Kabanata 21

181 6 0
                                    


Kabanata 21

Want

When I was little, my parents gave me everything what I want. At kahit ngayong malaki na ako. Any school where I want to enroll... the high-maintenanced lifestyle... Mom doesn't want a simple life for me and my brother. So I got used to it.

Pati na rin siguro sa mga dapat kong maging kaibigan, Mom decides it for me. And Arvo as well because they think I deserve him. Sinunod ko iyon dahil sa tingin ko... they want the best for me.

Pero ngayong nandito ako sa malayong probinsya.... malayo sa buhay na mayroon ako, marami akong tanong sa isip. Are my friends true to me? Do I really deserve Arvo like Mom said? Is it wrong to live in a lowly life? Everything what Mom said to me were all wrong.

This lowly life she talked about... I liked it. This is where I feel like home. And I love it.

"Ang sarap ng pagkakaluto mo, Roshan," Mang Thaddeus complimented his son. "Your cookong skills are improving."

"Baka magkaroon na sa pamilya natin ng chef! Naku! Hindi na ako makapaghintay!" excited na sabi ni Lola.

Napangiti ako. And I agree with that. Roshan cooked medium rare beef steak for the first time. Gusto niya raw subukan kaya bumili siya ng mga ingredients na kailangan gamit ang kanyang ipon. Me and Jasiel watched him do it and we are impressed.

"Hindi pa po ako sigurado riyan, Lola," Rosh humbly responded as he sliced the beef.

"Just take your time in choosing your career. No pressure. There are a lot of career opportinities in your chosen hospitality management course," his father paused. "Do you want to..." 

Roshan seems to know what his father trying to say. Napatingin siya sa kanya at tipid na ngumiti.

"No, Pa. Ayokong umasa sa kanila. Kaya ko namang maghanap ng trabaho nang walang tulong nila," malumanay na sabi ni Rosh.

Tumango lamang ang kanyang Papa at uminom ng tubig.

"Gusto mo pa ba, Soleia?" sabi ni Jasiel na katabi ko. "Kain ka lang riyan. Huwag kang mahiya."

"Salamat, Jasiel, pero tama na.

"Gusto kitang tumaba. I think you're cute when your cheeks are chubby," aniya at pabirong kinurot ang pisngi ko. 

"Ayokong tumaba, ha!"

Nakita ko ang pagngisi si Roshan habang ngumunguya. Sinamaan ko ng tingin ang dalawang ulupong. Inaamin kong napaparami ang kain ko rito sa kanila kaysa noong nandoon ako sa amin! I think I'm gaining belly fat! Huhu.

"Iha, nasabi sa'min ng kapatid mo na uuwi ka na raw sa Manila. Sa lalong madaling panahon," sabi ni Lola. "Hindi mo raw ito alam..."

Napatingin ako kay Roshan at wala na ang mapang-asar na ngisi niya. He looked away then concentrated on his food. Kung titingnan siya, parang walang maling ginawa.

Yes, po. Opo. Wala po akong alam dahil nilihim sa'kin ng panganay niyong apo!

"Opo. Sa una, hindi ako pumayag dahil sa tingin ko, masyadong padalos-dalos. Sa totoo lang po, ayaw kong umalis dito sa inyo. Gusto ko pa kayong makasama..."

Napangiti sina Lola Esther at Mang Thaddeus. Narinig ko ang pagsabi ni Jasiel ng 'aww' at hinampas pa ang braso nang pabiro.

"Tinunaw mo naman ang puso ko, Soleia. Syempre, ayaw mong umalis kasi nandito ako. You'll miss me," confident na sabi ni Jasiel.

Napangiwi ako pero sa huli ay natawa ako. Inasar siya ng kanyang Papa. Oh, how could I leave this jolly and playful Jasiel?

"Pero nakapagdesisyon na po ako," I said after I sighed. "Sasama na po ako kay Kuya Kendrick. Uuwi na po ako sa amin."

After Our Unlucky Getaway (Haciendera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon