CHAPTER15: "Kaya hindi ka nag kaka girlfriend e. Puro ka dota."

216 6 1
                                    

November 13, Friday. It's been days since the last note.

Everyday, may mga unusual na nangyayari.

Minsan, nakita ko nalang na ang isusuot kong uniform kinabukasan, puno ng tinta at dumi. Gumawa lang ako ng excuse kay lola para makalusot. Meron namang minsan, bigla nalang may patay na hayop na nakabulagta sa harap ng gate noong ako'y papasok, minsan noong ako'y pauwi naman. Noong Monday lang, sira ang usual na upuan ko sa canteen kaya napaupo ako at natapunan ng pagkain ang uniform ko. Ang assignment ko, bigla nalang nawawala. Ang exam ko, blanko. Hindi ko ito ikinukwento kay Blake kasi sigurado magaalala lang siya at magiging isang overprotective daddy.

Pero this past three days, due to unknown reasons, walang nangyaring kakaiba. Baka nagsawa na?

Hopefully.

Natatakot pa rin ako, napaparanoid at na co-conscious at the same time. Ewan, hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko, naapektuhan na ang pagaaral at ang social life ko.

Napansin siguro to nina Ber kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ako nasa hot seat ngayon at pinapalibutan ng mga ungas kong kaibigan. Mannerism ko na ata ang magpaikot ng mata at magbuntong hininga kasi ginawa ko nanaman yun ngayon.

"Now what?" Tanong ko. Natawa lang si Blake kaso tinakpan niya kaagad ang bibig niya nang tinapunan siya ng nakamamatay na tingin ni Ber.

"Don't 'Now what' us Carla. Alam mo kung bakit ka andito ngayon sa harapan namin." Nakalagay na sa bewang niya ang dalawang kamay. This is not good.

"Hindi ko alam kung bakit." Matigas kong sabi. Hindi pwedeng malaman nina Ber ang tungkol sa notes na natatanggap ko. Siguradong magkakagulo lang.

"Lagi ka kayang tulala." For the first time, nagsalita si Reanne. Ako? Tulala? Hindi kaya.

"Bumabagsak ka rin sa mga quizzes mo.... Na nakakadisappoint kasi kumu-kopya ako sayo." Dagdag naman ni Calvin na nakaupo at nakadekwatro at busyng umiinom ng softdrinks. Pinaikot ko lang ang mata ko.

"Hindi mo rin nauubos ang pagkain mo. Which is VERY unusual lalo na para sayo Carly. Buti kung binibigay mo saken kaso hindi e." Sino pa ba ang babanat ng ganyan kundi si Jose lang. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam pero parang ampangit ng lasa ng pagkain ngayon, o wala lang talaga akong gana.

"Hindi ka na rin sumasabay samen pauwi. Wala na tuloy nanlilibre ng cheese mais." Medyo pabulong na sinabi ni Normell ang huling pangungusap pero dinig na dinig ko pa din. Kaya pala gustong gusto akong kasabay ng mga to. Tiningnan ko si Ber na tumatango tango lang.

This is not good. Sigurado to, basta Bernice, may pasabog. Tumingin siya kay Blake and then sakin. Kay Blake, tapos sakin ulit.

Napalunok ako.

Lahat nakatingin sa babaeng nakapamewang. Kahit si Calvin, nahinto sa kakasipsip sa iniinom.

"Kayo na ba ni Blake?"

Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi nag reregister ang tanong sa utak ko. Ano daw?

"Hahahaha!" Lahat kami napatingin kay Blake na busy tumatawa. Nauwi sa ubo ang tawa niya. "Hahaha-*ahem-*ahem. haha. Sorry." Pinigilan ko lang ang sarili ko pero muntik na din ako matawa.

Pinaikot ni Ber ang mata niya at tumingin saken. "Ano Carla? Kayo na ba?"

"Saan naman galing yang ideyang yan, Ber?" Tanong ko na medyo naiirita.

Kitty Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon