Kabanata 27
Smile
Parang napako ang tingin ko sa kanya. Roshan's lips curved for a smile, but his gaze, there was something foreign. Para bang... hindi niya ako nakikilala habang ako rito sa harap niya ay gulat na makita siya ulit matapos ang mahabang panahon.
I cleared my throat and smiled at him. "Soleia Anniston Enriquez. Nice to... meet you, our newly hired General Manager."
I looked at his large hand in front of me. As we shook our hands, I felt the roughness of his palm. Para bang ang dami niyang trabahong ginawa noon. Siya ang unang nagbitaw at agad nag-iwas ng tingin sa'kin para ibaling ang atensyon kay Papa.
"Mr. Enriquez, I'm here to give you the daily business report of the overall activities in the last 24 hours. I also included our guests' requests, feedback, and some complaints," his expression turned a bit serious.
Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang isang folder at binigay iyon kay Papa. I was too focused in his presence kaya hindi ko napansin ang ibang bagay dito.
Umiwas ako ng tingin at humarap sa ibang direksyon. Halos ipikit ko ang mga mata dahil sa kahihiyan. I'm sure he heard everything I said about him! Ano kaya ang iniisip niya sa'kin ngayon? Is he the same Roshan I knew eight years ago na medyo mapanglait?
"Very good. We'll have a meeting this afternoon with the other executives and investors in the conference room. Three in the afternoon."
Roshan nodded. "I'll be there, Sir."
"I hope you'll join us, Soleia. This is your first meeting after a month of staying in Cebu for the renovation."
Binalik ko ang tingin sa kanila. My father and Roshan are staring at me and waiting for my response.
"Yes... Uh... S-Sure! I have a vacant time."
"Good. Please add it to her schedule this afternoon, Patrick, para hindi niya makalimutan."
"Opo, Sir!" sagot ni Patrick sa tabi ko at sinulat sa kanyang notes.
Tumingin ulit ako kay Roshan na hindi nakatingin sa akin. I want to talk to him. Pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Can my confidence take his intense aura?
"Aalis na po ako, Mr. Enriquez," sambit ni Roshan.
"Oh! Okay. You may go," si Papa na abala sa pagtingin sa daily report na gawa ni Roshan.
He glanced at Patrick with a small smile. Nang nilipat niya ang tingin sa'kin ay parang naging concious ako sa sarili. Tipid siyang ngumiti bago umalis sa opisina. Tsaka lang ako nakahingang mabuti.
Parang wala na akong nagawa at hindi ko na naipaglaban ang kagustuhan kong maghandle ng mga plano sa hotel and resort namin sa Cebu. Lumabas na kami ni Patrick sa opisina at sinundan ang mabagal kong paglakad.
"Gosh, he's still intimidating," I murmured. "No. I think he became more intimidating than before."
"Intimidating ako, Miss Soleia? Weh? 'Di nga?" sabi ni Patrick.
He's the new general manager of our hotel. But... I was expecting our newly hired general manager is older! Like in his mid-forties!
"Bakit siya ang na-hire na bagong General Manager natin?" kuryuso kong tanong.
"Hindi ko po alam. I think it would be better kung tatanungin natin sa Human Resource Department."
I knew our hotel has high standards when it comes to hiring high positioned employees. Kadalasan sa mga managerial positions namin ay nasa forties na dahil marami na silang experience. Pero si Roshan... How did he make this far?
BINABASA MO ANG
After Our Unlucky Getaway (Haciendera Series #3)
RomanceNot your typical rich girl from Manila, Soleia Anniston Enriquez almost has it all. From riches, an heiress of their family's company, party-goer and beauty. Pero sa likod ng lahat na iyon, hindi alam ng lahat na may kinikimkim siyang takot. She kep...