CHAPTER14: "Kung zombie man ako, hindi kita susugudin wala ka namang utak."

208 6 4
                                    

Hindi ako nakatulog.

Hello? Ikaw ba naman ang makatanggap ng note na ganun ka creepy, pustahan tayo kung hindi ka ma paranoid buong magdamag.

So pagsapit ng kinaumagahan, hindi nakalagpas ang ebidensya ng puyat ko sa mga metikuloso kong kaibigan.

"You look like shit."

"Magandang umaga din sayo, Ber."

Eto ang unang bati sakin sa pinto ng classroom ko? Nice. Wala akong lakas para mag explain kaya dumerecho na ako kaagad sa upuan ko.

"You look like shit." Tiningnan ko ng masama ang nerd kong seatmate. Pati ba naman si Blake? Maya maya pa, tumabi si Ber kay Blake kasama na si Normell. Tiningnan niya lang ako na parang lalabas ang mga mata at nakanganga.

"Seriously guys? Hindi naman ako ganun kalala." Pinaikot ko ang mata ko at kinuha ang mini mirror sa bag. Nang tiningnan ko ang sarili sa maliit na salamin sabay naman ang sigaw ng bagong dating na kalbo sa harapan ko.

"Aaaahh Zombie attack!!!"

Binatukan ko siya sa ulo para tumahimik.

"Ow. Para saan yun?!"

"Ang OA mo Jose!" Sigaw ko.

"E sa natakot nga e. Ano ba nangyari sayo? You look like shit."

"Strike three. Tsaka kung zombie man ako, hindi kita susugudin dahil wala ka namang utak." habang nakapikit at mina-massage ang ulo.

"Ooooh Buuurn" Sigaw ni Normell at Blake. Bumungisngis lang si Ber.

"Ang sama mo Carly. At least ako, may puso. Hindi tulad mo. You hurt my feelings." kunyari umiiyak ang gago at pilit yumayakap kay Normell, binatukan lang siya ni Ber.

"Pwede bang tantanan mo muna ako. Wala akong tulog, yun lang."

Nakataas ang mga kilay nila na tila nagiisip kung maniniwala saken o hindi. Thanks to our english teacher for the perfect timing, pumasok ito kasabay si Calvin na mukhang naghihingalong pusa. Hindi na nakapagsalita pa ang mga ungas at pumunta na sa sarili nilang mga upuan.

Tiningnan ako ni Calvin na nakataas ang isang kilay. "Anong nangyari sayo? You look like-"

"Shit. I know. Hindi niyo na kailangang ulit ulitin." Argh isa pa to. What's with shit today? Do I really look that bad? Ni hindi ko nga nakita ang sarili ko sa salamin dahil sa maingay na kalbong yun.

"Poop." Sabi niya. Oo nga pala, kausap ko pala si Calvin.

"Anong poop?" Tanong ko.

"You look like poop." Sabi niya habang naka-smile. Saka lang nag sink-in ang sinabi niya.

"PAREHO LANG YUN E!" Napasigaw ako sa sobrang inis.

 "SSSSSHHHHH!" Saka ko lang na-realize na nakatingin na pala samin ang aming teacher at ang buong klase.

Gusto kong lumubog nalang sa kinauupuan ko. Thanks a lot jackass.

_____________

Sa wakas natapos ang isang buong araw ng klase at kahit sandali lang, na distract ang attention ko papunta sa school mula sa natanggap kong "note". I need to tell this to someone. Kailangan ko ng tulong please lang, matotorete na talaga ako. Isang tao lang naman ang nakakaalam nito e. Blake.

Kitty Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon