Chapter twenty-nine: Kidnap

9 1 0
                                    

Isa sa pinakamahalagang bagay sa isang babae ay ang kasal.

Ang maikasal sa lalaking gusto na niyang makasama habang-buhay at bumuo ng pamilya na pinapangarap nila.

Sa sitwasyon ko ay pangarap ko lang ito noon na alam ko na mukhang imposibleng mangyari dahil sa mga pagkakamaling nagawa ko.

I have a secret affair with my step-brother siguro sa mga mata ng ibang tao ay malaking eskandalo ito dahil anak siya ng asawa ng aking ina.

Kasalanan iyon sa mga tao na nakulong na sa isang tradisyon dahil masyadong imposible pero naging posible iyon kay Theo.

Marami kaming pinagdaanan nandito ang sakit at kabiguan pero dinala pa rin kami ng tadhana para sa isa't isa.

Napatingin ako sa pamilya ko na nagkakasiyahan maayos na natapos ang seremonya ng kasal namin kanina at para pa rin akong lumulutang sa alapaap sa mga oras na ito.

"I love you Mrs. Rosenthal." Napangiti ako kay Theo na kanina pa niya ito sinasabi ang mga katagang parang musika sa pandinig ko lalo na at mag-asawa ka kami sa mata ng diyos ngayon.

"Mamaya na Theo may mga bisita pa." Bulong ko sa kanya ng nagsisimula nang gumapang ang mga kamay niya baywang ko.

"We can ditch you know i can't wait to make love to you." Para akong kiniliti sa paraan niya ng pagkakasabi nito. Nandito ang antisipasyon ko sa mangyayari mamaya pero mas nangingibabaw ang saya na idudulot nito sa kanya dahil magiging ama na naman siya.

Isa ito sa pinakamagandang regalo na matatanggap niya mula sa akin.

"Kuya Theo sige na iwan niyo na kami kami na bahala sa mga bisita." Napatingin kami kay Kuya Tarick na nakangiti at tila nanunudyo pa kaya namula ang mukha ko.

Agad naman akong kinarga ni Theo na pa bridal style at saka siya naglakad sa gilid para walang makapansin sa pagalis namin.

"Hindi tayo nakapagpaalam." Mahina kong pinalo sa braso si Theo dahil tila aliw na aliw pa siya sa kahihiyan na nararamdaman ko.

"Sina Tarick na ang bahala sa kanila baby." Malambing niyang turan saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa magiging kwarto namin dito sa resort.

Napayakap na lang ako sa kanya at isiniksik ko ang ulo ko sa leeg niya at inamoy siya. Hindi ko alam pero hormones na siguro ito dahil ang bango-bango niya sa pangamoy ko.

Pagpasok namin sa loob ay nakaabang ang ilan sa staff ng hotel at masaya nila kaming binati.

"Pumunta na kayo doon sa reception para makapaghapunan na kayo." Turan ni Theo sa kanila kaya nasisiyahan na napatango ang ilan sa kanila. Para naman na may humaplos na mainit na kamay sa puso ko dahil sa sinabi ni Theo.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at pinindot niya ang elevator saka siya sumakay.

"Bakit bumigat ka yata ngayon Iris?" Tanong niya kaya napatawa ako ng mahina at lalong yumakap sa kanya.

"Nabibigatan ka na ba?" Tanong ko na kunwari ay nagtatampo. Pero natawa lang siya ng mahina.

"No baby kayang-kaya pa rin kitang buhatin lalo na mamaya i can make you scream with standing position." Nahampas ko siya dahil sa kapilyuhan na lumalabas sa bibig niya.

Narinig ko ang malakas niyang tawa sa apat na sulok ng elevator kaya napailing na lang ako.

Nang makarating kami sa pinto ng silid namin ay binuksan pa rin niya ito habang buhat ako at ng makapasok kami sa loob ay ini-lock niya ang pinto kaya napailing na lang ako.

Dahan-dahan niya akong binaba sa kama at napahawak ako sa hita ko at napaupo ng maayos. Tiningnan ko lang siya na hinuhubad ang barong niya kaya napakagat ako ng mga labi ko.

Madeline Iris ( The Secret Lover ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon