CHAPTER16: "Sa susunod, ipaalala mo sakin na magsuot lage ng hair pin."

188 5 0
                                    

How can Blake be so brilliant? Hindi ko to naisip kaagad. Ngayon, hindi na ako nagsisisi na sinabi ko eto sa isang henyong tulad ni Blake Alvarez.

Hinihingal pa kami nang makarating sa tapat ng pinto ng org room.

Of course, saan ka lang ba makakahanap ng Red place? E di obviously, sa Red Room kung saan nagdedevelop ng mga films.

Of course din, it's locked. Kumuha ng paper clip si Blake mula sa bag niya at sinimulang sundot-sundutin ang key-hole. Kung gaano ka-henyo lumutas ng problema tong si Blake, ganun din siya ka ignorante pagdating sa mga ganitong bagay.

"Anong ginagawa mo Blake? Hindi mabubuksan ang pinto gamit yan. Hindi ka ba tinuruan sa mga ganitong bagay?" tinulak ko siya gamit ang bewang ko.

"Sorry naman at hindi ako tinuruang magbukas ng kandado gamit ang ibang bagay bukod sa SUSI, little miss secret agent."

"At inisip ko pa man ding isa kang henyo." Pinaikot niya ang mata niya.

"You should use..." Inalis ko ang isang hair pin sa buhok ko.

"..this." at sinimulang kalikutin ang lock. Pagkalipas ng ilang segundo, bumukas na ito.

"That's how you do it, Mr. Einstein." Halatang may yabang sa tono ng boses ko. Hindi ko akalaing kaya ko pang magjoke aa sitwasyong ganito. At least pinapakalma ako.

"Wow impressive. Sa susunod, ipaalala mo sakin na magsuot lage ng hair pin. Just in case."

"Bagay yun sayo." Pumasok kami sa loob nang dahan dahan. Pinili naming hiwag nang i-switch on ang ilaw baka makita kami ng mga janitor at teachers na late umuwi. Speaking of late, halos curfew nanaman ng jeep. Pero pangalawa lang yan sa problema ko ngayon. My focus is on this piece of shit who keeps on bugging my peaceful life.

Nang mahanap namin ang pinto papasok sa Red room, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ang madadatnan ko sa loob ng kuwartong yan? Ang salarin ba? Isa nanamang note? Or worse, a dead body? Kinilabutan ako iniimagine ko. Binuksan ni Blake ang pinto.

Dilim.

Pumasok kami bago isinara muli ang pinto. Swinitch namin ang red light.

Napapikit ako bago pa man din ako makakita ng kahit ano at napahigpit ang hawak sa braso ni Blake. I swear I can't do this. Hindi ako handa.

"Buksan mo ang mata mo Carla. Tingnan mo to." Inalis ni Blake ang kamay ko sa braso niya.

"Ayoko. Kung bangkay man yan, please ilabas mo nalang ako."

"Open your godamn eyes Carla at tingnan mo to!" Napilitan akong buksan ang aking mga mata at tingnan ang tinutukoy ni Blake.

Punong puno ng pira-pirasong pictures ang nakasabit sa sampayan kung saan isinasabit ang mga litratong dapat patuyuin, yun nga lang, hindi basa ang mga nakasabit ngayon. Who would do this trash?

"Look closer." Utos ni Blake. Tiningnan ko nga itong mabuti. Parang may nakasulat sa bawat punit na piraso ng litrato.

Saka lang ito nag-click sa utak ko.

Kung titingnan mabuti, mga piraso ito ng isang malaking litrato at merong nakasulat dito. Mababasa lang namin yun kung pagdudugtungin namin to na parang puzzle.

Kitty Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon