Umiyak ako ng umiyak habang nakahiga sa kama ko, matapos ang anunsiyo kanina ni Theo ay hindi ko na nakayanan pa ang mga eksena kaya nagmadali akong umalis sa venue na walang nakapansin sa akin at matapos nun ay bumalik ako sa mansion at umakyat ako papunta sa kwarto ko habang hindi ko napigilan ang paghagulhol dahil sa sobrang sakit.
Sinaktan nanaman niya ako bakit paulit-ulit na lang ganun ba talaga ang galit niya sa akin para gawin niya sa akin ito.
Dahil sa kakaiyak ko ay nakatulog ako at ng muli akong magising ay may banayad ng humahaplos sa pisngi ko kaya napamulat ako ng tuluyan at bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni mama.
"Sabi ng katulong umakyat ka na kagabi masama ba pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin para hindi na magtaka pa si mama ay tumango na lang ako, umaga na pala at natapos na ang party nina mama nahiya tuloy ako dahil maaga akong umakyat iyon ang alam nila.
Naalala ko nanaman ang dahilan kaya bigla na lang parang gusto ko uling umiyak pero ayokong magtaka si mama kaya pinilit ko na lang na pinigilan.
"You know what happen last night?" Tanong ulit ni mama kaya marahan lang akong umiling nakatalukbong ako ng kumot ko kaya hindi masyadong nakikita ni mama ang mukha ko.
"Your kuya Theo's proposal is so romantic, well i don't think na magmamahal siya ng ganun pero i don't like that model for him but as long as he love that woman and they will get married next year." Bawat kataga na sinasabi ni mama at ay parang karayom na tumutusok sa puso ko kaya naman halos mahirapan na akong huminga.
"Mama can i sleep again i really not feeling well." Mahina kong turan kaya napatingin sakin si mama at tumango pero kita ang pagtataka sa mukha niya pero binalewala na lang niya iyon.
Nagpaalam sakin si mama at sinabi na aalis sila ngayong araw ni Uncle Trey at kailangan nilang bumalik agad ng Davao para asikasuhin ang negosyo nila kaya napatango na lang ako.
Kahit na kakatapos pa lang ng party nila na ginanap ay trabaho agad ang inasikaso nila kaya napapikit na lang ako.
Ilang minuto ng makalabas si mama ay may kumatok sa kwarto ko at nagdala ng tanghalian ko at gamot ang katulong na ipinalagay ko din sa maliit na lamesita sa gilid ng kama ko na hindi bumabangon kahit ang katulong ay nagtataka din pero hindi ito nagsalita at nagpaalam na lalabas na ito.
Nakatulog akong muli at ng magising ako ay nasa gilid ng kama ko si Tyron na nakatingin sakin ng mataman halata din na wala siyang tulog dahil nanlalalim ang mga mata niya at gulo din ang buhok.
Kaya napabangon ako kahit na nanghihina pa rin ako dahil may kakaiba sa itsura niya.
"I know why you are like this Madeline but please listen to me, Kuya is not like that!" Kinabahan ako sa paraan ng pagkakasabi niya kaya muling namuo ang luha sa mga mata ko.
"Matagal ko na itong napapansin pero may iba talaga sa mga kinikilos mo nitong mga nakaraang buwan." Patuloy niya na may halong pait ang boses.
"I am not observer but with you, you are exception Maddie and that when i saw you and kuya left in his new condo..." Napahawak ito ng batok at tumayo at nagpalakad-lakad.
"And then last week he told me and Kuya Tarick that he has an epecial announcement and he want to tell to our parents about your relationship infront to other people too." Habang sinasabi niya iyon ay napapatingin pa siya sa akin at may kaunting kislap sa mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/300917226-288-k628617.jpg)
BINABASA MO ANG
Madeline Iris ( The Secret Lover ) Completed
RomanceSi Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpuan niya ito sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Nagkaroon siya ng mga kapatid, mababait ito at itinuring siya ng mga ito na paran...