CHAPTER10: "I swear. Mamatay man ang ang mga kuko mo sa paa."

225 5 0
                                    

CARLA'S POV

Nang makita ko si Calvin na galit na galit, bigla nalang ako napaatras ng hindi ko namamalayan. Ganun sya nakakatakot.

Bakit? Bakit sya galit? Kanino? Saakin ba? At bakit sya basang basa? I know dahil sa ulan pero bakit? Natakpan ng curiousity ang kaninang takot na nararamdaman ko. Ganun din siguro ang nararamdaman ng aking mga classmates nang makita kong halos lahat sila, nakadungaw sa bintana at nakatingin sa lalaking nakasimangot. O baka gusto lang talaga nilang makichismis. Typical.

Nagulat nalang ang lahat nang tumakbo siya pababa. Susundan ko na sana siya nang tamang tama namang dumating ang class teacher namin at pinaupo na kami lahat.

"Where's Calvin?" Tanong ng english teacher.

Walang nagsalita.

Tumingin ako sa paligid, lahat sila nakatitig saken. Oh great.

"Ms. Almonte?"

"Uhmm. Bathroom?" Nanginig pa ang boses ko habang sumagot.

"Okay. I'll proceed on the discussion."

Hindi ako makapaniwalang naniwala siya saken. Old people. Lumingon ako kay Blake at nakita siyang nakangisi.

"What are you smirking about?" Mataray na tanong ko sa gwapong seatmate.

"Wala naman. You guys are very entertaining you know that?" Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi niya.

"Ang weird mo Blake." sabay ikot ng mata.

"I'll take that as a compliment." at humarap na siya sa matandang nagsasalita sa harap.

Biglang bumukas ang pinto at lumantad samen ang isang Calvin na nakasuot lang ng puting v-neck na t-shirt na kumukurba sa maganda niyang katawan. Fit eto sakanya kaya halos mabilang mo ang napakaganda niyang abs knowing na isa lamang siyang hamak na 17 year-old. Bumaba ng konti ang pants nya kaya sumisilip ang sexy boxer shorts sa kanyang bandang bewang.

Wow he's hot.

Mabilis kong binura sa isipan ko ang kung ano anong malisyosong bagay na pumapasok dito. What the hell Carla.

Kahit medyo relax na ang itsura niya, nakasimangot pa rin ito at mararamdaman mong naiirita pa rin siya kahit na pilit niya itong itinatago. Kung ano man ang reason reason, I really don't know. And I think I don't wanna know.

Umupo siya sa tabi ko nang walang kaabog-abog at tumingin sa likod.

"What?" Naiirita niyang tanong sa mga classmates kong nakatitig pa rin sakanya hanggang ngayon. Makalipas ang ilang segundo, napalitan ng ngisi ang nakasimangot niyang labi. "Like what you see?" sabay turo sa katawan niya.

Nag-blush ang ibang mga babae at kinilig naman ang iba. Ang mga lalaki naman sumimangot at ang iba umiling. Iiniisip siguro nila how much of a windbag Calvin is. Tiningnan ko sina Jose. Normell at Ber na nakatakip ang kamay sa bibig at pinipigilan ang tawa.

"Good morning Mr. Aquino. Are you done showing off your body to the class?"

Kitty Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon