Chapter 7: Just the way you are?

106 5 1
                                    

It’s been a week after makita ni Devin si Kim na may kasamang babae. Kaya hanggang ngayon mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Pano ba naman kasi, isang linggo na rin na hindi niya nakikita ang lalaki. Wala rin silang shooting dahil examination na nila next week at busy rin sila sa kani-kanilang organization dahil nalalapit narin ang accreditation.

“HAIST!!!” Her long sighed. “Grrrrr…” nagulo na niya ang buhok niya dahil sa sobrang daming isipin. Nasa boarding house siya ngayon at nakahiga sa kanyang kama.

“Hoy, anong problema mo dyan?” biglang sulpot ni Dada sa kwarto nila.

Putek! Manggulat daw ba?

“Wala naman… Nag iisip lang” wika niya habang nakatitig sa kisame.

“Wag kang mag aalala… Mahal ka dun..” wika naman ni Dada na may halong pagbibiro.

“Adik…” Bumangon mula siya bago pinagpatuloy ang sasabihin. “Ang dami kasing isipin ngayon. Exam… Accreditation… The Wheel… Movie… at si K—“

“Kim” pagtatapos ni Dada sa sasabihin niya.

“Si Kabo… yung coach ng volleyball… ayaw kasi niyang magpa interview sakin…eh kailangan ko yun sa article ko sa The Wheel” pagsisinungaling niya kahit ang totoo ay tama si Dada.

“Sinong niloko mo? Tsk”

“Edi wag kang maniwala”

Napailing iling na lang si Dada sa kanya. Bakit pa kasi siya nagsisinungaling sa kasama niya, eh kilalang kilala na naman si nito.

“By the way, speaking of Kim…” biglang naman siyang naexcite ng banggitin ng kaibigan ang pangalan ng lalaki. “Gusto mong sumama? Pupunta kami ng barkada mamayang 7pm sa White Haven… May tugtog daw kasi sila Kim Maas…Ano sama ka?” tanong nito sa kanya na ikinadismaya niya. Ang buong akala kasi niya ay si Kimiro Hinata ang tinutukoy nitong Kim pero ibang Kim pala. Natanong tuloy niya sa kanyang isip kung bakit ang daming Kim sa mundo.

“Hoy, ano na? sasama kaba?” untag sa kanya ni Dada dahil hindi pa niya nasasagot ang tanong nito.

“Ahm… I’m not sure eh… Itetext ko muna si Coline para may kasama naman ako kung sakasakali… Baka kasi ma O.P. ako dun eh..”

            “O sige, sabihin mo sakin mamaya kung sasama ka ha? Bababa muna ako para manuod ng t.v.”

“Ok” maikling sagot niya.

Tinext na niya sila Coline, Jessee, Ella, at Ashley about sa gig mamaya sa White Haven. At hindi rin nagtagal ay nagreply din naman ang mga kaibigan niya.

‘sure… wala na rin tayong social life for the past few days…’ ---> Coline

‘oo ba!basta libre niyo ang entrance at pagkain’ ---> Jessee

‘OMG! :)I love that…go na go ako dyan’ ---> Ella

At ang pinakahuli sa lahat:

‘K’ --->Ashley

Yan ang mga kaibigan ko… Sa text palang makikilala mo na ang ugali nila..hehehe J

_________

5pm na pero wala paring balak maggayak si Devin. Ewan ba niya kung bakit wari niya ay kinakabahan siya. Para bang may mangyayari na ikakagulat niya. Pero ininda na lang niya ang kanyang nararamandaman, baka kasi guni-guni lang niya yun kaya kung anu-ano ang naiisip niya..

MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon