Kabanata 20Three Days
I can't believe my brother is here. Halos hindi maiproseso ng utak ko na nandito siya sa probinsya at nasa loob ng bahay. Naroon din sina Jasiel na nakaupo sa sofa at si Roshan na nakatayo't nakasandal sa hamba ng pinto at medyo seryoso.
They all looked at me. Para bang kanina pa nila ako hinihintay.
"Gising ka na pala, iha. Nandito ang kapatid mo," sabi ni Lola Esther.
Tumayo si Kuya Kendrick at sumilay ang ngiti sa labi niya. Nang naglakad na siya, halos takbuhin ko na ang direksyon niya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.
"Kuya," I whispered with my tears falling from my eyes.
I can feel their stares at us, but we didn't mind them at all. Sobrang saya ko na makita ulit si Kuya matapos ang tatlong buwan at nandito siya para sa akin. Marahan niyang hinagod ang likod ko para tumahan ako.
"I'm so glad to see you safe," humiwalay siya sa pagkakayakap at pinunasan ang luha ko. "Kamusta ka na? Pasensya na kung hindi agad ako nakapunta rito."
"It's fine, Kuya. You don't have to worry so much for me dahil maayos ako rito kasama nila."
My brother hugged me again like it's saying that he missed me so much. Sa pagkakayakap, lumipat ang tingin ko kay Roshan na nakatingin sa akin at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa. Both sides of his lips rose, showing me that he's happy for me.
"Ang mabuti pa, iwan muna natin sila para makapag-usap. I'm sure they have a lot of things to talk about. They surely missed each other as well," sambit ni Mang Thaddeus nang humiwalay na kami sa yakap.
"Pwede kayo roon sa veranda na mag-usap kung gusto niyo ng privacy," dagdag ni Lola Esther.
"Sige po..." sagot ni Kuya.
Inalalayan ni Mang Thaddeus si Lola Esther na tumayo. Lumapit sa akin si Jasiel.
"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka, Soleia," nakangiting sabi ni Jasiel habang karga si Panda sa kanyang bisig.
I nodded. "Thank you."
Nagkatingnan sina Kuya Kendrick at Roshan. My brother smiled at him as he nodded.
"Salamat," malumanay na sambit ni Kuya sa kanya.
Tipid na ngumiti si Roshan. "Walang anuman."
I was looking at him. I was expecting he'll look at me, too, but he didn't. Iniwan na niya kaming dalawa.
May isang cup na hindi pa ubos na kape at tinapay na may palaman na peanut butter sa center table. Halatang inihain iyon para kay Kuya Kendrick at mukhang kanina pa siya rito.
Napili namin sa veranda na mag-usap at umupo kami sa wooden chair. Nasa labas ng gate ang kanyang black Chevy Silverado. Makulimlim pa rin ang kalangitan pero humina na ang ulan kahit papaano. It's a gloomy afternoon pero hindi iyon hadlang para puntahan ako rito ni Kuya.
"It's nice to see you here, Kuya," I uttered in relief. Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka rito? Sana tinawagan mo ako kagabi para nakapaghanda man lang ako!"
He's wearing his usual casual clothes. Buti na lang at hindi semi business attire because he'll only intimidate the people here.
"Hindi ko na nasabi sa'yo dahil nasay biyahe ako. I traveled for hours alone at hindi ko aakalaing ganito ka kalayo sa amin. Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo. It's been a while since the last time I saw you sleeping peacefully..."
I smiled weakly as I looked at my feet. Kapag naalala ko ang mga gabing iyon, pakiramdam ko bumabalik ako sa mga sandaling iyon. Mentally. Kahit nasa bahay ako o sa hotel na maraming bodyguards, pakiramdam ko hindi pa rin ako mapakali. Because I feel like anytime, that person will show up and kill me.
![](https://img.wattpad.com/cover/234405884-288-k741089.jpg)
BINABASA MO ANG
After Our Unlucky Getaway (Haciendera Series #3)
RomanceNot your typical rich girl from Manila, Soleia Anniston Enriquez almost has it all. From riches, an heiress of their family's company, party-goer and beauty. Pero sa likod ng lahat na iyon, hindi alam ng lahat na may kinikimkim siyang takot. She kep...