Napatanaw ako sa bintana at nakita ko ang anak ko at si Theo na naglalaro sa may garden. Nakaupo sa damuhan si Kuya Tarick at Tyron na parehong nakatawa.
Naalala ko kahapon ang nangyari naging awkward ang lahat ng magkaharap si Marco at Theo.
Nagpakilala si Theo kay Marco na asawa ko na totoo naman pero nahihiya pa rin ako sa kanya dahil wala pa naman siyang alam sa mga nangyayari kaya pinaliwanag ko sa kanya na nakabalik na si Theo sa amin pero hindi ko sinabi na may amnesia si Theo.
Nagpaalam naman agad si Marco na halata ang panghihinayang sa kanyang mukha.
Nalukungkot ako para sa kanya pero wala akong magawa kaya kahit alam ko na wala akong kasalanan ay nagi-guilty pa rin ako.
Napatingin ako sa kaliwa ko nang makita ko si mama na lumapit sa akin.
"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" Tanong niya kaya napangiti ako.
"Maayos naman po mama kulang ang salitang saya dahil sa wakas nakabalik na si Theo sa atin." Tumabi siya ng upo sa akin ay sumandig ako sa balikat niya.
"Sinabi ko naman sa iyo noon na ang lahat ay may dahilan kahit pa nasaktan ka ay may kapalit ang lahat." Malambing niyang turan kaya ngumiti lang ako at tumango at sabay namin na pinanood ang mga lalaki sa baba at masayang naglalaro.
Ngayong araw ay pupunta kami sa doktor para ipasuri ang kalagayan ni Theo kaya kinakabahan ako.
Nakapagpa-scedule na kami sa isang doktor sa utak at epesyalista sa mga taong nagkaka amnesia.
Magaling raw itong doktor dahil kakilala ni Kuya Z.
"Ngayong araw pala ang check-up ni Theo." Napatango ako kay mama mayamaya pa ay nagpaalam na siya na babalik na sa silid nila kaya tumango ako sa kanya.
Inayos ko na lang ang mga laruan ni Isaac na nakakalat sa carpet at inilagay ito sa storage box.
Napailing na lang ako habang tumatagal ay parami na ng parami ang mga laruan niya na galing kay daddy at sa mga ninong nito.
Kagabi ay bumisita sila ni Aunt Leila at hindi makapaniwala na nakabalik na sa amin si Theo. Malungkot rin ito dahil hindi siya maalala ng asawa ko pero nakita ko kung paano siya titigan ni Theo isa iyong paggalang sa aking ama.
Masaya ako na kahit papaano ay nagiging maayos na ang lahat pero hindi pa rin kami dapat maging kampante dahil hindi pa nila natatagpuan si Sunshine.
Nakalagay na sa watch list ng bansa ang mukha niya kaya nakaalerto ang mga kasamahan ni Kuya Z sa agency nila kung sakali na bumalik dito ang babaeng iyon.
Napaunat ako ng katawan ko dahil nangawit ako sa pagkakaupo dahil sa mga lego ni Isaac. Narinig ko na bumukas pinto ng kwarto kaya alam ko na may pumasok at napangiti ako ng may yumakap sa akin mula sa likod.
"Hindi mo ako hinintay sa pagligpit ng mga gamit ni Isaac." Bulong ni Theo kaya napangiti lang ako at isinandig sa kanya ang katawan ko.
"Kaya ko naman nasaan ang anak natin?" Tanong ko sa malambing na boses.
"Pinalitan ng damit ni Tyron pawis na pawis." Sagot niya ang ilan pala sa mga damit ni Isaac ay nasa kwarto ni Tyron dahil ito ang madalas na mag-alaga kay Isaac.
"Ikaw rin pawis na pawis." Napaharap ako sa kanya kaya napatawa siya ng mahina.
"Magpapalit ako mayamaya at sabay tayong maliligo." Mahina niyang bulong kahit kaming dalawa lang ang nandito. Nag-init ang pisngi ko sa paraan ng pagkakasambit niya ng pagligo.
Mukhang alam ko na kung saan na naman kami nito aabot. After lunch pa ang check-up ni Theo kaya naisip na naman niya ang kalokohan na ito.
"Pagpahingahin mo naman ako Mr. Rosenthal gusto kong magluto ng tanghalian ngayon." Natatawa ki na turan sa kanya.
BINABASA MO ANG
Madeline Iris ( The Secret Lover ) Completed
RomantizmSi Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpuan niya ito sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Nagkaroon siya ng mga kapatid, mababait ito at itinuring siya ng mga ito na paran...