WAAAHHH, Ang LAMIIIIIGGG!!!” sigaw ni Devin ng buksan niya ang pintana ng kwarto nila. Bigla kasing hampas ng malamig na hangin sa buong kaibuturan ng katawan niya.
“Devin, pwedeng konting tahimik naman… kita ng natutulog pa yung tao eh” napalakas kasi ang sigaw niya kaya nabulabog ang pagkakatulog ni Dada. “Abot sa kabilang bahay na yang sigaw mo…”
“Oops, sorry!” nagpeace sign pa siya habang humingi ng tawad. “Gising ka naman na… sabay na tayong magbreakfast” lumapit siya sa hinihigaan ni Dada at umupo sa dulong kanan ng kama. Niyugyog niya ito kasi sa halip na sagutin siya ay lalo pa itong nagtalukbong ng comporter.
“Dada! Bangon ka na… sige na… please…” inaalog alog parin niya ang kaboardmate niya para sabayan siya sa pag aagahan.
Bigla itong napabalikwas ng bangon na ikinagulat niya.
“B-bakit?” nautal siya hindi dahil sa nagulat siya kundi dahil sa itsura nito. Para kasi itong sadako sa ‘the ring’ at sinamahan pa ng facial expression nito.
“Anong date ngayon?” tanong nito sa kanya na hindi niya inaasahan.
Napakunot noo siya, “ December 18, bakit?”
“Gosh! Anniversary namin ngayon!” bumangon ito ng mabilis at tumakbo patungo sa banyo pero bago ito pumasok, bumalik muna ito sa direksyon niya. Akala niya may sasabihin ito pero nilagpasan lang siya nito at kinuha yung towel nito nakasabit sa apalador nito. Bumalik na muli ito sa banyo at tuluyan ng sinara. Nabingi pa nga siya kasi napalakas ang pagkakasara ng dalaga.
“Anong nangyari dun?” napailing iling na lang siya. Nawi-weirduhan kasi siya sa dalaga. Pero bigla siya napaisip. Inalala niya ang huling sinabi nito sa kanya. “Anniversary? May boyfriend na siya? Bakit hindi ko alam yun? Tsk! Si Dada talaga masyadong malihim. Kahit manlang sakin, hindi niya nasabi? Matanong nga sila, baka alam nila.” Ang tinutukoy niya ay ang iba pa niyang boardmates na nasa kabilang kwarto lang.
Lumabas na siya ng kwarto para tsumismis sa kabilang room. Masyado kasi siyang mausisa sa mga nalalaman o hinala. Pagkakataon na niya yun habang nasa banyo pa ang dalaga.
Nag aalmusal sila ngayon ni Dada at ito ang tamang pagkakataon upang maisagawa ang plano.
“Gwapo ba?” Panimula ng pag-i-interogate niya. Napagdesisyunan nila ng iba pa niyang kaboardmates na i-hot seat nila si Dada. Nabigo kasi siyang makakuha ng inpormasyon sa iba pa niyang kasama. Lahat ay pawang walang alam sa pagkakaroon ng boyfriend ni Dada.
“Ha?” halatang nagulat ito sa tanong niya.
“Ilang taon na siya? Mayaman ba? May kotse?” lalo pang kumunot ang noo nito sa mga tanong niya. Naisip isip niyang ang slow naman ng kaboardmate niya.
Nakatitig lang siya dito kaya hindi na niya nagagawang galawin ang pagkain niya at gayun din ang kaharap niya. Ang iba naman niyang kasama ay pasimpleng nakikinig sa pagtatanong niya sa kaharap pero hindi naman ito nagsasalita at nakakunot lang ang noo nito.
“Ano bang klaseng tanong yan Devin? San mo natutuhan yan? Sino ba tinutukoy mo?”
“Edi sino pa ba? Yung boyfriend mo?”
“Boyfriend?” nanlaki ang mata nito na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Ang pagkagulat nito ay unti unting nawawala at nagpo-form ito ng ngiti at sa huli ay tumawa na ito ng malakas.
Siya naman ang kumunot ang nuo sa kadahilanang bigla bigla na lang tumatawa ang kausap niya.
Tumigil naman na ito sa kakatawa at nagseryoso, “Dahil sa malawak mong imahinasyon, kung ano ano na ngayon ang naiisip mo… alam mo bang nakakamatay ang akala?” at tumawa itong muli.
BINABASA MO ANG
MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIRO
Hài hướcsi girl na walking disaster at si boy na sleepyhead na inlove sa isa't isa.. pa'no kaya un?? **** Nabulabog ang mundo ni Kim ng dumating sa buhay niya si Devin. Lagi na lang kasing napuputol ang mahimbing na pagkakatulog niya dahil sa ingay nito. Ka...