CHAPTER 2: angelic?

128 3 1
                                    

“PATINGIN nga niyang bracelet mo”, sabay tanggal ni Jesse sa kanang braso niya ang pink diamond bracelet na regalo sa kanya ni Ashley noong nakaraang pasko.

“Akin na nga yan. Bakit mo ba kinuha?” inagaw niya dito pero hindi niya magawa dahil nilalayo nito sa kanya.

“Ano bang meron sa bracelet na’to at kanina mo pa tinititigan?”

“Ibalik mo nga yan sa’kin. Hindi naman sa’yo yan.” Naiinis na siya dahil parang walang balak itong ibalik sa kanya.

“Ano ba kayong dalwa? Para kayong mga bata”, saway ni Ashley na bagong dating palang.

“Paano kasi itong Jesse, kinuha yung bracelet na bigay mo sa’kin”, paliwanag niya.

“Kanina pa kasi iyan nakatulala habang nakatitig sa bracelet na’to”, pinakita pa niya sa huli ang bracelet. “May sariling mundo na naman” sabay tawa nito.

Napangisi na lamang siya. Inabot naman nito sa kanya ang kanyang bracelet para isauli. Isinuot na uli niya ang bracelet sa kanang kamay niya. Affected parin kasi siya sa nangyari noong nakaraang lingo sa library. Hindi niya sinabi yun sa mga kaibigan niya dahil alam niyang pagtitripan siya ng mga ito. Hindi naman siya pinagpaliwanag ni Ashley kung ano talagang totoong nangyari kaya wala rin itong alam sa nangyari.

Umayos siya ng upo ng tumabi sa kanya si Ashley-kasalukuyang nasa bench sila ngayon- nakaka- intimidate talaga ito. Napaka formal kasi nitong gumalaw kaya bumagay dito ang suot nitong blue dress na tinernuhan niya ng below knee black leggings sa pambaba at black high heels. Samantalang siya ay naka white shirt na pinatungan ng light gray blazer. Sa pambaba naman ay cream skirt na below knee at simpleng sandals. Tiningnan niya ang mga friends niya and the same time classmate niya. Nagtataka talaga siya kung bakit ito ang naging kaibigan niya simula ng magcollege siya.

Tumingin siya kay Coline, ang pinakang mature mag- isip sa kanilang lima. Katulad ni Ashley, ito na rin ang naatasang mamahala ng kanilang negosyo simula ng high school ito ayon sa mga kinuwento nito. Happy go lucky rin ito hindi katulad ng huli na workalogic na, killjoy pa. maayos din itong manumit pero dati naman ay kahit ano ay sinusuot nito. May pinagpapagandahan ata. Kasunod naman niyang tiningnan ang katabi ni Coline na sosyalerang kaibigan nila na si Ella. Sa kanilang lima ito ang mahilig mangyaya para magshopping. Naggaling din ito sa maayos na pamilya. Dahil bunso at solong babae ay nagagawa nito at bilhin ang kahit anong magustuhan nito. Simple lang naman itong manamit na laging naka t-shirt at tinernuhan ng jeans sa pambaba. At ang huli sa lahat ang naughty girl at feelinggerang palaka na si Jesse. Ayon dito siya daw ang dyosa ng buong Universe. Laging feeling na pinakamaganda kahit ang totoo ay maganda talaga ito. Hindi nga lang ito napapansin na iba dahil maliit ito. Namana daw kasi niya ang height nito sa kanyang ina kaya pagminsan pagtinutupak ay pinagbibintangan nito ang kanyang ina. Ito ang joker sa grupo nila. Hindi mahahalata dito na marami itong problema lalo sa financial problem dahil lagi itong nakangiti at laging nagpapatawa. Simple itong manamit at laging naka t-shirt na tineternuhan ng jeans sa pambaba. “magkakaiba talaga kami”, bumuntong hininga ng lamang siya sa naisip.

“Devin?” tawag ni Coline.

“Hmmm..?”

“Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Kaya kanina ka pa inaasar ni Jesse eh!”

“Ahm…wala, nagtataka lang ako kung paano ko kayo naging kaibigan.”

Nagtawanan ang mga ito maliban kay Ashley na seryoso pa rin. “Kahit ako, I wonder why you are my friend. Eh, nakakahiya ka namang kasama. Ang clumsy muna, lagi pang napapahiya”, tumawa ito ng malakas pagkatapos ay nag peace sign. Nakitawa na rin ang ibang kaibigan niya. Tiningnan niya ang mga ito ng matalim. Dahil dun tumahimik na ang mga ito.

MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon