“SINO ba itong mga maiingay at spoken dollar pa ata?” tanong ni Devin sa sarili. Mabilis naman niyang na recognize kung sino ang mga naririnig niya, mga kaibigan niya ito na parang may in- interview. Iminulat niya ang kanyang mga mata upang alamin kung sino ang kausap ng mga ito. Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Nasa langit ba siya? Bakit may angel siyang nakikita? Mataas ito, matikas ang pangangatawan, matangos ang ilong, may pagka Japanese look, at kissable lips. “kissable lips?” binaliwala na lang niya ang kanyang naisip. Bumalik siya sa kanyang pag-oobserve. Nasa langit na nga siguro siya. Ang puti ng buong paligid. Ang hinihigaan niya ay kulay puti rin. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at napabaligwas ng bangon. Tiningnan niya ang buong paligid. May mga equipment sa paligid na makikita lang sa loob ng ospital. “Nasa ospital ako, ah, hindi nasa loob ako ng clinic ng campus”, wika niya sa sarili. “Pero anong ginagawa ko dito at ng mga kasama ko?” tanong niya sa sarili. Saka lang niya naalala ang nangyari. Nabagok nga pala siya kanina kaya siya nahimatay at iyon ang dahilan kung bakit siya nasa clinic.
Napatungo ang tingin niya sa mga kaibigan niya. Nakatingin ang mga ito sa kanya na wari’y pinakikiramdaman siya. Umani kasi ang katahimikan sa paligid. Napatako ang tingin niya sa lalaking katabi ni Jesse na nakatingin din sa kanya kaya nagtama ang paningin nila. Natulala na siya sa sobrang kagwapuhan nito. Hindi siya makapaniwala na may gwapong nilalang na kasama nila sa loob ng clinic at bakit parang nakita na niya ito dati “Kailan yun?” Nadistract ang isip niya ng lumapit sa kanya si Ashley. Hinawakan nito ang kanyang baba at inilapit ang mukha nito sa kanyang mukha.
“Munting binibini, nakanganga ka po”, bulong nito sa kanya. Agad niyang itinikom ang kanyang bibig at inayos ang kanyang bangs para iharang sa mukha dahil sa sobrang kahihiyan.
“Kakausapin ko muna si Doc kung pwede ka ng mailabas”, wika nito sa kanya sabay taligod nito.
“Sama ako sa’yo”, wika nang ni Jesse, “Gusto kong marinig ang boses ni Doc Pogi”, dagdag pa nito na mukhang kinikilig. Hinabol nito si Ashley dahil hindi ito nito pinansin. “Killjoy talaga ni Ashley” napailing iling siya sa naisip. Maya maya pa ay tumayo sila Coline at Ella.
“Pa- ladies room lang kami”, wika ni Ella at lumabas na ang mga ito.
Silang dalwa na lang ng gwapong anghel na nakaupo sa sofa ang magkasama. Nakaramdam na siya ng pagkailang. “Who is this man? Why he is here with us? Is this a friend of my friend? Why he staring at me? Why this handsome stranger is familiar with me?” naguguluhan na talaga ang kanyang isip sa dami ng gusto niyang malaman dito. Pero hindi naman niya magawang makapagsalita dahil inuunahan siya ng kaba. “kalian pa kasi lumakas ang confidence mo sa sarili?” tanong niya sa sarili. Nadistract siya ng pumasok sila Ashley at Jesse, nakausap na siguro nila ang Doctor.
“Pwede ka ng ilabas, sabi ni Doc.” Nakangiting wika ni Ashley.
Si Jesse na ang nagprisintang ayusin ang gamit niya. Si Ashley naman ay naupo na lang sa sofa. Ipinasya niyang tulungan si Jesse sa ginagawa nito kaya bumaba siya ng kama at saka lumapit sa kanyang kaibigan. Habang tinutulungan niya ito hindi niya maiwasang itanong dito kung sino ang stranger na kasama nila na kasalukuyang kausap ni Ashley.
“Hindi mo ba tinanong sa kanya kanina?” mahinang tanong nito sa kanya.
“Hindi eh, hindi ko kasi magawang magsalita dahil pinangungunahan ako ng kaba”,sagot niya.
“Hey, stranger, can you introduce yourself to her?” malakas na wika nito sa lalaki kaya kinalabit niya ito at tumingin ng matalim dito pero hindi niyon pinansin at sa halip ay tumitingin lang sa lalaki.
“Hi, I’m Kimiro Hinata, Kim for short” pakilala nito “You are Devin, right?” tumango lang siya dito.
Nasapo nito ang ulo “Pasensiya ka na kanina kung nagulat kita, nagulat din kasi ako ng magkaroon ng liwanag sa loob ng room. Ahm… sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing ‘wag lang sa baong gising”, nagkapit balikat ito.
Naintindihan niya kung anong ibig nitong ipahiwatig. “Ako nga dapat ang magsorry, hindi kita napansin noong pumasok ako sa room kanina. Eh,di sana wala tayo ngayon sa clinic” wika niya.
“Teka, teka teka!!!” marunong ka palang magtagalog, manose bleed- nose bleed pa ako kanina dahil sa kaka English, yun pala marunong kang magtagalog”, nakapamaywang si Jesse habang nagtitimpi.
Nagkapit balikat na lang ang lalaki at ngumiti na lang. Napatulala na naman siya pero agad naman niyang binawi iyon para hindi mapahiya.
“Paano kasi dakdak ka ng dakdak dyan, tinanong mo ng english kaya english din ang isasagot sa’yo”, sangat ni Ashley sa usapan.
“Fine, ako na ang mali”, pag amin nito “Ok, lets go at para makauwi na tayo ng maaga” yaya nito.
“Mabuti pa nga, sasalubungin na lang natin sila Coline para hindi sila pumunta pa dito” wika naman ni Ashley.
Pinauna niyang lumabas sila Ashley at Jesse, tapos siya naman ang sumunod. Kasunod naman niya si Kim. Ang lapit nito sa kanya kaya naamoy niya ang pabango nito. Ang sarap sarap nitong amuyin parang dinadala siya sa kalangitan. Parang nang- aakit na ----
“Mr. Hinata, where you go now?” tanong ni Ashley kay Kim ng makalabas ng clinic.
“I have to go to the lobby, nandoon kasi ang mga friends ko”, sagot naman nito.
Panira talaga ng moment itong si Ashley, naputol tuloy ang pag iilusyon niya. “killjoy talaga nito, hindi muna ako pinatapos sa pagmomoment ko”, wika niya sa sarili.
Nagpaalam na sa kanila si Kim. Sinundan na lang niya ng tingin ito habang hindi mapigilang ngumiti.
BINABASA MO ANG
MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIRO
Humorsi girl na walking disaster at si boy na sleepyhead na inlove sa isa't isa.. pa'no kaya un?? **** Nabulabog ang mundo ni Kim ng dumating sa buhay niya si Devin. Lagi na lang kasing napuputol ang mahimbing na pagkakatulog niya dahil sa ingay nito. Ka...