid niya. Nakakaunawa na siya at isa ito sa pinagpapasalamat ko.

Madeline Iris ( The Secret Lover ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon