Napilit ko pa rin si Theo na ihatid ako sa bahay para hindi magtaka sina mama at uncle kung nasaan ako nasabi kasi ni Tyron na baka umuwi ngayong araw sina mama, nagmamaneho si Kuya Tarick na halata ang saya dahil nahanap na daw niya ang hinahanap niya at hindi siya makapaniwala nandito lang pala ito sa Davao.
Kaya kapag naihatid na niya ako ay pupuntahan agad ang lugar kung nasaan ang hinahanap niya, naalala ko na nag-usap na kami kagabi at magaan na ang loob ko kahit paano.
Tanggap na nina Kuya Tarick at Tyron ang relasyon namin ni Theo at handa naman daw silang harapin ang galit ni Uncle Trey at mama kung sakali man.
Hindi ako makapaniwala sa tatag ng relasyon nilang mag-kakapatid hindi pagkunsinti iyon pero gusto lang nilang maging masaya kami pareho ni Theo.
Gustong sumama kanina ni Theo sa paghatid sakin pero baka may makakita sa kanya sa bahay kaya hindi na siya pinasama ni Kuya Tarick.
Babalik naman ako doon kapag umalis ulit sina mama kaya hindi na ako ulit makapaghintay na makasama si Theo, hinaplos ko ang tiyan ko at ngumiti.
"Okay lang ba sayo na manatili sa bahay nina daddy?" Napatingin ako kay Kuya Tarick at napatango sa kanya.
"Opo kuya at saka nag-rereview ako malapit na ang exam kaya dapat matapos ko na iyong reviewer ko." Napatango siya at nagpatuloy sa pag-dadrive.
Nasa malapit na kami ay nakita ko si Rian na sumalubong samin at kumaway halata ang pamumutla niya kaya nag-alala ako.
"Kuya pwede mo dito na lang ihinto?" Sabi ko kay kuya na agad naman niyang sinunod binuksan ko agad ang pinto at hinintay si Rian na makalapit dito.
"Ate buti na lang at nakauwi kana naku dumating na si Ma'm Marion hinahanap ka." Kinabahan ako at napatingin kay kuya kaya agad siyang bumaba at binati si Rian.
"Kuya Tarick galit po kasi Ma'm Marion eh, ang sinabi lang namin ni Lola ay namasyal lang si ate." Napatango si kuya at tiningnan ako.
"Call us if your mom still mad okay." Napatango ako kay kuya saka siya nagpaalam na samin.
Naglakad na kami at lumakad sa dagat para alam ni mama na sa tabing-dagat ako pumunta ay dito kami dumaan. At naging kaswal lang ang lahat.
"Manang dapat hindi niyo hinahayaan na mag-isang umalis si Iris." Nasa bungad pa lang ako ng backdoor ng bahay naririnig ko na ang boses ni mama na parang natataranta.
"Ma i'm here wag kana magalit kay manang." Sabi ko agad at saka napatingin sakin si mama na lumapit sakin.
"Saan ka ba pumunta at wala ka dito?" Tanong agad niya masakit ang pagkakahawak sakin sa braso ni mama pero hindi ko iyon ininda.
"Naglakad-lakad lang po ako kanina." Sagot ko na hindi pinahalata ang panginginig ng boses ko.
"Sa susunod wag mo nang gagawin iyon ha!" Galit niyang sabi saka lang binitiwan ang braso ko.
Gusto kong maiyak sa nangyagari ngayon sa aking ina parang may nagbago na sa kanya, nanlalalim na ang mga mata niya marahil sa hindi pagtulog naiintindihan ko naman kung bakit siya ganito pero hindi lang ako makapaniwala na kung bakit siya nagkakaganito parang sobra naman yata.
"Umakyat kana sa kwarto mo sige na." Utos niya agad na timalikuran ako napatingin ako kay manang at kay Rian na nagtataka din sa mga ikinikilos ni mama.
"Umuwi ang mama mo na ikaw agad ang hinahanap kanina hindi ka pa bumabalik mula kahapon kaya nag-alala kami." Sabi ni manang sakin mg lumapit siya at hinaplos ako sa likod.
"Pasensya na po manang kung pati kayo napagalitan ni mama." Hingi ko dito ng paumanhin pero umiling lang siya sakin at pinahatid na ako kay Rian paakyat sa kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/300917226-288-k628617.jpg)
BINABASA MO ANG
Madeline Iris ( The Secret Lover ) Completed
Roman d'amourSi Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpuan niya ito sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Nagkaroon siya ng mga kapatid, mababait ito at itinuring siya ng mga ito na paran...