Nagising ako na may humahalik sa pisngi ko kaya napangiti ako. May maliit na boses ang nagsasalita at tumatawa ng mahina.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko at nakita ko ang anak ko na nakahiga sa tabi ko at nakatingin sa akin, nasa likod niya ang lalaking mahal ko na nakayakap sa anak ko.
"Mama are you awake na?" Tanong ng anak ko kaya napatango ako at agad ko siyang kinabig payakap sa akin.
"Ang bigat mo na baby ko." Sabi ko sa kanya at hinalik-halikan ko siya sa pisngi.
"Good morning baby." Bati ni Theo sa akin at agad akong hinalikan sa labi.
Napangiti ako at tumugon sa halik niya.
Ito na yata ang pinakamasayang umaga sa akin mula nang mawala si Theo. At ngayon na nandito na siya ulit ay sobra-sobrang kaligayahan na ang nararamdaman ko.
Bumangon na ako at hinayaan ko na ang mag-ama ko na manood ng TV. Inayos ko muna ang kama namin at saka ko ibinuhol ang roba ko at naglakad papunta sa walk in closet namin ni Theo at hinanda ang damit ni Isaac na pampalit niya at kumuha rin ako ng damit ko at ang damit rin ni Theo kinuhan ko siya ng puting t-shirt at short kasama ang kanyang boxer short. Napangiti ako dahil sa wakas maisusuot na rin niya ang mga damit na binibili ko sa kanya buwan-buwan.
Medyo nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin kaya napangiti ako ng makilala ko siya.
"So this our room when i'm still here five years ago?" Tanong niya sa akin kasabay ng paghalik niya sa ulo ko.
Napatango lang ako sa kanya at inayos na ang bihisan namin.
"Maligo na tayo baka dumating na sina Uncle Trey at mama." Mahina kong turan sa kanya kaya napatango siya kahit gusto pa niyang nakayakap sa akin.
Hindi pa rin siya nagbabago gusto pa rin niyang nakayakap lagi na parang ayaw niyang mawalay sa akin.
Pareho kaming lumabas sa walk in closet namin at linapitan ko ang anak ko na engross sa panood ng paborito niyang cartoons.
"Isaac come on were gonna take a bath na later naman." Sabi ko sa anak ko pero parang hindi niya ako narinig kaya napakamot ako ng kilay ko.
Ito ang problema kay Isaac minsan dahil nakukuha na niya ugali ng ama niya, nakakunot na ang noo niya at halatang naiinis dahil pinapatigil ko na siya sa panood ng telebisyon.
"Isaac do you hear me?" Medyo madiin kong turan at nawawalan na ako ng pasensya. Ito ang nakalakihan niya dahil sa mga tito niya na ini-spoil siya.
Saka lang niya ako tiningnan naramdaman ko si Theo na lumapit sa amin.
"Papa can i watch tv please." Lalo akong nainis dahil ang ama niya ang kinausap niya.
"Isaac don't ignore your mama please. What about were gonna take a bath first and then you can watch tv again." Malumanay na sabi dito ni Theo gusto ko tuloy maiyak dahil nandito na si Theo at siya na mismo ang kumakausap sa anak niya na minsan ay hindi ko nasasabihan.
"Okay po papa." Mahina niyang turan sa papa niya na hindi man lang kumontra. Pero sa akin ay hindi man lang ako pinansin.
"Say sorry to your mama your hurting her." Narinig ko na bulong niya sa anak namin.
"Mama i'm so sorry for not listening to you." Sabi ng anak namin sa maliit na boses lumapit siya akin at yumakap.
Napaiyak ako dahil sa saya na nasa puso ko sa wakas ay may kasama na akong umunawa sa anak ko at gumabay sa kanya.
Naramdaman ko na lang na pareho na kaming yakap ni Theo kaya sobrang saya ko sa mga oras na ito.
Sabay-sabay na kaming naligo at naging maayos na ang lahat. Magkasama kaming nagpaligo sa anak namin ni Theo at kitang-kita ko sa kanya ang saya sa mga mata niya lalo na kapag nakatingin siya kay Isaac.
BINABASA MO ANG
Madeline Iris ( The Secret Lover ) Completed
RomanceSi Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpuan niya ito sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Nagkaroon siya ng mga kapatid, mababait ito at itinuring siya ng mga ito na paran...