Kabanata 23

180 7 0
                                    

Kabanata 23

Cheers

Hinintay ko na matuyo ang katawan ni Panda bago ko siya kunin. Inamoy ko siya at naamoy ko ang mabangong local shampoo na ginamit sa kanya ni Roshan. Panda looked more clean than before. tama nga si Roshan na mukhang dugyot ito kanina.

I placed him on my lap and then caressed his head gently. Agad siyang napapikit at humiga, halatang gustong matulog. You're getting more sleepy, hmm?

Sa kalagitnaan ng paghahaplos ko sa pusa, napansin ko ang pag-uusap nina Jasiel at Roshan. Their voicies were low that I couldn't hear it anymore at medyo malayo sila sa'kin. I wonder what they are talking about.

"Magiging maayos ka ba rito? Aalis kami ni Jasiel at may pupuntahan," sambit ni Roshan pagkalapit sa'kin.

"Saan kayo pupunta? Pwede ba akong sumama?"

Nagkatinginan sila ni Jasiel. Para bang nag-aalangan sila sa magiging sagot nila. Nilipat ni Jasiel ang tingin sa'kin.

"Dito ka na lang sa bahay para may kalaro si Panda. Isa pa, hindi naman importante ang pupuntahan namin at hindi kami magtatagal doon," he said with a convincing smile.

"Oh. Okay..." nakaramdam ako ng kaonting hiya.

Sa kagustuhan kong sulitin ang bawat sandali rito bago ako umalis, pati sariling gala ng magkapatid ay nai-invade ko na rin. I think it's too much. Parang kulit ko tuloy.

"Iiwan ko ang cellphone ko para kung sakaling gusto mong kausapin ang kapatid mo. Malakas ang signal sa bakuran at sa tree house."

He took out his phone from his pocket and then gave it to me. Umiwas ng tingin sa'min si Jasiel at napasipol.

"Salamat," sabi ko na may ngiti sa labi.

Umalis ang dalawa na sakay ang motor. I let go of Panda at nilagay siya sa sofa para matulog. Dala ang phone ni Roshan, pumunta ako sa tree house para tawagan si Kuya Kendrick. May tatlong bars ng signal at pwede na ito. Nakadalawa akong tawag bago niya ito sagutin.

"Oh, Roshan. Napatawag ka..." sabi ni Kuya Ken sa kabilang linya.

"It's me, Kuya..."

"Oh! Sorry. I thought it was him," he chuckled. "What is it? Pasensya na kung hindi ko agad nasagot dahil naligo ako. May kailangan ka ba? May nangyari ba riyan?" halata ang pag-alala sa boses ni Kuya.

"Chill, Kuya," I chuckled. "Kapag ba tumawag ako ay palaging may kailangan ako sa'yo?"

I heard his deep chuckle.

"Sorry. I thought you really need something. Kasi agad naman akong pupunta riyan para ibigay sa'yo. Bakit ka nga napatawag?" malumanay niyang sabi.

"Nothing," I picked a leaf from the manggo tree near my area. Pinunit ito ng pira piraso.

"Nalulungkot ka ba riyan?" he sighed. "Don't worry. Makakauwi ka na rin sa'tin. We'll go home soon, alright?"

Tipid akong napangiti. Sa pwesto ko ay natanaw ko ang hardin, tiniman ng ilang gulay ni Lola Esther at ang mga alagang manok, itik at matatas na puno at ang bundok. This serene place became my second home. My temporary comfort...

"Maraming salamat sa lahat, Kuya Ken. Kung wala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko sa lahat ng nangyayari sa'kin."

"We're doing all of this for you, Soleia. Kasi mahal ka namin nina Mom at Dad," aniya. "Anyway, have you prepared your things sa pag-alis natin?"

Hindi pa ako nakapaghanda. Actually, I still not in the mood. I'm not yet ready. Kahit ayaw ko man, pilit sa'kin pinapakita ng reyalidad at ng bawat araw na lumipas ang pag-alis ko. And that hurts me deep inside.

After Our Unlucky Getaway (Haciendera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon