Epilogue: Happy Ending

16 2 0
                                    

Ilang taon man ang lumipas ay hindi pa rin nakakaalala si Theo.

Mukhang hindi na talaga niya maaalala ang kabataan niya, ang mga kapatid niya, ang mga magulang niya, ang mga kaibigan niya at ang ang ilang bahagi ng nakaraan namin ni Theo.

Mukhang hindi na niya iyon maibabalik kahit na pinatingnan na namin ito sa ibang doktor sa Amerika ay wala pa rin. Hindi na talaga lubusan na nakabalik pa ang ilan sa mga alaala niya.

Pero kahit nakalimutan niya ang bahaging iyon ng buhay niya binigyan naman namin siya ng mga panibagong alaala. Kasama ng pamilya namin at ng mga kaibigan niya.

Dalawang pung taon na kaming kasal may lima nang anak. Sampung taong gulang na rin ang bunso namin at nag-iisang babae sa pamilya.

Puro lalaki rin kasi ang mga anak ni Kuya Tarick at Tyron kaya ang bunso namin ang nag-iisang babae sa pamilya.

May mga panahon pa rin na hindi namin maiwasan na hindi maalala ang mga lumipas na taon. Pero hindi na masakit wala na ang galit at lungkot.

Napalitan na iyon ng puro saya at kapayapaan.

Inilapag ko ang dalawang basket ng bulaklak sa harap ng puntod ni Marco at Sunshine. At sandaling nanalangin.

Isa sa pinakamahirap na parte sa akin ay ang mag-patawad pero sino ba naman ako para ipagkait ito sa taong lubos na nangangailangan ng pagmamahal.

Marami man siyang nagawang kasalanan ay pinatawad ko na siya. Lalo na ang ginawa niya sa anak ko at isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko si Marco.

Ibinuwis niya ang buhay niya para sa anak kong panganay at sa batang nasa sinapupunan ko noon kaya utang na loob ko sa kanya ang buhay naming mag-iina.

Ilang taon man ang lumipas ay hindi ko nakalimutan ang huling araw na nakita kong buhay si Sunshine. Halos ikabaliw niya ang nalaman niya noong magising siya ilang buwan lang ang lumipas.

Sinabi sa kanya ng mga doktor na namatay si Marco dahilan para magwala ito at ilang beses na kitilin ang buhay niya.

Ginawa pa namin ang lahat para matulungan siya dahil kailangan niya ito pero siya na mismo ang kusang sumuko. Isang araw ay hindi na daw siya nagising pa binangungot ito habang natutulog marahil ay sa sobrang pag-iisip at kalungkutan.

Dito namin nalaman ang pinakamadilim na bahagi ng buhay niya at ni Marco.

Si Marco ang pumatay sa ama ni Sunshine na napabalitang nawawala noon sa Australia. Sunshine is a rape victim of his own father.

Matagal na pala nitong pinagmamalupitan at pinagsasamantalahan ang sariling anak at ito ang pumatay kay Santi sa magiging anak sana nila. Si Santi ang dati nitong nobyo at halos ikabaliw ito ni Sunshine ng mawala ang dalawang tao na mahalaga dito.

Nang matagpuan nila si Theo noon ay binigyan nila ng panibagong pagkatao si Theo sa pangalan ni Santi.

Hindi ako makapaniwala ng malaman namin iyon noon minanipula nila ang lahat. Halos hindi ako makahinga  ng araw na iyon dahil sila ang dahilan kung bakit hindi na tuluyan pa na bumalik ng buo ang mga alaala ni Theo.

At si Marco ay nalaman ang nangyari noon at nagkagulo sila at aksidente nitong napatay ang ama ni Sunshine.

Nalaman nito na si Theo ay hawak ni Sunshine pero dahil mahal nito ang pinsan niya ay hinayaan lang nito si Sunshine sa kahibangan nito.

Nakaramdam ako noon ng galit kay Marco dahil sa pagsasawalang bahala niya sa kabaliwan ng pinsan niya. Kung sinabi niya noon kung nasaan si Theo ay sana hindi umabot sa limang taon na nawala sa amin si Theo.

Madeline Iris ( The Secret Lover ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon