Kabanata 14

191 7 0
                                    


Kabanata 14

Comfort

My heart felt lighter when I finally heard it from him. It was just two words pero ang lakas ng dating sa'kin. Hindi ko alam kung normal pa ba itong nararamdaman sa kanya pero... gustong-gusto ko.

Nabalot ulit kami ng katahimkan matapos kong magpasalamat sa pagbati niya sa'kin. Our atmosphere is a bit awkward here in our area. He's playing the small rock while I'm eating chips and staring at the flowing water. Gusto ko pang kausapin siya... makipagkwentuhan... pero walang lumalabas na salita sa labi ko.

"Hoy, kayo riyan! Ayos lang ba kayo riyan? Tama na ang moment riyan at samahan niyo kami rito!" sigaw ni Jasiel sa'min.

Pareho kaming lumingon kay Jasiel na ngumingisi sa'min. He's standing on a huge rock and still topless, showing his naked upper body. 

"Halika na rito, Roshan, at maligo na! Iwan mo na nga 'yang babaeng 'yan! Ano ka, bodyguard, para bantayan siya?" sabi naman ni Miggy.

I heard Roshan sighed.

"Hindi ka sasama? Maliligo?" tanong ni Roshan sa'kin sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

"I didn't bring an extra clothes. Ayos lang sa'kin. Dito lang ako at babantayan ang mga gamit."

Sandali siyang hindi nagsalita bago tumango. Lumapit muna siya sa kanyang gamit at may kinuha roon. Napansin ko ang paglapit ni Rael sa direksyon namin at kumuha ng pagkain. He sat beside me, where Roshan sat earlier. He comfortably get some chips.

He didn't even grab his shirt para takpan ang katawan niya. But it's okay. Rael's body doesn't makes me uncomfortable. Kahit magkasing laki sila ng katawan ni Roshan. His jet black hair is damp and drops of water are slowly dripping on his body.

"Crush mo ba ang kaibigan kong si Roshan?" he suddenly asked.

Sa gulat ko ay agad akong tumingin sa kanya. He smirked as he chew his food. Seryoso ba siya sa tanong niya?

"Hindi, ah," agad kong sagot. "Ano bang pinagsasabi mo riyan?"

"Bakit? Bawal bang magtanong?" nakangisi pa rin siya sa'kin. "Napansin ko kanina kung paano ka ngumiti kanina habang kausap ka niya. It was as if there was something going on between the two of you."

"I don't know what you're talking about," I looked away. Kumuha ako ng beer sa cooler.

Pinabuksan ko iyon sa kanya at agad naman niyang ginawa. Nilagok ko iyon at nalasahan ang kaonting pait dahil hindi na masyadong malamig.

"What's the real score between you and my best friend? Do you like him? Ano ang sinabi niya sa'yo kanina?" hininaan niya ang boses niya para kami lang ang makarinig.

His long legs were spread on the cloth while his feet are now near the water. Ang dalawa niyang kamay ay nakatukod sa likod niya. He looked very relaxed as if he's at the beach kahit nandito lang naman kami sa sapa.

"Bakit ba ang dami mong tanong kaya may gusto kang malaman? Tsismoso ka ba?" naningkit ang mga mata ko sa prangka kong tanong sa kanya

He left out a bark of laughter as if my question was ridiculous. He licked his lips before facing me again.

"I'm just curious, Soleia. It's just a simple yes or no, I'll understand," aniya. "Besides, my friend isn't hard to like. Aside from he's kind, he's handsome like me."

I rolled my eyes as I laugh shortly sa huli niyang sinabi. May gana pang magmayabang sa pagtsistismis niya!

"Single ang kaibigan kong 'yan. Rejected ang lahat na umamin na mga kaklase namin at schoolmates kahit noong senior high pa lang kami. Alam mo bang may mga napaiyak na siya? Pogi 'no?"

After Our Unlucky Getaway (Haciendera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon