“Kiss me my angel, kiss m-----“
“Ouch!!!” napalatak si Devin ng may sumampal sa kanya. “Ano ba? Ang sakit nun ah!!!” hinaplos niya ang kanyang namumulang pisngi.
“Paano naman kasi hindi kita sasampalin? Eh, noong lumapit ako sa’yo para gisingin kita, bigla ka na lang nagsalita ‘kiss me my angel’ tapos hinigit mo ako papalapit sa’yo” paliwanag ni Dada- boardmate niya- habang nakapamaywang “Ewwww!!! Yak!!!” dagdag pa dito.
“Sorry, Dada”, paghingi niya ng paumanhin at saka nag peace sign.
“Sino ba itong ‘my angel’ mo ha? At may pa- kiss kiss ka pang nalalaman”, tanong nito sabay lapit sa kanya. Nagpalinga- linga muna siya sa paligid baka kasi may ibang makarinig. Buti na lang at mukhang nakaalis na ang iba niyang kaboardmates. Huminga muna siya ng malalim bago tumingin kay Dada at the same time classmate niya. Nakangiting nakangiti ito sa kanya at mukhang excited malaman kung sino ang angel niya.
“Si Kim” wika niya.
“Si Kim Maas? Sabi ko na nga ba may gusto ka talaga dun eh! May pa- deny- deny ka pang nalalaman.” Nagniningning ang mga mata nito habang nagsasalita. Sinapok niya ito ng mahina sa ulo.
“Bruha! Hindi siya, si Kimiro Hinata ang tinutukoy ko”, pagtatama niya.
“Kimiro Hinata?”
“Hindi mo ba siya kilala?”
“Kilala siyempre, pero hindi ko pa siya nakikita. Diba, isa siya sa mga Japanese exchange students?”
“Japanese exchange student?” saka lamang niya napagtanto ang lahat na kaya pala ito mukhang Japanese.
“Grabe ka, late ka na talaga sa balita”, wika nito. “Matagal na sila na sila dito, mga 2 weeks na to be exact. Lumelevel up na kasi ang school natin, baka nga sa susunod na buwan mga Korean naman ang makipag- exchange sa’tin”, pagpapatuloy nito.
“Marami ba sila?”
“Sino?... ah, yung mga Japanese. Ang pagkakaalam ko 10 exchange students sila. 5 girls and 5 boys.” Bigla itong kinilig. “Ang swerte talaga nating mga Business Administration student, biruan mo nasa atin na ang lahat ng naggagandahang at naggagwapuhang mga foreigner, at syempre, tayong mga students of College of Beautiful Angel”, wika nito na abot tainga ang ngiti pagkatapos ay humiga sa kanyang kama. “Bagay na bagay tayo dun. Tayo ang mga angel ng ating campus, hehehe”, pagpapatuloy nito. Nasapo niya ang kanyang ulo “May topak na naman ang babaeng ‘to. Pati ang nananahimik na department ay dinamay sa kahibangan niya”, wika ng isang bahagi ng isip niya. “Pero bakit nga ba hindi? Mga angels naman talaga kami, ah. Lalo na siguro pagnakita ng ibang tao si Kim. Maniniwala na talaga ang mga tao sa kahibangan ni Dada.” Pagtatama niya sa kanyang sarili.
“Bakit marunong siyang magtagalog?” wika niya na mahina lang.
“Mga Half- half sila lahat kung hindi man, nag- aral sigurong magtagalog.” Sagot ni Dada sa kanya na narining pala ang sinabi niya kanina. Tumangu- tango na lang siya.
Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay napadako ang tingin niya sa orasan na nakasabit sa pader sa gawing itaas. Ilang segundo siyang nakatitig sa bagay at saka napabalikwas ng upo ng mag sink in sa utak niya kung anong oras na. “Shit! 9 na pala, lagot na naman ako kay Ashley” sigaw niya at tumakbo siya papuntang CR para maligo.

BINABASA MO ANG
MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIRO
Humorsi girl na walking disaster at si boy na sleepyhead na inlove sa isa't isa.. pa'no kaya un?? **** Nabulabog ang mundo ni Kim ng dumating sa buhay niya si Devin. Lagi na lang kasing napuputol ang mahimbing na pagkakatulog niya dahil sa ingay nito. Ka...