Chapter 8: Kim?

81 2 3
                                    

 "I don't know but Kim... You really make my heart beat faster" sambit niya sa sarili habang patalikod patungo sa table ng mga kaibigan.

"REALLY!"

Napalingon siya sa lalaking nagsalita at laking gulat niya ng makita ang lalaki at malaman na narinig nito ang sinabi niya.

"Kim—"

“Hey, Kimiro- kun come over here!” sigaw ng isang lalaking nasa bandang kanan ng White Haven. Tinatawag nito ang lalaking ngayon ay nasa harapan ni Devin at nakangiti sa kanya ng todo.

Lumingon si Kim sa lalaki at may binanggit ito pero hindi na niya naintindihan dahil wari niya ay nakakita siya ng taong matagal na niyang hinahanap. Para bang gusto niya itong yakapan ng mahigpit dahil sa sobrang pagkamiss niya kanina. Bigla lang siyang natauhan ng maalala niya ang sinabi niya kanina na narinig naman ng binata. Pa’no niya masasabi sa lalaki na hindi ito ang tinutukoy niya kanina at ibang Kim iyon? Pero sa pag iisip din niya bakit kailangan naman niyang magpaliwanag sa binata samantalang wala naman namamagitan sa kanila. Naguguluhan ngayon ang isip niya, sumabay pa ang lakas ng tugtugan sa loob ng White Haven.

“Hey! Are you alright?” bigla na lang siyang natauhan ng may nag snap sa harapan niya at tinanong kung ok lang daw siya.

“Ha? Ah… I-I’m ok… I guess” sagot niya. Naguguluhan kasi siya sa nangyayari sa kanya.

“Really? I think your not.. May I see?” biglang hinawakan ng binata ang kanyang noo siguro upang icheck if wala siyang sakit. Pero wala naman talaga siyang sakit. Sakit sa puso baka meron pa siya nun sa isip isip niya.

“Ah.. Ok lang naman ako… Nagulat lang ako sayo”, sagot niya na medyo nahihiya kasi totoo naman ang sinabi niya. Nagulat naman siya ng tiningnan niya ang lalaki, nakangiti ito sa kanya.

“Bakit ka nakasmile?” tanong niya dito. Nakakagulat kasi sa isip isip niya, bigla bigla na lang ngumingiti.

“I remember what you said earlier… I never thought na pati dito ay iniisip mo ako” confident na sagot nito sa kanya at may kasama pang smile. Sa parte naman niya, para siyang nayabangan sa sinagot ng lalaki sa kanya. Kung alam lang sana ng binata na hindi ito ang sinasabihan niya kanina, napahiya siguro ito sa kayabangan nito ngayon.

“Ah… a-ano k-kasi…”

“Kim!” Napahinto siya at napatingin sa kung saan nagmula ang pinagmulan ng pagtawag na narinig niya sa kanyang pangalan at nagulat siya kung sino yun. At sino naman to? Pero pamilyar ang mukha niya.. saan ko na ba ‘to nakita?

Lumapit ang lalaking tumawag kay Kim sa kanila. Pagkalapit nito ay sabay umakbay ito sa binatang nasa harapan niya ngayon.

“Ah Hey! Miss Devin kaw pala yan!” masigla nitong bati sa kanya.

“Do I know you?” tanong niya dito dahil totoo naman na hindi niya ito kilala.

“Ouch naman! hindi mo na agad ako kilala… Alam mo bang nakakahurt ka ng feelings?” sagot nito na may halong drama pa. Humawak kasi ito sa kaliwang dibdib nito at feel na feel ang pagdadrama na wari mo’y nasaktan talaga.

“Sorry but I really don’t remember you… nagkita na ba tayo?”

“Yeah… Sa canteen, nung nakausap ko si Miss Ash” sagot nito na ikinagulat niya. Unti unting naalala na niya ang lalaki at nagulat rin siya ng marealize kung sino ito.

MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon