CHAPTER27: "Oo nga! Hindi lahat may love life no!"

127 2 0
                                    

DECEMBER

"Paano ba yan guys, una na kami?" Hinila ni Calvin ang kamay ko.

"Teka, teka, teka, sino naman may sabing aalis na tayo?" Halos kakalabas lang namin ng classroom at on the way na sa cafeteria para sa lunch break.

Bumulong si Calvin saken. "May pupuntahan tayo Carla. Nakalimutan mo na ba?"

"Wala akong matandaan."

"Gusto mo ipaalala ko sayo?"

"Pano-" Hinawakan niya ang baba ko at unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin.

Pero bago pa man din magkadikit ang aming mga mukha, nakatanggap muna siya ng pitik sa noo.

"Ow!"

"Ow ka jan! Anong ginagawa mo?!"

"Sabi mo ipaalala ko sayo!"

Pumunta si Ber sa gitna namin. "Pwede ba, kung magp-PDA kayo, wag sa hallway?"

"Oo nga! Hindi lahat may love life no!" Sugaw ni Jose sabay akbay kay Normell.

"Hoy kalbo, may love life na yan. Bitaw. Bitaw." Sabay hampas ng pamaypay sa kawawang kalbo.

Kinuha nanaman ni Calvin ang mga kamay ko. "Hindi ka ba titigil hangga't hindi mo nahahawakan ang kamay ko?"

"Hindi. Nag-perla ka ba?"

"Huh?"

"Ang lambot eh" At sabay higpit sa pagkakahawak. Hindi ko alam kung maiinis ako oh kikiligin pero ang sumunod kong narinig ay siguradong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Every. Single. Time.

"Carla?"

Binitawan ko kaagad ang kamay ni Calvin na tila nakuryente.

"Clyde."

Tiningnan ko ang mga barkada ko at lahat sila nakatingin kay Calvin. At nang tingnan ko nga ang lakaking nagmamayari ng atensyon nila, parang nadurog ang puso ko.

Tinitingnan niya ang kamay niya at parang tinapakan ko ang buong pagkatao niya.

"Kumusta ka na?" Nakangiti si Clyde habang unti unting lumalapit sakin.

"Uhm. Uh.. Okay lang naman. Ikaw?" Parang tanga yung mga kaibigan ko. Nakahilera sila sa gilid at kapag may nagsasalita, sinusundan din nila ito ng tingin.

"Okay lang din. Bat hindi pa kayo nagla-lunch?"

"Uhh.. Pa- Papunta na kami, actually. Di ba guys?" Tiningnan ko sila pero imbis na sakin tumingin, kay Calvin nanaman sila humarap.

"Okay. Tara sabay na tayo." Yaya niya habang nakangiti. Gosh bakit mo kailangang ngumiti?

Sasagot na sana ako kaso inunahan na ako ni Calvin.

"May pupuntahan kami ni Carla."

Tumingin si Clyde sakin na parang nagtatanong kung totoo nga.

"Uh.." Shit ano ano ano. Gusto kong sumama kay Calvin pero si Clyde? Oh craaaaap.

Tumingin ako sa mga kabarkada ko para humingi ng tulong pero ang mga walang silbi kong kaibigan, sinasadyang umiiwas ng tingin.

Nang mapansin ni Calvin na hindi ako makasagot, napapikit ito at tumalikod sameng lahat. "Ako lang pala." At tumakbo siya pababa.

Shet. Biglang nag panick-mode ang puso ko.

Kitty Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon