Kabanata 37
Hacienda
Roshan's gaze remained on me while I was smiling and hoping he'd allow me. Nabigla ko yata siya. Wala namang masama kung dito ako magbabakasyon dito sa Calabanga kasama siya.
"Ibig sabihin, dito ka tutuloy sa amin? Matutulog ka rito kasama namin?"
Namin? I thought he's alone. Ibig sabihin may kasama siya. Si Lola Esther ba at ang Papa niya?Tumango ako.
"If it's okay to you. Pero kung may iba kang pinagkakaabalahan dito, huwag na lang. Magche-check in na lang ako sa hotel ngayon sa Naga para sa matutuluyan ko," medyo lumungkot ang boses ko.
Really, Soleia? Kaya ka nga umalis sa Manila pansamantala para makapagbakasyon sa maingay na syudad tapos magchecheck in ka lang naman sa hotel na nasa syudad pa rin? Naglolokohan tayo rito, ah.
"Para sa'kin, ayos lang," sagot niya. "Magpapaalam pa rin ako kay Lola."
Sumubo ulit ako ng pagkain. As I chew my food, I took my time to see every piece of furniture and other things here in their dining area. Hanggang ngayon ay napakasimple pa rin ng buhay dito. Nasa harap ko lang si Roshan at pinapanood akong kumain.
"Wala pa ring pinagbago ang bahay niyo. It still looks like home, like how I felt eight years ago. Si Lola Esther, nandito ba? Kamusta na siya? I want to see her," excited kong sabi at tumingin sa kanya.
It's been eight years since the last time I saw Roshan's grandmother. Sa kanya na rin ako magpapaalam kung pwede rito sa kanila magbakasyon kahit ilang araw lang. Parang ang dami kong ikukwento sa kanya! Oh, I can't wait to see her again!
I was expecting Roshan would be excited for me as well. Pero tipid lang siyang ngumiti.
Tumango siya. "Pero hindi muna siya pwedeng istorbohin. Ang totoo niyan, kakauwi lang namin galing ospital."
Natigilan ako sa narinig. "Anong nangyari kay Lola?"
"She has osteoporosis and diabetes. Matagal na ang kanyang kondisyon pero lumala ngayon dahil tumatanda na siya. Hindi na babalik ang dating sigla niya noon at hindi na pwedeng mapagod," matamlay na sagot ni Roshan.
Hindi ako nakapagsalita. Alam kong normal na sa matatanda ang pagkakasakit pero ang sakit at nakakalungkot pa ring isipin. At kay Roshan pa galing iyon.
"Where is she? Nasa kwarto ba?"
The next thing I knew, we were in front of Lola Esther's room. He opened the door gently then I saw her lying on her soft bed. Natutulog siya nang mahimbing at medyo nanghihina.
Lumapit kami nang tahimik kaya mas nakita ko siya sa malapitan. She looked older and her hair is all white now. Sa katabing mesa ay naroon ang kanyang mga gamot at isang basong tubig. May wheel chair sa paanan ng kanyang kama. May kumurot sa puso ko nang ganitong sitwasyon ko pa siya makikita matapos ang mahabang panahon.
"She's taking her medicine and maintenance for her diabetes. Dala na rin ng katandaan kaya nagkakasakit na. Isinugod na sa ospital dahil sobrang sakit na raw ng likod niya," sabi ni Roshan sa tabi ko.
"Sinong nag-aalaga sa kanya rito habang nandoon kayo sa Manila?" mahina kong tanong.
"We hired someone who will take care of her. Pinauwi ko muna sa kanila para makapagpahinga, tutal nandito rin ako para alagaan siya..."
Lumabas na kami sa kwarto para hindi namin siya maistorbo at dito na lang sa kanilang veranda mag-usap. Umupo kami sa upuang gawa sa kahoy na harap ang kanilang hardin. Ang payapa at tahimik dito pero nang malaman ko ang sitwasyon ni Lola, parang naging malungkot ang ere ng kabahayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/234405884-288-k741089.jpg)
BINABASA MO ANG
After Our Unlucky Getaway (Haciendera Series #3)
RomanceNot your typical rich girl from Manila, Soleia Anniston Enriquez almost has it all. From riches, an heiress of their family's company, party-goer and beauty. Pero sa likod ng lahat na iyon, hindi alam ng lahat na may kinikimkim siyang takot. She kep...