Kabanata 28
Ban
I couldn't remove my gaze at Roshan as he stared at me with amusement in his eyes. My mind almost went blank, and I couldn't utter a single word in front of him.
Hinampas ko nang malakas ang braso niya. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Gago ka!" tumaas ang boses ko.
"Gago... ako? Anong ginawa ko?" lito niyang sabi.
Nakita ko ang pag-amba na lalapitan kami ng mga bodyguards ko at ang seryosong tingin nila kay Roshan. I stopped them and told them 'it's okay'. Akala nila inaano ako!
"Kung naaalala mo pa rin ako, bakit hindi mo ako nilapitan kaagad nang makita ako? You talked to me in the meeting andat my father's as if you never met me before. And how you called me Ms. Enriquez... Pinagtitripan mo ba ako?" halos pagalit kong sabi sa kanya.
"Tinawag kita sa ganoong paraan dahil nasa trabaho tayo. I must be professional when I'm at work and in front of your father. I'm sorry if I made you misinterpret my actions."
Inirapan ko siya. "Nakakainis ka. Akala ko... Akala ko tuloy..."
"Akala mo hindi kita naaalala," nakangisi niyang sabi. "Ano ang gagawin mo kung sakali? Sasalubungin mo ako ng yakap?"
"Oo!" agad kong sabi. "Because I missed you!"
Napatitig siya sa'kin at halatang medyo natigilan sa sinabi ko. He chuckled. Ang honest ko naman yata ngayon.
"I'd be a liar if I won't admit that I missed you, too."
Hindi ko na napigilang ngumiti sa sinabi niya. It feels so real and like a dream to talk to him again like this after so many years. We have so many things to catch up on and talk about in the past years and I can't wait to hear all of them from him.
Sumilay ang ngiti sa labi ko pagkapasok sa condo unit ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko matapos naming mag-usap ni Roshan. It was short but a worthwhile conversation with him.
Hindi kami sobrang nagtagal sa pag-uusap. Gusto ko pa sana siyang makausap pero tumanggi na at sabi ay bukas na lang daw. Parang gusto kong hilahin ang oras para tulyang matapos ang araw na ito at sumapit ang bagong umaga.
Kinuha ko ang phone at tinawagan si Aysel. Tatlong beses nagring bago niya ito sinagot. Kahit abala siya sa kanilang negosyo na cofee shop, nagagawa pa rin naming magkita.
"Hello?" narinig ko ang boses niya sa kanilang linya.
"Aysel! May ikukwento ako sa'yo!" masaya kong sabi. "Hulaan mo."
"About your family business? Tita Prudence set up a blind date para sa inyo ng isang anak ng business tycoon?"
Ang boring naman ng naisip niya. Hmm. I can't blame her. Noong nag-break kami ni Arvo at umuwi ako rito sa Pilipinas, nagsimula si Mommy na ipakilala ako sa hindi ko kilalang bachelors at ipag-date ako sa kanila. At first, she couldn't get over sa breakup namin. Hanggang ngayon ay tinatanggihan ko mga pa-blind date dahil wala akong natitipuhan sa kanila.
"Hindi. Si Roshan... 'Yong kinuwento ko sa'yo noon! Naaalala mo pa ba?" umupo ako sa sofa.
"Ah. What about him?"
"He's working in our hotel and our new General Manager! Can you believe it? Hindi ko namalayang tatlong buwan nang nagtatrabaho sa'min dahil palagi akong wala hotel."
"R-Really? Wow! That's great!" aniya, halata ang saya sa boses. "Ang liit naman ng mundo at nagkita ulit kayo matapos ang walong taon."
Ngumiti ako at tumango. I know, right?
BINABASA MO ANG
After Our Unlucky Getaway (Haciendera Series #3)
RomanceNot your typical rich girl from Manila, Soleia Anniston Enriquez almost has it all. From riches, an heiress of their family's company, party-goer and beauty. Pero sa likod ng lahat na iyon, hindi alam ng lahat na may kinikimkim siyang takot. She kep...