Nagising ako na magaan ang pakiramdam napatingin ako sa labas ng bintana nakabukas ito at pumapasok ang mabining hangin sa labas, nag-uunat ako ng mga braso ng lumabas banyo si Theo na nakatapis lang ng tuwalya napatingin ako sa ibang direksyon dahil sa pamumula ng mukha ko.
"Good morning baby." Nagulat na lang ako na nakaibabaw na siya sakin at may mapaglarong ngisi sa gwapo niyang mukha.
"Magandang umaga Theo, basa ka." Mahina ko din na bati sa kanya saka ako napatingin sa kanya at may pumatak na isang butil ng tubig sa mukha ko na galing sa buhok niya na mamasa-masa pa.
"Can i kiss you baby?" Nakangiti niyang tanong na hindi pa rin umaalis sa ibabaw ko. Imbes na tumangi ay tumango na lang ako para makaalis na siya sa ibabaw ko.
Akala ko ay sa pisngi lang ang halik niya pero nagulat na lang ako ng sakupin niya ang mga labi ko at isang mainit na halik ang pinagsaluhan namin pero napahawak ako sa balikat niya dahil sa hindi pa ako naghihilamo o nagmumumog man lang.
"The sweetest lips in the morning indeed." Malambing niyang turan matapos niyang bitiwan ang mga labi ko.
"Hindi pa ako nagsesepilyo." Nasabi ko na lang at napapikit habang hinihingal, narinig ko ang magaan niya na tawa at saka siya tumayo kaya nakahinga ako ng maluwag.
Napatingin na lang ako sa kanya habang kinuha niya ang nakatupi niyang t-shirt sa ibabaw ng kama sa paanan ko nakita ko ang tatoo niya sa likod at ngayon ko lang ito napansin isang maliit na cruxifix hindi ko masyadong naaninag dahil wala akong suot na salamin pero alam ko na maganda ito, isinuot niya iyon at saka hinubad niya ang tuwalya na nakatapis sa kanya kaya muli akong nagulat at pero naka-brief na pala siya at isinuot niya ang pantalon na nasa tabi din ng damit niya, napatingin na lang ako sa kisame at napapikit kailangan ko na sigurong sanayin ang sarili ko sa ganitong senaryo araw-araw.
Inalalayan na lang niya akong bumangon kahit kaya ko naman siya lang ang mapilit, at inalalayan ulit papuntang banyo siya na din ang naghubad ng bestida ko at inalalayan ulit na makaupo sa upuan na binili pa niya habang inaayos niya ang bathtub na pinuno na pala niya kanina matapos siyang maligo, at ngayon ay linalagyan na lang niya ng bath bombs na nagustuhan ko ang amoy, at pinatakan niya ng essential oils alam na alam na niyang gawin ito dahil madalas ay siya ang gumagawa nito na pinanood lang ako habang ginagawa ko ito noon.
"Halika na baby maligo ka na." Tumayo na ako sa upuan at inalalayan nanaman niya akong lumubog sa bathtub, napapikit ako sa sarap ng pakiramdam ko dahil sa maligamgam ang tubig at naamoy ko ang mabangong amoy ng sabon.
Napangiti ako ng maramdaman ko si Theo na binasa ang ulo ko at minasahe ang buhok ko kasabay ng pag-shampoo niya dito.
Gusto kong maiyak dahil sa pinapakita niyang pag-aalaga sa akin na hindi ko mapaniwalaan dahil sa mga masasakit na nakalipas, pero ngayon para akobg babasagin na kristal na iniingatan niya kaya imbes na umiyak ay napangiti na lang ako at ninamnam ang dahan-dahan niyang pagmasahe sa ulo ko.
Ilang minuto lang ang itinagal ko sa paliligo at nagbanlaw na agad ako
"Gusto mo bang pumunta ngayon sa mama mo?" Napatingin ako kay Theo matapos niya akong ipaghila ng upuan nandito na kami sa hapag-kainan at si Rian at Tyron ang nandito ngayon at naghahain ng agahan.
Alas-syete palang ng umaga kaya parang tulog pa ang diwa ni Tyron pero tumutulong kay Rian na pinapagalitan ito dahil panay ang hikab.
BINABASA MO ANG
Madeline Iris ( The Secret Lover ) Completed
RomansaSi Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpuan niya ito sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Nagkaroon siya ng mga kapatid, mababait ito at itinuring siya ng mga ito na paran...