CHAPTER26: "Bakit ko kailangang magpanggap na bakla?!"

142 2 0
                                    

"I'm sorry, Calvin."

Tumingin siya sakin at halos matunaw ang puso ko. Grabe, hindi ko ineexpect na ganito ang magiging epekto sakin ng lalaking to. Kahit na nakakairita siya minsan.

"Sorry saan? Sa sampal o sa.. sa.." Biglang namula yung mukha niya.

"Sa sampal! Sorry sa sampal. Akala ko kasi joke nanaman yun e. Hindi mo naman ako masisisi di ba? Minsan tarantado ka kasi."

Yumuko siya at halatang nasaktan sa sinabi ko. Hinawakan ko kaagad ang balikat niya. "Pero minsan din naman sweet ka.." at binigyan ko siya ng pinaka sincere kong ngiti.

Inalis niya ang kamay ko sa kanyang balikat at inilipat sa kanyang dibdib. "Carla, subukan mong kumurot ng parte ng puso ko at kainin to. Siguradong magkakaroon ka ng diabetes sa sobrang sweet."

Natawa ako at kinurot ko nga siya.

"Ow! Kinurot nga?"

"Sinunod ko lang sinabi mo."

"So master mo nako ngayon?"

"Hmmm" Inilagay ko ang kamay ko sa aking baba at kunyari nagiisip. "No."

"O sige." Dumistansya siya sakin pero ilang segundo lang ang lumipas, lumuhod siya sa harapan ko. "Ikaw nalang ang master ko."

Shet bat ako kinikilig? Hindi dapat ako kiligin.

I can't help it!! Kinikilig talaga ako!

Hinila ko siya pabalik sa upuan. "Adik ka! Ano nangyari sayo bat ang cheesy cheesy mo?"

"Hinalikan mo kasi ako e."

Yun na nga. Hinalikan ko daw siya. Ang hindi niya alam, ang humalik sakanya ay ang pusang patay na patay sakanya.

Ang tanong: Ayoko nga ba ang ginawa nung pusa? Naiinis ba ako kasi ginawa niya yun? O mas naiinis ako kasi hindi ako ang nakaramdam ng halik niya?

"Ahem. Uhm." Tumalikod ako kay Calvin at kinatok ang bintana. Baka banatan ko siya ng round two nang wala sa oras nako. "Guys. Buksan niyo na to. Bati na kami, okay. Naguusap na kami."

Binuksan ni Jose yung bintana at ipinasok ang ulo niya. "Sigurado? Baka naman nagpapanggap lang kayo ha."

Lumapit sakanya si Calvin at inipit ang ulo nito sa bintana. "Pag hindi mo binuksan to, pati ulo mo makukulong sa loob."

"Ow! Ow! Mel! Blake! Buksan- nyo- na! dali!"

Agad agad namang binuksan nina Normell ang pinto.

"Kailangan gumamit ng dahas?" Sigaw ni kalbo nang bitawan ni Calvin ang ulo niya.

"Alam niyo ba kung gaano kainit sa loob?"

Nakapagpaalam na kami kay Reanne at sa mga magulang niya at humingi na rin kami ng pasensya sa kalat na dulot kagabi.

At dahil nga hindi ko iniimik si Calvin, sinet-up nila kami at napagdesisiyunan nilang ikulong kami sa van bago kami umuwi para makapagusap nang maayos.

Isa isa nang pumasok ang mga ungas kong kaibigan sa sasakyan. "Pakipot effect pa kasi tong si Carla e. Sasagutin din pala si Ck." Nakangiting sabi ni Ber.

Pinagulong ko lang ang mga mata ko. "Sinong may sabing sinagot ko na si Calvin?"

"Kami." parang syncronized singing lang ni sabay pa silang nagsalita.

Kitty Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon