Ang lakas ng tugtugan kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ni Devin.
Nandito na siya sa harap ng isa sa mga sikat na club sa bayan ng Lucban. Ang lugar kung saan nandirito ang lalaking pinili niyang puntahan.
Huminga siya ng malalim bago siya pumasok sa club. This is it!
Pagkapasok niya nakita agad niya ang binata pero hindi naman agad siya lumapit dahil sobra siyang kinakabahan. Hindi rin kasi niya mawari kung bakit parang nagdadalwang isip na siya ngayon sa desisyon niya samantalang kaninang lumabas siya ng Simbahan ay buo na ang loob niya.
Habang nagtatalo ang isip niya, hindi niya inaasahang nakalapit na pala ang binata sa kanya.
"Good evening my beautiful lady" bati ng lalaki na may kasamang ngiti.
"G-good evening din" naiilang na bati niya.
"I'm glad you made it!" ngiting ngiti sabi nito. "Ang akala ko ay di ka na makakarating".
"B-bakit naman hindi?" tanong niya.
Napahawak ito sa batok bago nagsalita, "Eh kasi... You know, nagpunta kasi ako kanina sa Simbahan to see you. I mean para makita ko lang kung pano ka umakting. And accidentally, I heard about the party... So, hindi na ako nag assume na pupunta ka dito. Pero I'm really happy to see you here."
“Ahh. Yun ba? Don’t mind it. Alam naman ni Ash na nandito ako.” Actually ang totoo walang kaalam alam ang mga kaibigan niya na hindi siya makakaattend sa party nila.
“Good. So, shall we?” niyaya na siya nito sa table na malapit sa stage. Ito siguro ang pinili nito para makita niya ito ng malapitan mamaya pagtumutugtog na ang banda nito.
Nang makarating na sila sa table, agad naman itong umorder ng makakain nila. Ito daw kasi ang bahala sa lahat dahil ang binata ang nagyaya sa kanya kaya kahit anong orderin niya ay ang huli ang magbabayad.pero kunti lang ang inorder niya. Hindi lang dahil sa nahihiya kundi pati wala siya sa mood ngayon.
Kwento lang ng kwento si Kim ng kung ano ano pa inintertain siguro siya pero lumalampas lang ang bawat salita nito sa tigkabila niyang tainga. Ewan ba niya, parang lutang na lutang siya ngayon. Napansin ata ito ng binata kaya tinanong siya kung okay lang ba siya. Syempre nagsinungaling siya. Ayaw naman kasi niyang pag aalahanin ang binata dahil sa inaasal niya ngayon. Pero anong magagawa niya, hindi niya kasi mapigilang maalala yung nakita niya kanina.
“Devin, okay ka lang ba talaga?” halata kay Kim ang pag aalala nito sa kanya at ayaw niyang mangyari yun kaya pinilit niyang pagaanin ang pakiramdam niya. Kelangan niyang maging masaya ngayon hindi lang para sa kanya kundi pati na rin sa lalaking kasama niya ngayon.
“I think this is the right time” bigla namang wika ni Kim na pinagtaka ng dalaga. “Ha?”
“Just watch and listen” tapos ngumiti ito at tumayo. Sinundan na lang niya ito ng tingin kahit naguguluhan parin siya. Nagtungo ito sa mga kabanda nito na nagreready ng instruments sa ibabaw ng stage.
“Ano kayang meron? Baka naman tutugtog na sila. Baka nga…
“Good evening ladies and gentlemen” naghiyawan naman ang mga tao sa loob ng White Haven ng bumati ang vocalist ng Aller Gy band. Pumailanlang ang magandang tono na nagmumula sa mga instrumento ng bandang nasa harap ngayon ng maraming tao. Tumigil naman ito ng nagpatuloy sa pagsasalita ang vocalist ng banda. “This night is a very special to my bandmate” tapos ngumiti muna ito sa kanya then tumingin ito sa direksyon ni Kim Maas. Naguluhan siya sa inasal ng vocalist at biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng magtama ang mga mata niya sa mata ng guitarist. Anong pakulo ito Kim? Nagkakaroon na kasi siya ng hinala sa mangyayari. “So this is his compensation from us for being a nice bandmate… we’re going to serenade his special girl to night!” Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao kasabay ng lakas ng tibok ng puso niya. Naisip isip na lang niya sana pala hindi na lang siya tumuloy ngayon dahil mali ang nangyayari ngayon. Pero sa kabilang banda, maganda na ito para madivert ang utak at puso niya sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIRO
Humorsi girl na walking disaster at si boy na sleepyhead na inlove sa isa't isa.. pa'no kaya un?? **** Nabulabog ang mundo ni Kim ng dumating sa buhay niya si Devin. Lagi na lang kasing napuputol ang mahimbing na pagkakatulog niya dahil sa ingay nito. Ka...