CHAPTER24: "Hindi mo naman kasalanan na ipinanganak kang KJ"

148 3 1
                                    

CARLA'S POV

Wow.

Sobrang ganda ng venue. Knowing Reanne, alam ko na hindi talaga magiging ordinaryo ang party na to. Pero hindi ko ineexpect na magiging ganito ka-cute! Ang theme ng kanyang party ay "Peacock", kaya color blue and green ang motif. We are advised to wear according sa color range so nakasuot ako ngayon ng royal blue halter dress habang naka green bateau dress naman si Ber. Swerte ng boys, hindi na nila kailangan mag effort to look decent. Naka vest type si Blake and Normell habang nakapolo lang si Calvin, for now. Hawak niya ang kanyang amerikana dahil daw "He's too hot to wear this. Mamaya nalang daw." Kung gano ka rugged si Calvin, ganun din naman ang ikinagara ni Jose. Naka complete suit and tie siya tapos ego "Like A Boss". Sabi ni Calvin, nasa itsura yan. 

 Punong puno ng bulaklak ang buong function hall with the said colors with a slight touch of pink and red. May mini stage sa harapan para sa debutant syempre, sa gilid nito ang gifts at ang malaking cake at sa kabila naman ang buffet- with overflowing chocolate fountain. Yum!

Pero sa lahat ng eto, isa lang naman talaga ang hindi namin pinalampas.

Ang mobile bar. Alam ko hindi accurate magpakalasing lalo na kung ibabase sa suot namin pero we really don't care. We're here to enjoy, have fun.

Nasa pangalawang shot "palang" kaming tatlo ni Ber at (surprisingly) the debutant itself, nang biglang magsalita ang emcee. 

"There are 18 lucky gentleman tonight who will have an honor to dance our lovely Miss Reanne-" 

"HERE!" Sigaw ni Reanne sabay taas ng shot glass. Smooth. Nagtawanan ang mga tao.

"Ah, there she is. Enjoying her first "legal" drink with some friends. Ang tanong, first nga ba?" 

"Of course not!" As usual, syncronized nanaman kaming dalawa ni Ber na naging sanhi ng tawanan ng mga tao at kunot ng ulo ng magulang. "Oops." 

Tumawa ang emcee, "Now that's what you call friends. Cmon here little miss Peacock so we can proceed to your 18 roses." 

Nang makarating na sa stage si Reanne, nag start na rin kaagad ang sunod sunod na sayaw. Sinimulan ng guy family members, next ang friends. Nasa panghuli pa ang apat naming kaibigan kasi daw "special" sila so uminom pa kami ni Ber ng ilang shots.

Sa wakas si Normell na ang susunod. Nakatayo sa gitna si Reanne at hawak hawak ang mga bulaklak na ibinibigay ng bawat lalaking nakakasayaw niya. Pagkatayo na pagkatayo ni Normell, biglang nag-iba ang music at lights.

"When I walk on by, girls be looking like damn he fly.

I pimp to the beat, walking down the street in my new lafreak"

Naging "Sexy and I Know it" By LMFAO!

"yeah. This is how I roll, animal print pants out control

It's Redfoo with the big ass 'fro. And like Bruce Leroy I got the glow, yo"

"Ooh! The twist! Dance with the music guys!" Sigaw ng baklang emcee.

"(Ahhh) Girl look at that body (x3) I-I-I work out"

Noong una shocked pa si Normell kaya nakatayo lang siya pero bigla siyang ngumisi at sinabayan nga ang tugtog. Kinuha kaagad ni Ber ang cellphone niya para i-shoot ng video ang jowa.

Kitty Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon