Kabanata 33

162 5 0
                                    

Kabanata 33

Why

After what Arvo told me about everything that happened in the past when we were still together while Aysel was betraying me. I thought this was just a dream. I never thought I had a friend who's a... criminal.

Naliwanagan ako sa mga bagay tungkol sa kanila. Kung titingnan silang dalawa, they looked okay and seemed enjoying their company like they always did. Pero ang hindi ko alam, napunta sa alanganing sitwasyon si Arvo dahil kinontrol siya ni Aysel. He was having a hard time and almost got depressed.

"I told her to stop so many times. Pero ayaw niya dahil ang sabi niya'y mahal na mahal niya ako. That she was fine in our set up kahit na may relasyon tayo noon. But she showed me our video again na isang click lang ay ipagkakalat niya. Wala siyang pakialam kung masira ang pagkakaibigan niyo at magiging masaya pa siya na maghihiwalay tayo kapag nakita mo ang video."

"That fucking bitch..." I murmured.

Napakuyom ako ng kamay sa labis na galit at dismaya. Nagkamali ako ng pagkakakilala kay Aysel. She's two-faced. Kind-looking and sweet on the outside, but on the inside, she's rotten, insecure and she was hidding ill-gotten feelings for me.

Arvo is seating on the one-seater sofa while I'm on the vacant sofa on his side. From time to time, he kept on scratching his palm. His eyes are a bit bloodshot and lifeless.

"For once, I never had any feelings for her. I couldn't look at Aysel the same way I look at you. I might be a big jerk for you, but hell knows I was loyal to you."

Hindi ko siya binalingan.

"Sana sinabi mo sa'kin. You're a victim, Arvo.   Idinemanda mo sana noon pa!"

"Pero paano? Natakot ako na masira tayong dalawa! Nasisiraan na siya ng bait na kaya niyang masira tayong dalawa sa pansariling interes niya," aniya.

Napasakit isipin na sa pagiging mabuti namin sa kanya ay nagawa niyang sirain ang pagkakaibigan namin. Ang hirap tanggapin.

"Wala akong alam sa pagbabanta sa buhay mo noong mga panahon na iyon. I swear, Soleia. Ngayong nalaman na natin ang totoo, mas lumala ang galit ko sa kanya. At kung nalaman ko man noon pa, nilakasan ko na ang loob kong kasuhan siya sa lahat ng krimen niya," seryosong sambit niya sa'kin. 

"Even if she'd spread the video?" sumeryoso rin ako. "Kahit na masira ang reputasyon mo gaya ng ikinatatakutan mo?"

Saglit siyang natahimik. Pero sumeryoso ulit.

"I don't care of that damn video. Kung ang dapat na gawin sa kanya ay makulong, gagawin ko. Mapapatay ko siya kapag nahuli at nakita ko siya."

Sa lagay na ito, wala nang idedepensa si Aysel.
She ruined our lives. I want her to rot in jail.

Nakapagdesisyon na si Arvo na idemanda si Aysel sa ginawa nito noon. Nasabi na niya rin kina Tito at Tita at sobra silang nanlumo sa dinanas ng solong anak nila. Agad silang lumapit sa mga awtoridad para ipaalam ito kaya mas bumigat ang kasong hinaharap ni Aysel.

Halos tahimik ako sa bahay kahit na may mga kasama ako rito na pwede kong makausap. Mom gives me everything except for the freedom to roam outside. Hindi ako lumalabas hanggang hindi pa maayos ang lahat.

"Have you considered taking a vacation?" Kuya Ken asked me. 

My family is here, including Kuya Ken's family. Papalubog na ang araw at nasa likod kami ng bahay. Kuya Ken's and Ate Amora's child is swimming in our inifinity pool. Binabantayan siya ng kanyang personal nanny.

Mom is busy barbequing while Papa is inside the mansion, doing some important matters related to our hotel. Nasa iisang table kami nina Kuya Ken at ni Ate Amora.

After Our Unlucky Getaway (Haciendera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon