NAGAWA nga ni Ashley na mapapayag ang mga classmates niya. Gusto kasi ng lahat na makatulong sa masalanta ng bagyo. Mayroon ding may ayaw dahil matatagalan daw bago matapos ito at hindi kaagad agad na magagawa ang pinakang adhikain. Pero napapayag din agad ito ni Ashley dahil alam pala nito na iyon ang itatanong ng iba. Ang plano nito ay: one week preparation, three weeks shooting, and one week final palish. Dahil doon napapayag nito ang lahat na tumulong.
She sighed. Wala na siyang lusot, magsisimula na ang maserableng buhay niya. Hindi naman siya makatanggi kay Ashley dahil ako lang pinagkakatiwalaan nito at marami na rin itong naitulong sa kanya.
“Devin, good luck!” wika ni Ellah na katabi niya sa upuan.
“Yeah right” sarkastikong sagot niya.
“Kilala mo ba kung sino ang leading man?” tanong nito.
“Isa pa yon sa problema ko, ayaw sa’kin sabihin ni Ashley kung sino ang leading man. Malalaman ko lang daw sa set” Pagmamaktol niya.
“Diba, dapat kilala ng leading lady ang leading man and vice versa para makapag adjust sila?”
“Yes, at yon ang gusto kong mangyari pero itong si Ashley ay ayaw. Basta makikilala ko lang daw ang leading man ko sa Set” she sigh.
“Sino kaya ang leading man mo? Imposible namang pangit iyon kasi hindi bagay sa character… ah baka ---“
"Baka ano?”
“Baka bading” sagot nito at saka tumawa ng malakas. Tiningnan niya ito ng masama para tumugil na sa mga iniisip nito. “Bakit? Pwede naman iyon ah… maraming gwapong bading sa campus natin kaya posibleng iyon ang leading man mo” tugdong pa nito.
“Yeah right” she sarcastic answered. Possible nga iyon dahil magagaling umarte ang mga bakla at marami ngang gwapong bading sa campus nila. Pagbading ang kinuha ni Ashley madali nitong magagampanan ang role ng leading man. She sighed.
SINIPA- sipa ni Devin ang mga maliliit na bato na kalsada. Pauwi na siya sa boarding house galing sa taping ng movie na pinagbibidahan niya. Naiinis siya kay Ashley dahil hindi parin nito pinapakilala kung sino ang leading man niya. Ang dahilan nito ay wala naman daw sa scene ang leading man kaya hindi nito pinapunta sa Set. Ang Debesa Farm nila Joy ginawang bahay sa movie at napakaromantic ng place na iyon. Sila Ate Badeth at March ang namili ng place ng mga scene kaya wala sino mangtumutol because they are expert in that field. At dahil malayo ang farm sa bayan, pinasya ni Ashley na huwag ng papuntahin ang leading man dahil wala naman daw ito sa scene. Ayaw lang nitong ipakilala sa kanya wika niya sa isip. Lagi na lang talaga siyang pinahihirapan ng kaibigan niya. Nainis na talaga siya kaya sinipa niya ng malakas ang batong nakita niya.
“Ouch!”
Nagulat siya sa narinig. Shit! Nakatama ako.
Dinaluyan niya ang lalaking nasa unahan niya at tinamaan ng bato na sinipa niya kanina. Nakatungo ito at sinipat sipat ang tama sa binti.
“Sorry, Mis—“
“Sa susunod mag- ingat ka naman Miss —“
“Kim” sambit niya sa pangalan nito.
“Devin” sambit naman nito sa pangalan niya.
“Ahm… sorry ha, natamaan ka pa tuloy” paghingi niya ng paumanhin sa nagawa. “Sorry, sorry… ahm… gusto mong matingnan natin sa hospital yan?”
BINABASA MO ANG
MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIRO
Humorsi girl na walking disaster at si boy na sleepyhead na inlove sa isa't isa.. pa'no kaya un?? **** Nabulabog ang mundo ni Kim ng dumating sa buhay niya si Devin. Lagi na lang kasing napuputol ang mahimbing na pagkakatulog niya dahil sa ingay nito. Ka...