CHAPTER31: "Dalawang buwan palang nakalimutan mo na, Mars Ravelo Presents?!"

147 3 0
                                    

FEBRUARY

It's been 2 months.

Dalawang buwan na akong namamalagi dito sa Maynila pero feeling ko para akong dayuhan sa sarili kong siyudad.

Wala na si Stacy so I have my new set of friends. Gumigimik ako, pumupunta sa malls, hang-out, night-out. Lahat ng na-miss ko sa lungsod nagagawa ko nang muli ngayon.

Pero bakit ganun? Kahit anong pilit ko sa sarili ko na kalimutan ang mga kaibigan ko sa probinsya, parati ko silang naaalala.

Pag nakakapanood ako ng sports, naaalala ko si Normell at ang panonood namin ng games niya.

Hindi naman nawawala sa utak ko ang nakakatawang mukha ni Jose tuwing nakakakita ako ng kalbo. Tinatawag na nga akong shunga ng mga kasama ko kasi ngumingiti daw ako magisa.

Kapag may nakasuot ng hipster glasses, si Reanne naman ang lageng sumusulpot sa utak ko. Lalo na pag chubby at may dalang libro.

At ang tawa ni Ber. Ang malakas at nakakahawang tawa niya ang nagpapaalala sakin everytime na mag humahalklak ng malakas. Hindi nga ako makapaniwala na parang nagiging kagaya bila si Ber sa tuwing may tumatawa. Plus, pag may nakita akong lovers na naglalakad at nagPPDA, sila ni Norms ang napipicture ng utak ko.

At lalong lalo na si Blake. Sa tuwing nakakakita ako ng nerd na babakla bakla, si Blake na kaagad ang naaalala ko. Unfortunately, ang pinakamatalino namin sa klase, kamukhang kamuha ni Blake. Kaya never ko siyang nakalimutan.

Gosh I miss them so much.

Calvin.

Masakit isipin na pati si Calvin naaalala ko.

Gabi-gabi.

Parang nakadikit sa unan ko ang amoy niya. Yung ngiti nya, parang nakapinta sa utak ko. Kahit anong pilit kong pag distract sa sarili, wala pa ring epekto.

Gawd, I need help.

Nagulat ako nang may biglang katok sa pinto ko. "Carla? May phone call para sayo."

"Yes po mama. Andiyan na." Ha? What a surprise. Sino naman ang tatawag sakin in a sunday morning. Inpossibleng classmates ko eh alam naman nila ang cellphone number ko.

Pagkababa sa sala, dinampot ko ang naka-hang na telepono. "Hello?"

"Pwede na ba ang dalawang buwan para mapagisip-isip na di mo kayang wala kami sa buhay mo?" Bumilis ang tibok ng puso ko sa boses na narinig. Paano nila nalaman ang number namin sa bahay?

"Kung tinatanong mo sa sarili mo kung paano namin nakuha ang phone number ninyo sa bahay, pwes hiningi namin kay lolo Pedro."

"Impossibleng binigay ni lolo Pedro ang number namin sa hindi niya kilala, Blake. Paano nga?"

"Dalawang buwan palang nakalimutan mo na, Mars Ravelo Presents?!" Bigla kong naaalala na pinakilala ko nga pala si Blake minsan sa dalawang matanda as Blair. Napa-iling ako sa memorya.

"Okay fine, BLAIR. Pero ano ka ba, bakit ka pa tumawag? Hinding hindi na ako babalik diyan. Huwag na kayong umasa. Nasasaktan din ako no"

"Talaga? Hindi ka talaga uuwi kahit anong dahilan?"

"Oo Blake. Buo na ang desisyon ko. Alam ko na yang style mo. Gagamitin mo lang si Calvin para bumalik ako. Sinasabi ko na ngayon. Huwag mo nang sayangin ang effort mo-"

"Break na sina Normell at Bernice."

Mga ilang segundo pa prinocess ng utak ko yung sinabi ni Blake. Nang mag sink-in.. "ANO?!"

Kitty Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon