“YOUR late” wika ni Ashley kay Devin paglapit pa lang niya sa kaibigan.
“Sorry, nakalimutan ko kasing may usapan nga pala tayong magkikita ngayon ng 9 o’clock” paghingi niya ng paumanhin sa kaibigan.
“Hindi ka na talaga natuto, alam mo naman na higit sa lahat ayokong nale- late sa usapan” she sighed. “Pa’no ka na lang pag nagtatrabaho ka na?”
“Matagal pa naman yon” sagot niya dito. Nagsesermon naman ang kaibigan niya sa kanya. Yon ang pinaka ayaw niya dito. Masyadong perfectionist at parang ina kung umasta. Pero wala naman siyang magagawa dahil ganyan talaga ito sa simula pa lang.
“Matagal pa nga pero kailangang matutunan mo na at sanayin ang sarili mo sa mga bagay na ganito.”
She sighs. “Okay” sagot na lang niya dito para matapos na. “Kain muna tayo, nagugutom na kasi ako” yaya niya sa kaibigan.
“Hindi ka na naman kumain sa bahay ng almusal sa inyo” napapailing na lang ito habang nakatingin sa kanya. “Late ka na’t lahat!” she sighed. “Hay! Naku Devin!”
Yumoko na lang siya bilang maiwasan ang tingin ni Ashey.
Ilang segundo rin itong hindi nagsasalita hanggang narinig nito ang pag aalma ng kanyang tiyan. Gosh ka Devin! Nakakahiya wika ng isip niya sa kanya. Anong magagawa ko? eh sa gutom na nga ako, sagot niya sa isip niya.
Naramdaman niyang tumayo si Ashley at naglakad papalayo. Tumunghay siya para malaman kung saan ito papunta.
“Uupo ka na lang ba dyan at hintaying mamatay ka sa gutom o susunod ka sa’kin?”
“Ah ok” tumayo na siya at sumunod kay Ashley papuntang canteen. Magkasabay na silang maglakad ng may magsalita sa likod nila.
“Hello, beautiful angels.”
Sabay sila ni Ashley na tumingin sa likod. Sino ang lalaking ito?” tanong niya ng makita niya ang lalaking nagsalita kanina. Ngayon lang niya nakita ito sa loob ng campus. Matangkad, pointed nose, medyo may kahabaan ang buhok at higit sa lahat mukhang Hapon katulad ni—sino?
“Yahiro, why are you here? Diba may class ka?”
“Yes, pero mas gusto kong makita ang mga anghel kaysa magsayang ng oras sa masungit at mataray ng professor namin” natatawa pa ito habang nagsasalita.
Kilala pala ito ni Ashley. Lahat na ata ng student dito sa campus ay kilala ng kaibigan niya.
“Go back to your class Mr. Kurosawa or else---“
“You so cruel talaga Ash” wika nito na parang bata na pinagalitan. “Okay then, babalik na nga ako” tumalikod na ito sa kanila. “Bye” paalam nito.
Pareho lang sila ni Ashley na nakatingin sa lalaking papalayo sa kanila.
“Lets go Devin, gutom ka na diba?”
“Ah, yes.”
Pumasok na sila sa canteen ng university at naghanap ng table na mapepwestuhan. May nakita silang makanteng table sa may tabi ng glass window.
Pinauna na niyang lumapit sa napili nilang table si Ashley at siya na lang ang o- order ng kakain nila.
Nakapila na siya at namimili ng kakainin nila ng kaibigan. Nahihirapan siyang mamimili para sa kaibigan dahil iba ang taste niya sa taste ni Ashley. Tatawagin na lang niya sa Ashley para lumapit sa kanya at itanong kung anong gusto nitong kainin pero hindi na niya nagawa dahil nakita niyang may kausap itong lalaki. Hindi naman niya makilala kung sino yong lalaki dahil nakatalikod ito sa kanya. Kumalam na naman ang kalamnan niya kaya pumili na lang siya ng kahit ano para sa kaibigan. Bahala na.
BINABASA MO ANG
MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIRO
فكاهةsi girl na walking disaster at si boy na sleepyhead na inlove sa isa't isa.. pa'no kaya un?? **** Nabulabog ang mundo ni Kim ng dumating sa buhay niya si Devin. Lagi na lang kasing napuputol ang mahimbing na pagkakatulog niya dahil sa ingay nito. Ka...